Ang Kulto at mga Multo (Part 2)

231 3 0
                                    


Kumusta Ulit dito sa Mundo ng Spookify. Tara at ipagpapatuloy na natin ang Kwento.
Habang Nasa Kwarto kami ni Buddy, hawak hawak ko yong imahe ni Jesus Christ na Nilapastangan ng mga Satanismo. Tinawag kami nina erwin at moi Nasa Sala sila, Gusto kasi nila na ipagpatuloy daw namin ang inoman na naudlot dahil sa nangyari sa Bukid. Tinago muna namin ni Buddy ang Imahe sa loob ng Aparador niya at Lumabas kami at nagpatuloy sa Inuman.
[fastForward]
Pagka Gabi non, Nakatulog na sina Moi at Erwin pati narin sina Partner at ang iba. Kami ni buddy Hindi pa nanonood kami ng TV inaantay lang namin na makatulog ang lahat, at ng Makatulog na nga Kinuha ni buddy ang imahe don sa kwarto niya, Nauna na ako sa Labas at Nagsindi pa ako ng Yosi. Naglakad kami papuntang simbahan Dala ang imahe na ibinalot ni buddy sa kanyang Tshirt. PagDating namin sa Simbahan Hindi kami makaPasok NakaLock yong Pintuan na gawa sa Bakal, parang Gate lang siya. Kaya inilabas ni buddy ang imahe ni Jesus christ at inilagay na lang namin ito sa may lalagyan ng Vindeta,( yong bago ka pumasok sa Simbahan kailangan mo munang ilagay ang kamay mo dun tapos magsa sign of the cross ka.)
Nagdasal muna kami saglit ni Buddy bago kami Umalis, Habang papaUwi na Kami may Naka abang sa amin sa May Highway. Naka robe na may Hood may Hawak na Itak, kumikislap kislap pa ang hawak nitong itak dahil sa reflection ng ilaw sa poste. "Naloko na eh May dalang itak yang isang yan, Anu panlaban natin? Tatakbo na ba tayo..?" pagpapanic ni buddy, "Dala mo ba ang X7 mo buddy? kailangan natin gumamit nito.." sabi ko kay buddy sabay kuha ko sa bulsa ang X7. Sa Loob kasi ng X7 na maliit na bote may naka rolyong papel na may sulat na dasal na Latin. naglagay kami ng X7 sa aming Hintuturo, yong dampi lang Mababasa lang ng Konti, Malamig ito, At nilagay namin sa aming mga noo na naka Sign of the Cross. Mabango ang X7 NakakaRelax, Nakakawala ng Kaba, At pakiramdam namin ay magaan ang aming mga katawan. Papalapit na ng Papalapit ang Isang Satanismo na May Dalang itak, sinasayad niya ang Dulo ng itak sa daan para makagawa ng nakakaRinding ingay. Patakbo na siyang papalapit sa amin habang kami naman ni buddy naglalakad lang. Mabilis ang mga pangyayari, Habang todo attacki ang Satanismo sa amin gamit ang Matalim niyang itak. si buddy nakuha pang mag biro. "pag ako tinamaan niyan Wala pa naman kaming Betadine..". kaya mas lalong bumibilis ang mga Paghataw ng itak ng satanismo sa amin Halatang nagagalit sa ginagawa ni buddy. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yon, Hindi ako naka dala ng kung anu mang panlaban sa umaatake sa amin ni buddy Tanging X7 lang na pangdepensa ang aming Dala. Masyado rin mahirap Dumampot ng Bato nasa highway kami. Isang maling Galaw ni buddy ang nakapagpapabilis ng kaba ko Tinamaan siya ng itak sa Braso. kaya napayuko siya at hinawakan ang braso niya, Kaya sinungaban ko na kaagad ang Satanismo At pakiramdam koy napakabigat ng aking kamao na pinadapo ko sa mukha nito. nag Collapse yong Satanismo at Tiningnan ko ang Braso ni buddy, nakakaGulat kasi Hindi nasugatan c buddy sa matalim na itak. " Sira ulo to teka at gaganti ako" galit na kinuha ni buddy ang itak nito at itutusok na niya sana sa NakaTihayang Satanismo, pero Bigla itong bumangon at nagulat kami. Ang hawak ni buddy ay hindi na itak, Naging ahas. kaya binitawan ito ni buddy na takot na takot, dumistancia kami paatras, yong ahas lumapit sa kanya at dinampot ng Satanismo. Pasimple na akong Nagdasal Habang Hindi pa siya Umaatake ganon din si buddy. 5seconds lang Biglang may umilaw sa likod namin na dahilan para masilaw ang Satanismo at nagtatakbo palayo. Lumingon kami at biglang nagsalita si buddy "ilaw lang pala ng sasakyan eh kala ko may anghel na tutulong". sabi ni buddy na napakamot sa kanyang ulo. Ngunit huminto yong sasakyan na multicab, at bumaba yong Driver. Isang familiar na mukha, Yong matandang lalaki na Tumulong sa akin non sa tulay at nagbigay sa amin ng X7 doon sa Chapel. Pagkalapit niya Ngumiti siya sa amin, Nakatingin lang kami ni buddy sa kanya. Hawak hawak niya ang Imahe ni jesus christ na iniwan namin ni buddy sa simbahan. (para sa mga nagugulohan magkaiba ang chapel at Simbahan sa purok nina Buddy). "Ako na Bahala sa Imahe na ito, Kailangan niyo ng kumilos at Sirain ang pinamumugaran nila. Halikayo at may ibibigay ako sa inyo." sumunod kami ni buddy sa kanya papunta sa sinakyan niyang Multicab. may kinuha siyang isang bagay na ibinalot sa puting tela, bilog ito. "Ito ay Salamin, gagamitin niyo ito kapag nakapasok na kayo sa kuta nila. Tangalin niyo ang nakaBalot sa salamin at iharap niyo sa makakaharap niyo kailangan niya makita ang sarili niya At basagin niyo kaagad ang salamin na ito. Sirain niyo lahat ng nasa paligid, wala kayong ititira Sunugin niyo." Sabi ng Matanda at may kinuha siya sa bulsa niya na isang Green na Panyo. May mga nakasulat dito, yong drawing na Palad at may mga sulat na latin na may drawing din na araw at may mga anghel na may hawak na Trumpheta. inabot niya sa akin ito, "Huwag mo ilalayo ito sa iyong katawan, At tulad ng Cross na soot nitong isa. Ako ay Magiging Kayo at Kayo ay Magiging ako.." ito ang sinabi sa amin ng matanda habang Seryoso siyang nakatingin sa amin. "Asahan niyo Tay Lagi po namin tatandaan ang mga binilin niyo.." Tanging nasagot ko sa matanda. At Sumakay na ito sa multicab at tuloyan ng lumayo. "Teka muna tama ba yong Narinig kong sinabi niya, na siya ay Tayo at Tayo ay siya? ibig sabihin alam niya lahat ang ginagawa natin, tama ba ako?" Tanong ni Buddy na tila may kalokohan na naman binabalak sabihin. "Oo malamang ganun talaga, siya ay tayo at tayo ay siya. Parang Cctv lang buddy kita niya bawat galaw natin." pinangunahan ko na kalokohan niya, pero may hirit pa ang balahorang c buddy. "Naku... Ibig sabihin nakikita niya kapag nag Aaham kami ni karla? abay hanep din eh noh Libre siya makakita, parang natatakot na tuloy ako kapag maglalabing labing nito kay karla." may pailing iling pa c buddy habang naglalakad na kami pauwi. "buraot ka talaga buddy sa dami ng pwede mo maisip yan pa talaga sasabihin mo sa kin." tawa ako ng tawa sabay akbay ko sa kanya habang naglalakad din. "Kaya ikaw bayaw ingat ka pag naglabing labing kayo baka naka live pala c tatay sa inyo." nandamay pa talaga sa akin ang loko lokong c buddy. dala dala ko ang bilog na salamin na ibinalot sa puting tela. at yong panyo na green na sa bulsa ko isinilid.
[FastForward]
Napaka aga namin nagising ng umagang yon dahil ginising kami ni mama para tulongan siya sa bukid para ipagpatuloy yong pag aani ng mga mais. Habang papunta kaming bukid sakay ng Carmata, sila nila partner at sina karla, moi, erwin, tina at mama. ang iingay nagbibiruan, nagkwkwentohan. kami ni buddy nakahiga sa nakalatag na mga sako sa carmata. inaantok pa kami, at kami rin pinagttripan nila. sinasadya nila ipadaan ang kalabaw sa may mga bato para maalog at pagtatawanan kami.
Natapos namin hapon na ang pag ani ng mga mais. kailangan namin talaga matapos ang pag ani dahil pagkabukas ay Kaarawan ni Mama at Plano namin maligo ng Dagat.
Abangan muli ang Karugtong ng Kwento Dahil Magkakaroon ng Kababalaghan sa kaarawan ni mama. Nais ko ulit Magpasalamat sa mga Sumusubaybay sa ibinabahagi kong kwento dito sa Spookify Page. Mahal ko kayo at mahal din kayo ng Ating Panginoon.
God Bless Sa ating Lahat...
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon