12

290 15 0
                                    

CHAPTER 12

",Liza " Hindi naman niya magawang ilakas ang pagtawag sa pangalan ng dalagita.


Baka maalerto si Tyler at lalong malagay sa panganib ang buhay nito.

Ngunit dahil malayo ang agwat sa kanya ng mga ito, hinihingal na siya ay hindi pa rin makaabot sa hinahabol. Saglit siyang huminto sa paghakbang upang habulin ang hininga.

No! Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pagawi na sa bungad ng kasukalan sina Liza. Anong nangyari sa batang iyon? Bakit sasama siya sa loob ng kasukalan? God! Nasaan ba ang tatay ng batang ‘to? Napilitan siyang muling sumunod sa mga ito.

Lalo siyang kinabahan nang makitang tuluyan nang nakapasok sa bungad ng kasukalan ang dalawa.

Mayamaya ay natanaw niyang hinawakan nito sa braso si Liza habang tila nagwawala ang huli.

Binilisan pa niya ang pagtakbo.

MADILIM sa loob ng kasukalan, nagkakapatid-patid si Aya sa paghakbang dahil sa malalaking ugat ng puno sa kanyang daraanan. Ngunit sige pa rin siya sa paghakbang.

Tuluyan nung nawala sa kanyang paningin sina Tyler. At kahit masasal na ang tibok ng kayang puso, alam nyang wala siyang dapat na aksayahing oras.

Baka sa mga sandaling ito ay nasa panganib na ang buhay ni Liza.

Nasaan kaya sila? Humihingal na saglit siyang namahinga habang nakaupo sa ugat ng isang puno.

“Huwag!”

Napatayo siya nang marinig ang impit na tiling iyon.

“Liza!”

Ngunit wala na siyang narinig na anumang ingay.

“Liza!” Napilitan siyang muling maglakad. This time ay pilit niyang tinalunton ang pinagmulan ng tili kanina.

Nakarinig si Aya nang mahinang pagtawa.

“You’re now mine, baby!”

Si Tyler ‘yon! Kahit kinakabahan ay walang ingay na humakbang siya palapit sa pinagmulan ng tinig.

Eksaktong paghawi niya sa makapal na kumpol ng mga dahon ay nabanaagan niya ang isang malaking tao na may ginagawa. Tila may itinatali iyon sa katawan ng malaking puno.

Si Liza! Sigurado siyang si Liza ang nabanaagan niyang nakatali sa puno. Umiiyak ito, pero hindi makasigaw. Kaya pala ay may nakasupalpal na kung ano sa bibig.

“There!” Nakangising minasdan ni Tyler ang ayos ng dalagita nang matapos ito sa ginagawa.

Nakasandal sa malaking puno si Liza, nakatali nang pataas ang mga kamay at magkalayo ang mga paa habang nakatali rin ang mga iyon paikot sa puno.

God! Parang baboy ang ginawa kay Liza ng hayop na ito! Naningkit sa galit ang mga mata ni Aya.

“Now, for our finale…” Nakangising dumukot sa bulsa si Tyler.

Kumislap sa dilim ang isang matalim na bagay. Nanlalaki ang mga matang napatitig si Liza sa bagay na iyon.

Pati ang nakasilip na si Aya ay napanganga. Labaha, iyon ang sigurado niya na hawak ni Tyler.


Tumaas ang kamay ng lalaki. Iniamba ang labaha na ihihiwa sa kung saang parte ng katawan ni Liza.

“No!” hindi napigilang sigaw ni Aya.

Natigilan si Tyler sa gagawin. Agad itong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw.

No! At huli na para sa kanya ang magtago. Kahit madilim, alam niyang nakatitig na sa kanya ang lalaki.

“Who are you, huh?” Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya.

Pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang buong katawan at wala siyang kakayahan na gumalaw kahit munti man.

Naparaan si Tyler sa natatanglawan ng liwanag ng buwan na sumisingit sa mga siwang ng makapal na dahon.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon