Chapter 35
“Ha?” Na-off guard si John.
“G-gusto kong makasama ka uling mamangka. K-kahit kasi umuuga ang bangka, pakiramdam ko ngayon ay hindi naman ako delikado basta ikaw ang kasama ko.”
“Aya…” Napabuntong-hininga ito.
“S-saka, masarap din naman sigurong kumain kahit… kahit asin at kamatis ang ulam, di ba? Isa pa, sanay na naman tayo sa ganoon, eh.”
Oh God! Tila pinipiga ang puso ni John sa mga sandaling iyon.
Ito ang hindi napaghandaan ng binata. Ang malamlam na mga mata ni Aya na itititig sa kanya, ang mga katagang magbibigay ng assurance na wala na itong pakialam na maghirap sa piling niya.
“J-John, huwag mo naman akong iwan, o. K-kung gusto mo, sasama ako sa iyo kahit saan. K-kung ayaw mo na rito, bumalik na lang tayo sa Manila. D-doon tayo maghanap ng trabaho.” Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Aya.
“Aya…” humakbang ang binata at niyakap siya. “Halika, huwag tayo rito mag-usap. Napapatingin na sa iyo ang mga guest, o.”“W-wala akong pakialam sa kanila. B-basta sabihin mo lang na hindi mo na ako iiwan!” umiiyak na nagsiksik siya sa dibdib nito.
“Oo — oo, hindi kita iiwan. Halika na, doon tayo sa gawi roon, ha?”
“S-sige.”
Magkaakbay na naglakad sa dalampasigan ang dalawa.
Wala nang pakialam sa paligid si Aya. Ang mas hindi niya kakayanin ay ang malayo kay John.
Naiiling na nagkatinginan sina Jamez at Luis. Mayamaya ay sabay silang napangiti at kapwa nag-appear, ang mga kamay. Pagkuwa’y umalis na sila sa pagkakasilip sa bintana.
“Akala yata ni John, matatakasan niya ang pag-ibig ni Aya,” natatawang wika ni James.
“At akala din niya, matitiis niyang malayo sa babaeng iyon,” naiiling naman na wika ni Luis.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...