Chapter 14

1.3K 32 9
                                    

Nauna ng dumating sa airport sila Donny. He's just waiting with Gelo
Nakatayo si Donny di mapakali, lakad ng lakad parang tatay na inaabangan makitang lumabas ang anak sa delivery room. Tatayo, uupo .
Pinapanuod lang sya ni Gelo. Nag tataka ito bakit parang di mapalagay ang amo.

Gelo-" Boss umupo ka nga , nahihilo ako sayo eh. Ano bang meron bakit di ka mapalagay. Pero yung mukha mo , ang saya natin ah..!
kanina ka pa naka smile, excited ka boss? sino ba susunduin mo? "
Ngumiti si Donny

Donny-"  wala akong susunduin, may ihahatid ako.
Pag kasabi nya nun, nagulat si Gelo

Gelo-" may ihahatid ka? Eh nasan? Alam ko pag may ihahatid tayo kasama na natin eh. Para sadyain mo dito yun sigurado special yan"

Donny-" super special Gelo makikita mo"
Nakangiti pa rin sya at di maipinta ang mukha sa tuwa

Gelo-" huli kong nakitang ganyan ang saya ng mata mo nung ok pa kayo ni ki...""

Di na itinuloy ni Gelo ang sasabihin nya kase baka maalala na naman ng amo ang dalaga, wala kase sya ka malay malay na si Kisses ang kikitain ni Donny. Umalis kase si Donny kahapon ng hindi na sinama si Gelo, nandun naman kase si Timo. Kaya wala syang idea na nag ka ayos na ang dalawa. Isa si Gelo sa mga taong botong boto sa relasyon ng dalawa. Saksi din sya sa lahat ng mga pangyayari dito at nalungkot sya ng malaman na di na nag uusap ang alaga nya at si Kisses. Ngunit naging tahimik sya sa issue tungkol dun dahil everytime na pag uusapan nila si Kisses, nalukungkot lang si Donny at medyo umiinit ang ulo. Kaya minabuti na nyang maging quite pag si Kisses ang topic.

Nilingon ni Donny  Gelo and ngumiti ng napaka saya

"Nakakalokong ngiti ni boss ah" ang sabi ni Gelo sa isip nya
"Isa lang nagpapangiti sa kanya ng ganito , may spark ang mga mata nya...  teka hindi kaya si Kisses" kinakausap ni Gelo ang sarili habang nagtataka pa din sino ang i meet nila. Dahil never naman sila pumunta sa airport para kitain lang yung tao na aalis, usually from bahay ihahatid nila or may sususnduin sila. Kaya sigurado syang special ang tao na ihahtid ni Donny para kitain at sadyain dito. Pero syempre imposibleng si Kisses yun sabi nya sa isip nya. Unang una kasama sya lagi ni Donny kahit saan sya mag punta at never nila pinuntahan si Kisses. Hmmp hayaan na nga makikita ko din yang ihahatid mo mamaya. yun na lang ang nasabi nya sa isip nya.

Nakatangap na nga ng txt si Donny, at nakita ni Gelo kung paanong kislap ng mata nito ng mabasa ni Donny ang txt.

Donny-" Tara dali nasa coffe shop sila sa kabilang side, bilisan mo! sayang ang time. "

Hinatak ni Donny si Gelo at sumunod naman agad ito. Nang makarating sila sa coffe shop...
kumabog ng husto ang dibdib ni Donny, ng makita ang pigura ng nakatalikod na si Kisses habang inaayos nito ang mga bagahe.

Tinignan ni Gelo ang mata ni Donny kung saan ito nakatingin. At hindi nga sya nagkamali.. si Kisses nga , sya lang talaga nagpapataranta sa taong to. Pati si Gelo ay nakaramdam ng excitement para sa Amo, kinikilig  sya para sa dalawa.

Palapit na sila habang nakatalikod si Kisses at inaayos ang mga gamit, Mag isa lang sya nung mga oras na yun dahil nag oorder na ng pagkain at coffe ang parents nito.

Donny-" loveeeee"
Malambing na tawag ni Donny
Dahan dahan lumingon si Kisses na akala mo ay nasa isang commercial her hair flips and wave nag slowmo... parang feeling nya na love at at first sight sya ng makita nya ulit ito.

pagkakita ni Kisses kay Donny...
Napangiti sya... yung ngiting malambing, yung ngiting kaya kang matunaw.
Lusaw na lusaw si Donny sa ngiti na yun
Habang tinitignan sila ni Gelo palipat lipat ang tingin nito sa dalawa, ayaw nyang may ma miss na kahit anong ganap sa pagitan nito.

Kisses-" loveeee"
At naglapit ang dalawa para mag beso, nagulat na lang si Kisses ng bigla syang binuhat ni Donny , at napatili sya dahil dito

Kisses-"ayyyyy!"

Gigil na gigil niyakap ni Donny si Kisses at unti unting ibinaba sa pagkakabuhat at hinawakan ang dalawang kamay.
Magkaharap sila ngayon at nag tititigan. Naka ngiti sa isat isa na wari moy walang ibang tao sa harap nila. Umubo ng kunwari si Gelo para mapansin naman ito. Medyo masyado na kaseng malagkit ang nasa harap nya baka sila langamin

Gelo-"" uhu uhu..."
Pag kukunwaring ubo ni Gelo

Napatingin si Kisses dito at bigla itong napatili

Kisses-" kuyaaa Geloooooo"

Akmang yayakapin ni Kisses si Gelo at naka abang na ang mga bisig nito ng biglang hilahin ni Donny ang kamay ni Kisses pabalik sa kanya..

Natatawang nangiwi naman ang mukha ni Gelo. Kahit kelan talaga tong boss nya seloso

Donny-" wag na, dito ka na lang sayang oras eh, ako na lng yakapin mo"
Ta tawa tawang sabi ni Donny na parang inaasar si Gelo at nag katawanan sila

Gelo-" sabi ko na, kanina pa ko nag tataka bakit parang sinisilaban ng apoy ang pwet ni Boss, ikaw pala talaga ang kikitain nya"

Natawa si Kisses sa ginamit na salita ni Gelo hindi nya maintindihan ito

Kisses-" ano kuya? Sinisilaban?
Inosenteng tanong nya

Donny-" wag mo ng intindihin yan, di mo lang ma ge gets mga word nya masyadong malalalim, sya nga pala nasan ang parents mo"

Biglang kinabahan si Donny , nahihiya kase sya sa mga ito dahil sa nangyari. For sure maraming luha ang iniyak ni Kisses sa kanila at sigurado bad shot sya sa mga ito.

Ikaw Nga Ba🌺 llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon