Hospitable Aswang

438 9 1
                                    


Share ko lang yung kwento ng mama ko.

Pauwi sya nun galing manila, nagbarko daw sya. Napansin nya na may babaeng panay ang tingin sa kanya, naisip nya baka kakilala nya yung babae kaya hinayaan nya na lang.

Maya maya lumapit si ategurl nyo kay mama tas nakipagkwentuhan. Hanggang sa bumaba na sila sa barko. Eh madaling araw pa nun kaya walang masakyan si mama na dederetso sa town namin.

Nagsuggest si ategurl nyo na dun muna magstay si mama sa bahay nila kasi malapit lang naman daw tas wala pa naman masakyan si mama. Hintayin na lang daw mag umaga.

Ayaw pa sana ni mama pero biglang binuhat ni ategurl yung maleta ni mama at sumampa na sa bus. Nagdahilan pa si mama na maraming babasagin sa loob ng maleta pero wala din syang nagawa.

Pagdating nila sa sa bahay ni ategurl, dineretso agad nya yung maleta sa loob ng kwarto kahit sinabihan na ni mama na sa sala na lang ilagay. Mapilit talaga si ategurl nyo.

Pagpasok nila, ang sama agad ng tingin ng matanda kay mama. Namumula na nanlilisik yung mata tas nakangisi pa ng nakakatakot.
Nanay daw pala yun ni ategurl pero di mkapaniwala si mama kasi sobrang tanda daw talaga ng babae at uugod ugod pa daw. Parang ninuno na talaga yung itsura pero ang liksi kumilos at malakas pa.

Parang kinabahan na si mama kasi marami na nga kaming experience sa mga aswang kaya alam na. Lalo lang sya naghinala ng pinipilit syang kumain ng matanda. Sabi ni mama busog daw sya pero pinipilit pa rin sya.

Nung medyo abala na si ategurl tsaka nanay nya sa ginagawa nila, kinuha ni mama yung maleta nya sa kwarto tas nilagay sa labas ng bahay nila. Around 4am yata yun ksi madilim pa sa labas pero lumabas si mama at umakyat sa burol na malapit lang sa bahay na yun para humanap ng signal.

Naramdaman nya na parang may nakatingin sa kanya tapos pagtingin nya sa bahay nila ategurl nyo may nakita syang matanda, mas matanda pa sa nanay ni ategurl nyo na parang ninuno na. Anak ng! Nakatingin daw sa kanya nang nakangisi at mapula yung mata. Tas narinig nya na tinawag yun ni ategurl nyo ng LOLA.

T*ng*n*! Ninuno na yung nanay tas may lola pa?! Timing naman na may padaan na bus kaya takbo agad si mama bitbit yung maleta nya. Hinabol pa daw sya ni ategurl pero mabilis si mama kaya wala ng nagawa yung paghabol nya.

Nung tumigil daw yung bus hinihingal syang umakyat. Mukha daw syang nakipagsabunutan sa itsura nya. Tapos tinanong sya ng konduktor kung san sya galing at bakit parang nakipag agawan sya sa snatcher. Kaya kinwento nya yung nangyari.

Tas sabi ng konduktor ""Sana hindi ka sumama dun, pero swerte mo na lang at nakaalis ka agad. Aswang yung pamilyang nakatira dun. Kita mo, yun lang yung nag iisang bahay na nakatayo dun? Naku! Siguro ngayon ulam ka na nila.""

YsaVavy

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon