Yamada-kun and the Seven Witches (Part 1)

1K 15 1
                                    


Sa pamilya ko, ako na lang yata at si papa ang maituturing na normal. Nanggaling si mama sa angkan ng mga witch, hindi yung kagaya nila Harry at Hermione ah na uma-avada kedavra. Literal nangkukulam. Yung kayang magdala ng sakit sa host or worst ay death. Pero hindi nakuha ni mama yung tinatawag na ""karunungan"". Hindi ko alam kung sinadya niya or talagang nabigo siya. Pero noon meron siyang kakayahang sa pagtatawas e wala siyang kakayahang mag inflict ng pain sa tao. Kaya, kaming mga anak niya ang parang naging kapalit. Walo kaming magkakapatid, pang-lima ako. Nakuha namin yung tinatawag na ""karunungan"" nung isa isa kaming tumuntong sa ikalimang taong gulang sa pamamagitan ng paghiwalay ng spirit namin sa katawan. Wala namang ibang naging espesyal sa akin bukod sa nagbukas ang third eye ko. Kaya yung sa mga kapatid ko na lang ang ishashare ko.

Si ate Rowena yung panganay sa amin e mayroong tinatawag na krus sa dila. Yun yung kapag nagsabi ka ng isang bagay sa isang tao e mangyayari. Nakakatuwa lalo na kapag sinasabi niyang makakapasa ako sa exams ko. Pero nakakatakot din. Isang beses nahuli niyang nambababae yung boyfriend niya, lalo siyang nagalit nung nalaman niyang tropa rin nila yung babae. Siguro mga tatlong araw yung babae dinugo yung *** *** kaya sinugod sa ospital. Kaya naman ni ate kontrolin yung kakayahan niya pero kapag saturated ang emosyon niya wala kang magagawa. Isang beses pa nga may nanghipo sa kaniya sa jeep sabay takbo pababa, kasama niya ako nun e. In one blink yung lalaki nabunggo ng tricycle. Ewan ko lang kung ano ng lagay.

Si ate Maricel naman yung kasunod niya. Siya yung pinaka introvert sa amin e. Masikreto ganern. Palakaibigan siya sa mga hindi nakikita. Pero walang ligtas sa mga mata ko ang kaibigan niya. Meron siyang kaibigang itim na duwende. Dalawa kasi ang klase ng duwende, yung puti pero hindi literal na puti, kaya puti kasi maaliwalas ang itsura nila at hindi nakakatakot. At yung itim na literal na itim lol hindi ako racist, srly itim talaga, maliban na lang sa mga mata at kapag nakangiti ito. So yun nga may kaibigan siyang itim na duwende na pangalan ay Tim. Siya lang nagbigay ng pangalan. Etong si Tim yung nagtatago ng mga gamit gamit sa bahay lalo na kapag nagtatalo noon si Mama at ate Maricel. Isang beses na rin daw nakita dati ni mama si Tim. Sabi niya nakakatakot daw maging mangkukulam si ate Maricel kasi pwedeng pwede niya ""Itali"" ang kaluluwa ng sinuman sa itim na duwende. Pero sa totoo lang dahil kay Tim sabi ni mama suwerte daw ang bahay.

Si Era. Pandak to e. Mas matanda to sakin pero mas matangkad ako hahaha kaya di ko siya tinatawag na Ate e. Joke, yan nagpapaaral sa akin XD May kakayahan si Era sa pagkilatis ng tao sa hindi tao without the traditional way. Diba ang palatandaan natin sa totoong tao ay yung palalim sa itaas ng upper lip o kaya ay diretso tayo sa mata ng kausap natin at yung masalimuot na paraan ay pagtuwad para makita yung totoong itsura ng aswang. Para kay Era may espesyal na hangin na umiihip sa isang nilalang na nagbabalatkayong tao. 2013 umuwi kami sa Romblon, kasama yung boyfriend niya. Tumawid pa kami sa kabilang isla nun e para makapunta sa venue ng kasal. Si kuya Carlo Bf ni Era) e may kausap na magandang babae sa labas ng simbahan. Iba yung ganda promise, pati ako parang namamagnet dun sa babaeng kausap ni Kuya. Tapos eto bigla nakita ko si Era kumakaripas ng takbo malamang di hamak na mas maganda sa kanya yung chix. Bigla ba naman binuhusan ng tubig yung babae. Nagalit si kuya Carlo sa inasal ni Era, pero etong babae bigla na lang nawala. Wala namang alam si Kuya Carlo sa ability ni Era.

Pag-uwi namin malamang namangka ulit, yung mga kasama namin napagkasunduan na mangisda kasi bigla na lang dumami yung isdang natatanaw namin sa dinadaanan namin. So tumigil kami sa gitna ng dagat. Payapa naman yung alon tapos yun naghagis sila ng lambat. Tapos naghantay. Maya maya parang may mga isdang malalaking bumabangga sa ilalim ng bangka, yung lakas enough na mapagalaw yung bangka, e yung sinasakyan namin kayang magdala ng sampung tao. So pagtapos inangat yung lambat. Pagka-angat wala ni isang isdang nakuha. TYung lambat buhol buhol, as in binuhol buhol. Maya maya yung alon parang nag-iiba. Diba kapag sa dagat nagbobounce ang tubig, pero nung oras na yon nagmistulang ilog dahil biglang nagkaroon ng direksyon yung tubig. Ang ginawa nila pinagpatuloy nila yung direksyon na alam nila papunta sa isla na pinanggalingan namin. Nakakamangha lang kasi ang direksyon namin ay opposite doon sa flow nung tubig. Parang illussion. Sabi ni Era, sirena daw ang may gawa non.

Sunod si Maira, halos kakambal ko to. Gupitin lang yung mahaba niyang buhok tapos lagyan ng konting bigote. Matanda lang siya sa akin ng isang taon. Di kami mapaghiwalay nito nung bata kami e. Hanggang natutong magwalwal kung saan saan. Lakas ng hatak sa mga lalaki e. Ang dami pang manliligaw. Pero sa totoo lang nakakatakot din siya. Meron kasi siyang kakayahang iconceal yung presence niya. Parang invisibility pero hindi. Nandoon siya pero di mo makita. Kumbaga yung senses mo kaya niyang imanipulate. Nagagawa niya to kapag gabi na siya nakakauwi, tapos lahat kami nasa sala. Dadaan siya sa gitna namin pero halos wala kaming kaalam alam. Si ate Maricel lang ang nakakaalam pag nakadaan na siya, dahil kay Tim. Kaya niya rin na hindi mo makita or maamoy kung ano man ang hawak niya. Paanong nakakatakot? Kunwari may hawak siyang kutsilyo at sasaksakin ka niya. Hindi mo alam at hindi mo makikita. Kayang kaya niya rin mangligaw (""ibang direksyon"") ng tao.

Sumunod sa akin ay si Karla. Dalawang taon ang tanda ko dito e. Eto yung good sheep sa pamilya. Best in math, best in english, best in cleanliness, best ng lahat. May alaga siyang dalawang sigben. Pero di gaya ni Tim, wala silang pangalan. Hindi kasi effective kahit na bigyan ni Karla. As usual ako at si Karla lang din ang nakakakita sa kanila. Etong mga sigbin na to nakadepende sila sa emosyon ni Karla. Pag masaya maaaliwalas ang itsura, pag galit si Karla parang dumadami yung pangil tapos lumalabas yung matatalim na dalawang kuko na parang pako. Hindi rin maganda ang nangyayari sa mga nananakit kay Karla, na gawa ng dalawang sigben. Siguro 9 y/o lang siya nun nung may nakaaway siya sa school, nag-agawan sila sa walis. O diba away bata talaga. Hinampas siya ng pandakot sa batok tapos nawalan na siya ng malay. Yung classmate niya na yun mahigit isang linggo ata nawala, sa bukid nahanap sa mismong taniman ng palay at di na makausap ng maayos. Ako nga e, nag-away kami sa ulam, ayun yung libro ko kay boylestad inuuod na kinabukasan. Pasalamat na lang talaga ako at hindi rin ako nawala. Sabi noon ni mama, nakakatakot din maging mangkukulam si Karla kasi ngayon pa lang may gumagabay na sa kaniya. Alam niyo yung Familiars? Ganun ang estado ng relasyon ni Tim kay ate Maricel at nung dalawang sigben kay Karla.

Sunod si Aurora. Meron siyang kakayahang magkaroon ng glimpse sa past or future. Pwedeng sa kaniya o sa iba. Kaya kapag nagsabi yan na ""Ingat ka kuya"" may nakita na yan. Tawag ko nga sa kanya ngayon e Cassiopea hahahaha yung sa encantadia kasi malinaw ang mga mata niya. Hindi rin siya lapitin ng lalaki kasi minsan kung ano ano sinasabi parang baliw. Pero etong kumag na to ang pinaka close ko. Masunurin sa utos at pwedeng pwedeng suhulan pag late ako umuwi.

So sa bunso na namin tayo. Si Pring. Sa lahat sa aming magkakapatid, si Pring ang nagkaroon ng ability right after niya makuha yung ""Karunungan"". Sa aming magkakapatid siya yung pinaka nakakatakot. Yung ability niya, di ko maexplain. Wait. Sh*t. Parang ganito, kapag may taong hindi maganda ang tingin sa amin (Within the family) naiinggit, naiinis e parang nasusumpa niya. Sa totoo lang wala siyang alam sa pangkukulam. Wala siyang orasyon. Wala siyang gamit. Basta't masama na ang tingin niya sa isang tao e tinutubuan ng malalalim na sugat at grabe kung magtubig. Wala kaming alam na pangontra sa ability ni Pring. Wala na rin kasi si mama. Hindi din siya palalabas ng bahay. Bahay eskwela lang. Madalas din kasing suki siya ng gulo.

Dati meron kaming kapitbahay na sobra ang inggit sa amin. Kahit na kasi wala na si mama at si papa namamasukan lang sa maynila, e tuloy tuloy ang biyaya. Ewan ko, grabe inggit niya sa amin. Hanggang sa humantong na tinuro niya ang bahay namin na hideout daw ng mga nag-aadik. Ay grabe kahihiyan nun kasi kami kami lang magkakapatid nun tapos ang daming pulis sa bahay. E wala namang nakita kahit ano, tawas lang para sa kili kili meron. Nalaman namin na yung kapitbahay namin na yun ang nagsabi tapos nalaman din ni Pring. Wala pa siyang isip nun ah, kasi nga bata palang, six y/o pa lang ata siya nun e. Yung kapitbahay namin na yon, lumobo ang panga. Pati gilagid niya lumabas sa bibig. Tapos pinatawas kasi wala naman masabi ang mga doctor pero ayun wala din namang lumitaw nung pinatawas. Kaya hindi nila alam kung sino ang may gawa. E wala rin kaming magawa kasi di namin alam pangontra kaya di na kami nangielam, hindi na rin naman lumala kasi nakalipat na kami. Kaya sa aming magkakapatid siya talaga ang may kailangan ng malaking atensyon. Kailangan laging masaya.

Sa totoo lang kahit na ganito kami, hindi pa kami ganap na mangkukulam. Sabi noon ni mama may mga orasyon pang ginagawa para mapasa ang titulo ng pagiging mangkukulam. E buti na lang hindi naging mangkukulam si mama.

Ngayon, di kami magkakasama ng mga kapatid ko. Next time kekwento ko yung nangyari sa family ni mama after niyang ilibing at yung mga nabiktima ng kakayahan ni Pring.

Yamada

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon