Hi spookify. I'm one of your avid readers so nagtry na din akong magshare ng experience namen.
I think nakilala namen si Vj way back 2012. Bagong lipat lang kame non sa subdivision nila and then syempre wala pa kameng masyadong close non kase nga bago pa lang. Actually mas una nameng naging kakilala si Tita Rolie (Mama ni Vj) kesa sa kanya. Nung una medyo creepy si Vj lalo na nung mga unang linggo pa lang namen don. Magkaharap lang kase yung bahay namen, kase one time nung nagchichikahan sila ni mama tapos si Vj eh nasa may terrace nila, may nagb-bbq kase non malapit samen. Tapos itong si Vj parang sobrang takam na takam don sa mga paninda, and ansama nya pang makatitig don sa nagluluto ng BBQ. Nagpumilet pa syang magpabili ng dugo kahit alam naman nya non na bawal sa kanya. So ayun na nga naging magkakaclose yung family namen, na halos every week eh nagpaparty sa bahay sila mama kasama yung family ni Vj pati yung iba nameng kapitbahay. So meron kase akong mas nakakatandang kapated na babae, si Ate Dan, same university lang din sila ng pinapasukan kaya ayon naging magMU (Malanding ugnayan hahaha. Peace sissy) sila and naging sila den. Agree naman yung both sides ng family namen, walang naging problema don. Soooooooo back to our topiccccc.
Year 2015 non at bakasyon so nagyaya sila Ate Dan na magbakasyon sa lola namen sa Albay. Natuloy kame kasama sila mama, Tita Rolie, yung pinsan ni Vj na si Lyean and yung isa ko pang tita yung kakambal ni mama. Pagdating namen don, agad sumalubong samen si Inay (lola namen) so ayon as mga apo apo nagbless kame sa kanya. Pero nung kay Vj na, pagkatapos nyang magbless eh bigla na lang siyang nasuka, inisip na lang namen na baka napagod o nahilo lang siguro yon sa biyahe.
Edi ayon bongga agad ang handaan kase dumating nga kame hahaha. May Adobo (as usual), pancit, meron din isang buong lechon, may dinuguan den na halos si Vj yung umubos nung sabaw. Sinabihan siya ni Tita Rolie na tigilan niya na pero ayaw pa din nya non tumigil. After ilang days eh dito na kinutuban yung lola ko, marunong kase siyang magtawas and may iba pa siyang ability like kaya niyang malaman kung yung isang tao eh may sapi or what. Basta daw pag tinititigan niya lang sa mata, alam niya kung may mali. Kinausap ni Inay si Tita Rolie, tinanong kung may sakit ba daw si Vj o ano, wala namang masabi si Tita Rolie.
'Kamakailan lang kase ineng yang anak mo eh nakita ko jusko po, kalagitnaan ng pag tulog ng mga tao eh siya nakikipagtitigan sa salamin, b hindi ka ba magtataka non?' Kinilabutan ako non nung pagkasabe ni Inay na ganon.
'Wag ka lang magagalit ha, pero meron pa nung isang gabe lang yang anak ng kapatid mo jusko po. Akala ko kung ano ng gagawin nyang anak mo don sa pamangkin ko, aba'y nakita ko inaamoy amoy na ang leeg nung bata habang natutulog. Ay buti na lamang eh agad kong sinita kung hindi nako, hindi ko lang alam kung anong kayang gawin niyang anak mo.' Halata ko non na nanginginig si Tita Rolie pati si Ate sa takot kase kahit ako, gusto ko ng magteleport pauwi non sa bahay namen sa sobrang takot. Hindi makapagsalita si Tita Rolie.
'Mas mabuti pang ishocking naten yan ineng. Sa palagay ko'y yan ay nasalinan batang iyan, kawawa yan pag hindi na naagapan.' Ang ibig sabihin pala non ni inay ay may kung sino man na nagsalin kay kuya Vj ng pagiging aswang.
'Ho? Ano hong gagawin niyo kay budjoy? Ano po bang nangyari sa anak ko?'
'Sa palagay ko nong ipinagbubuntis mo pa lang siya, may nagsalin sa kanya ng pagiging aswang. O di kaya ay sa mga pinupuntahan niya kung saan. Pag ang isang aswang kase ay malapit ng mamatay, kinakailangan neto ng may magtutuloy ng pagiging aswang neto sa ayaw man o sa gusto mo. Sa pamamagitan ng pagpapakain ng itlog ng manok kung sa ating paningin pero ang totoo eh itlog na yon para maging aswang ka. Habang unti unting napipisa yon sa loob ng tiyan mo, unti unti mo ding nakukuha ang pagiging aswang. Kaya jan sa anak mo, kaunting panahon na lang at magiging ganap na aswang na din yan kung hindi maaagapan.' Lalo kameng kinilabutan nung i-explain yon ni Inay.
PS. Masyado na pong mahaba, tinamad na magtype si water. Char pero may kasunod pa yan.
Stranger sa Omegle
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree