Natapos na silang kumain at nagpaalam na nga sila kay Kisses. Eto na ang simula ng plano, kinakabahan si Timo sana mag work. Medyo madilim na din inabutan na sila ng sunset.
Nasa elevator na sila ng biglang sinabi ni Timo na may nakalimutan sya
Timo: "" Kisses, wait may nalimutan ako sa gazeboo.""
Kisses: "" huh? Ano?"
Timo: "" guys mauna na kayo sa ibaba intayin nyo ko sa lobby, papasama lang ako kay Kisses kuhain yung Cellphone ko. Naiwan ko sa may upuan kanina.""
Aba magaling din yatang umarte si Timo may dugong artista din yan at nag woworkshop din kase sya sa abscbn bilang paghahanda para sa mga ganitong klaseng pagakakataon.
Naglalakad na sila papuntang gazeboo. Ng biglang tumigil si Timo.
Timo:""Kisses , mauna ka na susunod ako, sisintas ko lang sapatos ko," Kisses: "" huh? Sabay na tayo intayin kia"
Patay!! Sabi nya sa isip nya
Timo: "" pleAse Kisses mauna ka na baka may makakuhang iba nun. "
Kisses: "" o sige bilisan mo ha"
Tumakbo na si Kisses papunta sa gazeboo para kuhain ang cellphone ni Timo, andun na sya hinahanap ang nasabing naiwan daw na cellphone, naku baka nay nakakuha na. Iniikot ni Kisses ang paligid wala syang makita. Hangang sa may nakita syang imahe na nag palakas ng tibok ng puso nya. Nakatingin ito sa kanya, malabo ang mata ni Kisses , ina aninag nya ito lalo na at gabi. Pero hindi sya pwedeng magkamali kilalang kilala nya ang taas na yun.
Parang hirap syang huminga , naninikip ang dibdib... halo halo ang nararamdaman ng buong katawan nya. unti unti lumalapit ang imahe ng taong matagal na nyang gustong makita. Lumilinaw ng bahagya ang paningin nya. At tama ! Sya nga! Si Donny ... si Donny ang nakikita nya. Pero wait nanaginip ba sya? Paanong?
Basta ang pakiramdam nya ngayon, nag iinit ang buo nyang katawan dahil sa bolta boltaheng kuryenteng gustong sumabog sa buo nyang pag katao. Nagtama ang paningin ni Donny and Kisses. Sinubukan ni Kisses umiwas Ng tingin pero hindi sya nakawala , Nasa harap na nya si Donny. Hindi sya makagalaw naninigas sya.
"Totoo andito sya. Nasa harap ko"
kinakausap nya ang sarili
"Anong gagawin ko?" "anong sasabihin ko!?" "Bakit sya andito?" Hindi ako makagalaw para akong estatwa.
Nang bigla naramdaman nyang mainit ang buo nyang katawan. Si Donny.. nakayakap sa kanya umiiyak.. ramdam nya ang tibok ng puso nito . Kasimbilis ng sa kanya... parang may karera at nag uunahan. Kinabahan sya. At bigla syang napabalik ng yakap, at naramdaman nya na lang na basa na din ang mukha nya ng dahil sa luha.
Donny's POV Bumalik na sya.. eto na! Kakayanin ko.. nakita kong may hinahanap sya patingin tingin sa paligid hudyat ng paglabas ko. Kinakabahan ako. Nanginginig. Natatakot na baka hindi nya ako tangapin. Pero andito na ko, ano man ang sabihin nya i rerespeto ko. Unti unti ko syang nilalapitan. Nakatulala lang si Kisses inaaninag kung sino ang papalapit kanya, medyo malabo kase ang mata nito lalo sa gabi. Nag tama ang paningin namin mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko, sinubukan nya umiwas ng tingin ngunit hindi ko hinayaan. Sinalubong ko bawat galaw ng mata nya hangang mag tama ito. At ng hindi na sya makaiwas bigla ko na lang syang niyakap ng mahigpit
Tumulo ang luha ko... umiiyak ako... i feel home with my love. Sobrang na miss ko sya. Hindi sya gumagalaw, nakatayo lang sya, nang maramdaman kong niyakap nya ako pabalik... pakiramdam ko gustong bumaksak ng katawan ko. Nanghihina ako sa mga yakap nya. Tinangap nya ako.. may ilang minuto kaming magkayakap. Walang nagsasalita. Panay tulo ng luha. Nahimasmasan ako. Unti unti ko syang hinarap sa akin. Nakayuko sya, Nakita ko ang basang basa nyang mukha ng dahil sa luha. Inangat ko ang mukha nya at Pinunasan ko iyon. And then i sincerely say sorry... Mas lalo syang umiyak ng magsalita ako. Ang cute nya , sya pa din ang baby ko. Hindi pa din sya nagbabago . i miss my love. Niyakap ko uli sya para aluhin . And then she say sorry...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kisses POV.. Inalis nya unti unti ang yakap nya sakin Tinignan nya ako,, yumuko ako dahil sa hiya hinawakan nya ang mukha ko at hinawakan ko sya sa kamay na nasa pisngi ko. Pinunasan nya ang basang basa kong mukha ng dahil sa luha. When he say sorry, ramdam na ramdam ko ang pag sisisi at sinseridad nya, Mas lalo akong umiyak mas humagulgol ako at niyakap nya ulit ng mahigpit . Then i also say sorry... Para kaming tangang umiiyak walang nag sasalita
Love does not finish in an instant, if you really love someone, balikan mo sya. Dont let your pride overcome you. Kase baka mahuli na ang lahat. Walang salita , their souls are heal.. parang nakaramdam sila ng peace of mind.
They just trust their feelings. Their emotions.. yun lang sapat na ! Ok na ok na sila.