135 Aya Choice Zeus Over John

285 15 5
                                    

CHAPTER 135

Nakasakay sina Zeus at Samantha sa chopper natatanaw parin nila ang lawak ng karagatan at ang isla.

Tahimik na umiiyak si Samantha.  Nag hahalong emotions na ngayon lang naramdaman.

"Hindi madali ang lumimot.
Kailanma'y hindi naging madali ang paglimot
sa bawat alaala na sa atin ay lumipas na.
Lumipas na pala.

Hindi madali ang magpatawad.
Marahil napatawad na kita at ang puso mong
naging pinid at manhid sa pag-ibig ko.
Pero hindi ang sarili ko.

Hindi madali ang umamin.
Inamin kong hindi na ako masaya kahit alam kong
mas mali ang amining hindi na ako nasasaktan ngayon.
Pero kailangan kong pumili.

Hindi madali ang ngumiti.
Bawat ngiti, katumbas ay milyong hinagpis
dahil alam kong hindi ka na magiging bahagi nito.
Pagkukunwari ang bumabalot.

Hindi madali ang magbago.
Nagdesisyon ako. Ang pinakamahirap na desisyong
ginawa ko para sa sarili ko, dahil alam kong ito rin ang gusto mo.
Wala na tayo.

Hindi madali ang bumangon.
Mula sa pagkakadapa kahapon, ngayon
kailangan nang umahon, at hindi na muli pang lumingon.
Dahil hindi na tulad noon.

Hindi madali. Kailanma'y hindi.
Paano ba makalimot? Paano ang magpatawad
kung ang dapat patawarin ay ang sarili ko lamang?
Hindi handang aminin, na kaya kang limutin
at iwanan sa nakaraan, gustuhin man at pilitin,
walang araw na 'di naninimdim, nasasaktan pa rin ako Jhonny Edward  Barber. Ang sakit sakit sakit parin kasi mahal parin kita pero dina tama.

Wala akong maintindihan.
Tila nahihirapan.
Hindi nga naging madali,
Sapagkat ako pala ang nang-iwan.

Humagol gol na si Aya sa pag iyak.  Hindi matanggap ng isang panig ng kanyang utak na wala na sila ni john.  Sa isang bahagi ng kanyang isip tama ang pinili,  pinili niya si Zeus at Becca.  Si Becca lamang nakakatulong para maibsan ang sakit na dulot ng pag kawala ni Esabell.

" Tama na Cupcake,  wag ka ng umiyak,  makakalimutan mo rin sa pag lipas ng panahon,  kong nakaya mo non mambuhay n wala sa tabi niya makakaya mo rin gawin yon lalo na pag nakasal na tayo,  hindi kita pababayaan,  kong pano kita inalagaan noon mas aalagaan kita ngayon,  mahal na mahal kita Samantha" niyakap ni Zeus si Aya.  Naawa din ito sa kanya pero bahagi ng buhay nila ni Becca si Samantha at di alam ang gagawin kapag itoy nawala.

Ang buhay nga naman madalas kinakailangan natin dumaan sa matinding mga pag subok bago natin ito maintindihan.

"Mahal na mahal din kita Cupcake,  kayo ni Becca,  kayo ang buhay ko,  para sakin matagal ng patay si Aya at bilang Samantha sa inyo ko natagpuan ang tunay na pag mamahal"

" Salamat Cupcake,"

.... ITUTULOY....

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon