Chapter 27

1.3K 38 5
                                        

Nakarating na nga sila sa Chateau Mcely kung saan nag i istay ang mega team at si Kisses.

Nang makita nila si Donny na surprise ang lahat. Hindi nila ine expect. Dumiretso kase sila sa breakfast , binati ni Donny isa isa ang mga andun . Pati ang parents ni Kisses , sabi nila yung mga babae lang daw ang wala at natutulog pa hinayaan nila para sa beauty rest.

Na surpresa ang mommy at daddy ni Kisses, at nagulat sa presence ni Donny.! At na appreciate nila ito ng husto. Niyakap ni Donny ang mommy ni Kisses at ganun din ang daddy nito.

And his excitement starts ng sabihin ni mommy Carrie na sasamahan sya kay Kisses.
Nag paalam muna si Donny sa mega team. At si Archie na bahala mag explain sa kanila bakit sya andito.

Habang nag lalakad nag pa alam muna si Donny sa mommy ni Kisses if pwede nya bang tabihan si Kisses sa higaan habang natutulog kase gusto nya itong sorpresahin. Wala naman nakikitang masama duon si mommy C kaya pumayag sya

Donny-" tita, gusto ko kase sorpresahin si Kisses, ok lang po ba if she's still sleeping tabihan ko sya sa bed? Para when she wakes up magulat sya?

Natatawa lang ang mommy ni Kisses sa idea ng ni Donny.

Mommy C-"" ok , i trust you anak.. surprise her!"

Dumating na nga sila sa kwarto. At pinihit na ni mommy C ang pinto.. At eksakto mahimbing na natutulog si Kisses. Dali dali nyang sinet up ang camera nya at inilagay sa lamesa. Natatawa naman sa kanya si Mommy C.

Nag pa alam na si Mommy C , sabi nya kay Donny sya na ang bahalang gumising dito at babalik na sya sa dining. Siguradong ma susurpresa ang anak. At laging masaya ang parents ni Kisses pag masaya ito.

Malaki at buo ang tiwala ng mga magulang ni Kisses kay Donny, na kaya nila ipaubaya ito sa kanya. Kaya umalis na nga si mommy C at nagpaalam.

Nang makita ni Donny si Kisses parang gusto na kaagad itong yakapin. He's so excited to kiss her. Pero hindi pa nya ginawa. Humarap muna sya sa camera at nagsalita, Donny is doing a vlog. Bumubulong sya sa camera habang tulog si Kisses sa likuran nya. Then inayos nya na ito ng nakatapat sa kama, kung saan makikita silang dalawa at ang reaction ni Kisses pg nagising ito.

Lumapit na si Donny sa kama, at unti unti itong tumabi... malalim ang tulog ni Kisses at hindi ito nagising.. umusog si Donny para maigalaw si Kisses pero wala tulog pa din.
Sumiksik si Donny sa tabi ni Kisses at niyakap nya ito habang nakatalikod.. at di pa din kumikibo ang dalaga.. gustong gusto na gisingin ni Donny ang nobya pero hinayaan nya lang ito.
Umalis si Donny sa pag kaka akap lumipat sya ng pwesto sa harap nito at umangat sya ng kaunti sa uluhan para matitigan ang dalaga. Nag pa kalumbaba ito sa harap ni Kisses para matitigan

"Ang ganda mo talaga Love. im so happy im here with you now"

He's talking to her habang natutulog.

Gumalaw si Kisses at pumuwestong naka tihaya. Inaantok pa din pero nararamdamn ni Donny na malapit na itong magising. Humiga si Donny ng nakadapa sa tabi ni Kisses , ang mukha nya ay naka harap pa din sa natutulog na dalaga.. hindi na nya matiis halos sampung minuto na nya itong iniintay magising. Kaya he decided to wake her up.

Nagsalita na si Donny...

"Love... wake up! Im here.."
Marahang sabi ni Donny

Hindi pa din nagising ang nobya.

Sinubukan nya ulit

"Heyyy... Love... wake up na andito na ang prince charming mo."
Ang sabi nito.

Bigla nyang naisip ang salitang ang halik dahil sa word na ginamit nya na prince charming.

Tama he will wake her up na parang princesa..

Tinitigan ni Donny ang natutulog na nobya... nilapit nya ang mukha nya dito... at tuluyan na nga nyang inilapat ang makapal nyang labi sa labi ng dalaga.

It last five seconds bago ma alimpungatan si Kisses naramdaman nya na may humalik sa kanya at sa gulat nya napatalon sya at nahulog sa kama..

Kisses—-" ayyyy!!! Aray ko"

hinabol naman ng kamay ni Donny si Kisses pra saluhin pero huli na , dahil nahulog na sa lapag . Kahit nag aalala si Donny dahil baka nasaktan ang nobya di ma ialis ni Donny ang tawa dahil sa reaction nito.
Dumapa si Donny sa kama at sinilip ang nahulog na dalaga sa lapag.. nagulat si Kisses sa nakita.. is she dreaming?

Nakatulala lang si Kisses dito habang nakatitig.. nakatingin lang si Donny sa kanya at naka ngiti.. hindi pa rin sya makapaniwala .. tumayo sya ng walang reaction at tumakbo sa CR... sinundan sya ng tingin ni Donny.
humarap ito sa salamin.. at tinapik tapik ang mukha. Tinitignan nya if na nanaginip ba sya. Ngunit ramdam nya na di panaginip ang pagtapik nya sa mukha nya.. Sinundan ni Donny si kisses sa may pinto ng CR at kinatok.
Nagulat si Kisses sa pagkatok na iyun ni Donny..
dahan dahan nyang binuksan ang pinto at bahahagya syang sumilip ng  makita ang lalaking nakatayo sa harap nya, nakataas ang dalawang kilay nakangiti ito at bukas ang bisig na nag hihintay para sa mga yakap nya. Nakatulala pa din si Kisses at nagsalita na si Donny.

Donny-"" loveeee ano bang reaction yan? Hahaha SURPRISE !!! "
Sigaw ni Donny!

Biglang sinarado ulit ni Kisses ang pinto.. nagulat sya kay Donny! This time gising na gisjng na sya.

Kisses realize that its real, she open the door and ng makita si Donny  bigla syang tumalon at niyakap ito ng mahigpit.

Tawa ng tawa si Donny dahil napaka priceless ng reaction ni Kisses kaya ng mag bitaw sila ng yakap hinampas ni Kisses ng mahina si Donny sa dibdib at naiiyak si Kisses sa presensya ng binata. Nakita iyon ng binata at inalo nya ito para punasan ang mga luha

Kisses-" nakakainis ka!!! Sinungaling ka bakit di mo sinabi sakin na pupunta ka"
Ang sabi nito

Donny-"" love ano yun? E di kung sinabi ko sayo hindi na surprise!."
Natatawang sabi ni Donny,. Nagyakap ulit sila

Ikaw Nga Ba🌺 llMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon