156

228 10 0
                                    

CHAPTER 156

"KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT"

Nag patuloy sa pag kukuwentu si Elisse habang abala sila ni Aya sa pag luluto.

kinaumagahan maaga kaming nagising ni Liza, usapan nila ni Quen bago Mag 8:00 am nandon na Kami para maabutan ang may ari ng Restaurant.

" Baby,  nandito na pala kayo,  mabuti naman at maaga ang dating niyo,  maya maya lang darating na si boss,  umupo mona kayo mga magagandang dilag" pinag hila ni Quen ang dalawa ng mauupuan.

" Quen,  salamat naman,  sana matanggap agad kami ng kaibigan ko,  siya nga pala si Elisse, kaklase ko siya pareho kami ng kursong kinuha saka don din siya nag aaral sa university na pinapasukan natin"

" Talaga baby,  hi Ms Elisse nice to meet you " nakipag kamay si Quen.

Nailang naman si Elisse di kc  sanay na nakikihalo bilo sa mga lalaki.

" Coffee mona kayo,  sagot ko" masayang paanyaya ni Quen.

" mabuti naman ginising mo kami ng maaga ni hindi kami nakapag almusal haha,"

" tamang Tama,  dito na kayo mag breakfast" masayang pinag silbihan ni Quen ang dalawa.

" ma- maraming salamat, quen" tipid na sabi ni Elisse di parin nakatingin sa lalaki.

Natawa naman si Quen sa inaasal ni Elisse.  Mahiyain talagang tao.

" alamo Elisse,  kong gusto mong makakuha ng trabaho dapat ay alisin mo yan hiya mO dahil kapag natanggap ka dito kailangan araw araw kang nakangiti sa bawat customer na kakaharapin mO dapat naka smile ka,  parang ganito" tudo bigay ang smile  na pinakita ni Quen..

Natawa naman si Liza at Elisse.  Si Liza sanay na sanay kay Quen,  masayahin tao at mabait si Quen.  Mga bata palang sila lagi tong mag kasama. 

Aminin man o hindi ni Liza crush din niya si Quen.  Ang sabi pa nga sa sarili si Quen ang lalaking makakatuloyan at magiging ama ng kanyang mga anak.

" baby ko, kailan mO ba ako sasagutin? " pag iibang topic ni Quen.

Wala pa naman Customer kaya nakipag kulitan si Quen sa dalawa.

" Maka baby ka naman hahaha luko,  wag mo nga ako itulad sa mga babaing nag kakandara pa sayo,  saka ano bang pinag sasabi mong sasagutin,  bakit kailan mo ba ako tinanong hahaha" ganting bero ni Liza.

" Ganon,  ngayon pwd na ba kitang tanungin,?  BABY ko Ma----"

" Magandang Araw " ang sabi ng Boss  ni Quen ng pumasok ito sa Restaurant.

Hindi naituloy ni Quen ang sasabihin kay Liza.  Pinag tawanan naman ng dalawa.

" Magandang Araw pO Boss " ganting bati ni Quen sa Boss,  Midsyo may edad na pero dahil magaling to sa pananamit at pag dala sa sariling katawan di halata ang edad.  Matcho at pogi ang lalaki.  Baka nga lapitin pa ng mga babae dahil sa taglay nitong lakas ng appeal.

Tahimik na nakangiti si Elisse buhat sa isipin ang bagay na yon sa lalaki.

...... ITUTULOY......

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon