Si Keenan at ang naka abong roba'ng nilalang 1

659 8 0
                                    


Kwento ni Keenan ito. Saming magkakaibigan, sya pinaka gurang. Pero sya rin yong pinaka makulit. Pero mabait naman, pag tulog. Pov nya bes.

Masaya ang pamilya namin. Namumuhay ng payak sa isang probinsya. Naiintindihan kong hindi kaya ng mga magulang ko na pag-aralin ako ng kolehiyo. Kaya nang makatapos ako ng sekondarya, tumulong na ko kay tatay sa bukid. Sabi ko sa sarili ko, magtatrabaho na lang ako ng mabuti para mga kapatid ko na lang ang magtutuloy ng mga pangarap ko.
Pero ganoon ata talaga, susubukin ka ng susubukin ng tadhana.

I.

Sinundo ko si Lana at Rica sa bahay ng kaklase nila sa bayan. Delikado kasi non sa lugar namin, maraming mga rebelde ang nagkalat. Gabi na nang makauwi kami. Malayo ang sitio namin sa bayan, madalang ang sasakyan kaya natagalan kami sa sakayan. Nasa tarangkahan pa lang kami, kumunot na ang noo ko. Nakasara na lahat ng bintana maging ang pintuan namin. Dati naman ay hindi ganoon. Nang kumatok ako, tinanong pa ni tatay kung sino ako.

""Ilan ang anak ng baka natin?"" sunod nyang tanong. Napakamot ako ng ulo.

""Tay buntis pa lang yong baka""

Saka bumukas ang pinto. Doon tumambad sakin ang tatlong lalaki na marurungis ang itsura. Oo nagsasaka kami ni tatay, pawis, amoy araw. Pero pag gabi na malinis na kami at itsura pa lang ng tatlo ay alam mong ilang araw ng walang ligo. Sumilip si nanay mula sa kwarto nila.

""Erni"" tinawag nya si tatay. Sumunod ako. Don nakita ko ang ikaapat naming bisita sa gabing yon. Babae, nasa edad na rin nila nanay. May sugat sya sa tyan. Sa tabi ng katre nila nanay kung saan sya nakahiga, may mga gamit para sa panggagamot, mga gamit na sa ospital ko lang sa bayan nakikita.

""Enan, magpakulo ka pa ng tubig, pag kumulo na, ihulog mo itong mga ito"" Iniabot nya sakin ang ilan.

""Bukas na ang tanong anak, kailangan nakatuon ang buong atensyon kay Ka Delia""

Paggising ko ng umaga, wala na ang apat sa bahay. Pero isinama ako ni tatay sa may talon. Sa likod ng talon, kung saan ang bahaging yon ay natatakpan ng umaagos na tubig mula sa taas, may kweba. Andoon pala ang apat, tahimik na kumakain. Iniabot lang ni tatay ang dala nyang lalagyan ng tubig saka na kami bumalik sa bukid.

""Wala kang pagsasabihan Keenan. Naiintindihan mo?""

""Sino ba sila tay?"" tanong ko, kahit may hinala na ako.

""Mga kapatid sa bundok""

Nang gabing yon, hindi ako makatulog. Sa dalawang dahilan. Una, dahil sa mga putok ng baril sa di kalayuan. Ikalawa dahil sa tila may nakatingin sakin. Ang bubong ng bahay namin ay nipa lamang, parang mula doon ay may nakatingin sakin. Pero hinahanap ko ang siwang, wala akong makita.

Naiihi ako kaya lumabas ako. Maliwanag ang bilog na bilog na buwan non, pumunta ako sa banyo. Sa muling paglabas ko, muntik na kong maihi ulit. May lalaking nakaharang sa daan ko.

""Pwedeng makahingi ng tubig?"" tanong nya. Marungis rin ang itsura nya at ang damit nya, gula gulanit. Nagulat ako sa kanya, pero natakot ako sa panandalian kong naaninag sa likod nya. Tila bulto ng tao na nakaroba.

Binigyan ko sya. Pero isinara ko ang pinto habang kumukuha ako ng tubig.
Sumimsim lamang sya at pinagmamasdan ako. Iniabot nya ang baso sakin at sa isang kisapmata, nawala na sya.

II.

Sinabi ko kay tatay ang nangyari. Natigilan sya ng ilang sandali.

""Sa susunod na lalabas ka sa gabi, magpasama ka sakin, sa susunod Keenan""

Hindi ko sya napilit na sabihin kung sino ang lalaki. ""Hindi lahat ng kapatid sa bundok, mabuti, tandaan mo yan"".

Yon ang mga huling bagay na naibilin sakin ni Tatay. Tanghali nang araw na yon, inutusan nya akong magpunta ng bayan para bumili ng mga damit, pagkain at gamot. Sabi pa nya, wag akong bumili sa iisang tindahan lalo at marami ang bibilhin ko. Sa jeep ni mang temyo ko rin isakay ang mga pinamili ko. Ayaw nyang makaagaw ng pansin sa mga sundalo.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon