Chapter 124

1.3K 44 1
                                        

Dahil sa pagka pahiya ng dalawa, hindi na sila nagsalita sa mga interview nila, sinasabi na lang nilang no comment para di na humaba. Napatawag  din sila sa management ng myx at kinausap, binigyan sila ng warning dahil sa malinaw na pagsisinungaling.  Hindi na sila makapag denay dahil kitang kita ang malinaw na ebidensya.  Sinabihan na lang sila na wag na mag cocomment pag may nag ask sa kanila tungkol sa bagay na yun.
Hindi na din pinag usapan nila Kisses and Donny ang mga nang yari, tutal past is past, nag papasalamat na lang sila sa kung sino mang nag labas ng video na yun at nalinaw ang issue ng dahil dun, di lang matangap no Donny yung ingat na ingat syang wag mag two piece ang girlfriend sa public dahil ayaw nya makita ito ng iba eh mas lalong madaming nakakita. Bakit kase di inedit nung nag post ng video.  Pero ok na din kase maganda naman talaga yung girlfriend nya at kahanga hanga ito hindi lang sa physical kundi  pti sa ugali nito.

Donny's  Calling

Kisses-" hello love?"

Donny-" love, may klase ka ba?"

Kisses-" meron until 2PM why?"

Donny-" ok ako susundo sayo ha, paki sabi kay Tito... at wag ka makipag  usap kay Timo ha. "

Kisses-" ok??? Bakit anong poblema kat Timo? "

Donny-" eh hindi pa kami bati. Ayaw ako kausapin eh, kaya habang di nya ko binabati wag mo sya kakausapin."

Kisses-" ano? Eh panu yun ok naman kami eh.."

Donny-"ang daya naman love... eh ayaw nya ko kausapin eh.. "

Kisses-" o sige lalambingin ko na lang sya para kausapin ka"

Donny-"NOOO!!!"

Kisses-" huh? Ang gulo mo love..."

Donny-" love, alam mo naman seloso ako... tapos lalambingin mo pa?
yun na sinabi ko na, kahit pinsan ko pa sya. Please... dont talk to him , for now  lang naman. hangat ayaw nya ko kausapin"

Kisses-" hala love wag naman ganon, magtataka yun why im not talking to him"

Donny-" iwasan mo na lang? Eh kase nag papalibre eh"

Kisses-" eh di libre mo"

Donny-" alam mo ba anong libre gusto?"

Kisses-" ano? "

Donny-" He wants to go to Paris, may utang daw kase ako sa kanya , remember he helped us to get back together... sinisingil na ko hahaha napangakuan ko kase i told him anything he likes. So ayun "

Kisses-" ahahaha grabe naman si Timo, sige dahil dyan di ko sya kakausapin , maki pag bargain ka, sabihin mo Asia muna kahit ako na sasagot"

Donny-" ano ka hindi no, ako ang may utang sa kanya hindi ikaw.. pero tama ka makikipag bargain ako, na triggered lang yan kase naiwan natin eh"

Kisses-"ikaw naman kase bakit di mo sya naisip? Ayan tuloy ang mahal maningil"

Donny-" love, biglaan kase yun diba ... "

Kisses-" alam ko na share tayo love, parehas naman tayong natulungan eh.,"

Donny-" love, di ko naman pinopoblema ang pera. Yung kaartehan lang talaga nya naiinis ako.. ok na kami nung huling labas natin eh.. tapos bigla bigla nangungulit.. "

Kisses-" e yun naman pala eh bat di mo na lang ibigay... "

Donny-" hindi kase ako pwede love, wala na ko bakasyon naka full load na ang sched ko"

Kisses-" bakit ano ba gusto nya?"

Donny-" sinasama ako eh... Dapat daw kasama ako nag lalambing"

Ikaw Nga Ba🌺 llMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon