13

286 15 0
                                    

CHAPTER 13

Nakita ni Aya ang mukha nito, nakangisi, nanlilisik ang mga mata. Animo halimaw na handang manila.

Lalong nanlamig ang buo niyang katawan. Gusto lang niyang tulungan si Liza, bakit ngayon ay siya na ang haharapin nito?

“T-Tyler, please don’t,” kahit paano ay nagawa niyang bigkasin sa namamaos na tinig.

“Aya?” Nabosesan nito ang dalaga. “Yeah, it’s you!” Lalong napangisi ang lalaki. “That’s good, eh! Two birds in one stone.”

Napalunok si Aya, unti-unti na niyang nahahamig ang sarili at nagsimula nang gumana ang kanyang utak.


“T-Tyler, please let her go. She’s too young. J-just take me.” Saka niya gustong pagsisihan ang nasabi na.

“Oh, really? You want to be a hero, eh?” Huminto na ito sa paglapit ng ilang hakbang ang layo sa kanya.

“T-Tyler, why?” Lihim na naging mailap ang mga mata niya.

“Why? Oh, what a silly question? It’s just for fun, baby. You know, I’m a serial killer. My victims are ambitious and opportunistic ladies. You and Liza is my twelfth and thirteenth victim. But don’t worry, I’ll give you the honor of being the thirteenth. Liza is so easy to kill. And besides, I really like you a lot. I know you’re more ambitious than Liza.”

“N-ho, that’s not true!” Bigla ay gusto niyang pagsisihan ang pagiging ambisyosa. “I’m not —”

“Just shut up!” bulyaw nito.

Natahimik siya.

“Now, come here!” Bigla nitong hinawakan sa kamay si Aya.

“No!” Na agad naman niyang nailagan sabay tadyak sa harap nito.

“Ouch!” Napasapo sa harapan si Tyler, saka dahan-dahang napaluhod. “D-damn you!”

“Damn you ka rin!” Paiwas ditong nagtatakbo ang dalaga patungo kay Liza. “Liza, okay ka lang?” Mabilis niyang tinanggal ang busal sa bibig ng dalagita.

“A-ate Aya, bilisan mo!” bulalas nito nang makalaya ang bibig.

“O-oo — oo!” Tarantang kinalag ni Aya ang tali nito.

“Bilis!” Nagpapapalag si Liza sa pagkakatali. Mayamaya ay napatili ito nang mapatingin sa likod niya. “Hayan na siya!”

“H-ha?” Sabay lingon ni Aya.

“Damn you, lady! I’ll kill you!”

“No!” Napatili na lang siya nang makitang nasa likuran na nga niya ito. Sabay taas ng kamay na may hawak na labaha na minsan pang kumislap sa dilim ang talim.

“Don’t!”

Kasabay nang pagdidilim ng kanyang paningin, bahagya pa niyang naulinigan na may umigik. Kasunod niyon, ay wala na siyang natandaan pa.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon