32

288 19 11
                                    

CHAPTER 32

“Sleepless night, habang nakaupo ka sa sofa at umiinom. O, kaya naman, nakatayo ka sa terrace mo at nakatanaw pagawi rito sa isla. And you know why? Because you miss her terribly.”

Natigilan si John.

“At bakit mo naman nasabi ‘yan?”

“Dahil hindi kayang pasinungalingan ng mga labi mo ang sinasabi ng kislap ng mga mata mo sa tuwing tititigan mo siya, John. You love her.”

“No. Ang pagtitig ko sa kanya ay bahagi lang nang pang-aakit ko sa kanya.”

“Really? Bahagi pa rin nang pang-aakit mo ang nababasa kong kislap ng mga mata mo ngayon habang tinatanaw siya?”

“Luis!”


“It takes one to know one, Pinsan. Ganyan din kung titigan namin ni Marco sina Vivoree at Rita Gaviola.”

Natawa nang pagak si John.

“At kailan pa kayo naging psychologist na may karapatang magbigay ng kahulugan sa titig ng isang tao?” natatawang tanong ng binata bagama’t naging mailap ang mga mata nito.

“Mula nang magmahal kami.”

Hindi nakakibo si John.

MALAKAS ang ugong ng makina ng chopper habang umiikot ang elise niyon. May mga guest nang nagsasakayan habang ang ilan ay namimili pa ng mga native products na nilalako ng ilang kababaihan.

Bahagyang nakaawang ang bibig ni Aya habang natatanaw niyang humahakbang patungo sa chopper si John, bitbit ang isang bag na marahil ay damit ang mga laman.

Tama nga pala ang sinabi sa kanya ng guwardiyang si Jerome, nag-resign na ang boy ng resort.

At ngayon, paalis na ito. Without saying goodbye to her.

At bakit naman niya aasahang magpapaalam sa kanya si John?

Pagkatapos nang ginawa niyang pag-iwas dito?

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon