CHAPTER 11
“Wala si Sir James,” wika ng isang bellboy na nasalubong niya sa hallway. “Nakita ko kaninang hapon na sumakay ng chopper kasama ang misis niya. Ibinilin nga kay Mang Nonong na ipalinis ang swimming pool dahil may darating na mga special guest bukas. Bakit ba?”
“W-wala.” Litong lumayo na siya rito, diretso palabas ng hotel.
Natanaw niya si Liza na mukhang engrossed na engrossed sa sinasabi ni Tyler. Nakaupo ang dalawa sa isang malapad na batuhan at sa malas ay nakuha na ng banyaga ang kalooban ng dalagita.
No! Hindi siya dapat maniwala sa boladas ng buhong na iyon! Akmang hahakbang siya palapit sa mga ito.
“Miss…”
“Ha?” Napalingon siya sa may-ari ng baritonong tinig na umagaw sa kanyang pansin.
Si Johnny Edward Montero, nakangiti habang palapit sa kanya, nakapamulsa ang mga kamay sa kupas na maong. And this time, t-shirt na puti ang suot nito kaya mas disenteng tingnan. But still, ang macho pa rin ng dating dahil hakab na hakab pa rin iyon sa malapad nitong dibdib.
And goodness, bagong paligo na naman yata ito dahil basa-basa pa ang buhok.
She’s freezed for a while. Hanggang makalapit na ito sa kanya.
“Mukhang ayaw kang dalawin ng antok, ah?” nakangiti pa rin nitong tanong habang namamasyal ang mga mata sa kabuuan ng kanyang mukha.
Hindi pa rin siya makakibo. Isang sulyap ang ginawa niya sa kinaroroonan nina Tyler at Liza.
Oh no! Pababa na sa batuhan si Liza habang inaalalayan ni Tyler.
“Miss, may problema ba?”
“H-ha?” Muli siyang napatingin sa mukha nito. “P-puwede ba, huwag mo nga akong guluhin?” angal niya sabay hakbang patungo sa gawi nina Tyler.
“Miss, sandali!”Ngunit tuluy-tuloy na siyang humakbang palayo. Pasunod kina Tyler na ewan niya kung saan patungo. Pagawi ang mga ito sa dulo ng dalampasigan.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...