Kinulam ng sariling Tiyahin (Part 3)

206 2 0
                                    


Ito na yong karugtong mga Ka Spookify, Dahil nga Pumanaw na si Kuya elyong Dahil sa Kulam Nong pagka umaga nito Saktong nangagampanya na ang mga kandidato sa darating na election, Kaya Hiniling namin dun sa kandidato na tumatakbong pagka Mayor na kung pwde ipa hatid ang bangkay ni kuya elyong papuntang ozamis, Tinulongan naman kami nong Tumatakbong mayor at pinahatid nga ito gamit yong Multicab ng barangay at sila na rin ang nagbigay ng kabaong kay kuya elyong. Nong araw ding iyon umalis c mama kasi pupuntahan daw niya yong 'Manambalay' (Mangagamot), Pagka uwi ni mama Sinabi niya sa amin na mamayang gabi sasamahan daw namin yong Mangagamot at doon lang daw namin ito hihintayin sa may cementeryo ng barangay Li*****. Syempre mga matatakotin ang mga bayaw ko kaya napagpasyahan nila na bago pumunta ay mag iinoman muna para may lakas daw sila ng loob. Kampante lang ako kasi Hindi na ako takot na pumupunta sa cementeryo kahit gabi.
2pm nag simula na ang inoman at napag usapan namin na bukas pupunta kami sa Ozamis at ang maoUnang bumiyahe ay ako, Partner ko at ang Asawa ni buddy na c karla (hindi niya totoong pangalan). Habang nag iinoman at nagkkwentohan kami nagtatakotan sila para mamaya sa pagpunta doon sa Cementeryo. Kaya sinabi ko na Walang pang nababalita na may pinatay na ang mga kaluluwa o Multo at isa pa natatakot ang mga yan sa totoong tao. Sinabi ko lang yun para hindi sila masyado matakot. 7pm Agad na kami Sumakay ng Motor at pinuntahan na namin ang Cementeryo kung saan nag aantay yong Mangagamot, Medyo malayo din kasi ang cementeryo na yun kasi kailangan pa namin dumaan ng Tatlong Barangay. Malapit lang din kasi ito sa bahay ng mangagamot kaya doon niya pinili ang Gagawin niya. Pagdating namin doon Andun na ang Mangagamot na tawagin nalang natin sa Tatay. May Hawak siyang Picture na c mama daw ang nagbigay kay tatay non at tatlong kandila. Yong Picture na yon ay Ang Tiyahin ni Kuya Elyong na siyang nagpakulam sa kanya, may picture c mama kasi magkapatid nga sila.
Lima kaming pumunta doon c buddy, erwin, tina, moi at ako. c tatay ang pang anim. Habang papasok na kami sa Gate nong cementeryo Lumapit yong bantay sa amin (Caretaker) Kinausap siya ni tatay magkaibigan pala sila, kaya yun pinahintulotan na kaming pumasok. Pinapaalalahanan kami ni tatay na bawal mag ingay o mag salita kaya tumango lang kami. Habang tinatahak namin ang mga daan ay napapansin ko na ang mga presensiya ng mga nilalang na nanirahan sa cementeryo Andun yong Isang Baby na nakapatong sa isang Puntod na akala ko statuwa ng isang anghel ngunit nong madaanan namin ay gumalaw at nakakatakot yong hitsura niya ilaw lang kasi ng mga celphone ang gamit namin. Ako at c tatay lang ang nakakakita kasi yong bawat tingnan ko ay yun din ang tinitingnan ni tatay, at yong mga kasama namin na mga bayaw at bilas ko? mga palamuti lang sila. nakakatawa nga hitsura nila kasi hawakhawak talaga sila ng kamay c tina Yong damit talaga ng asawa niyang c erwin ang hinawakan niya kaya naiinis c erwin kasi kahit inaakbayan na niya ito eh doon pa talaga sa damit niya nakahawak. Si tatay ang nauuna at nasa likod lang niya ako at kasunod ko na ang mga bayaw at bilas ko. Hindi sumama ang partner ko kasi sobrang matatakotin yon. Habang naglalakad kami nag type ako sa celphone ko na marami na akong nakikita sa paligid may White lady na Nakatayo sa ilalim ng malaking puno ng gemelina, Mga Kaluluwang ibat iba ang mga Hitsura at pinabasa ko ito sa mga kasamahan ko. Lalo tuloy silang natakot (Ang bad ko sa time na yun). nong marating namin ang malaking Cross na may pinturang itim napansin ko kaagad na may mga sako sa ibaba ng malaking Cross, Sinimulan na ni tatay yong mga ritwal niya at Latin din yon kaso magkaiba pero naiintindihan ko. Tahimik lang kami minamasdan bawat ginagawa ni tatay. yong mga kaluluwa sa paligid aligagang aligaga, Padaan daan sila na lumulutang sa harap namin. Tiningnan ko mga kasama ko At napansin ko may katabi si buddy na isang Lalaki na nakabarong. Kaya pinikit ko mga mata ko at ginamit ko ang latin ko para itaboy ang mga kaluluwang lumalapit sa amin. Tiningnan ako ni tatay pero patuloy pa rin siya sa ritwal niya. nawala yong lalaking nakabarong na tumabi kay buddy. yong mga kaluluwa dumistancia na rin. kampanti lang ako kasi ayoko magpakita na natatakot ako, Habang nagdadasal c tatay yong picture na hawak niya hinipan niya ito at may kinuha siya doon sa loob ng isang sako na nasa baba ng malaking Cross. Mga buto at Bungo ng tao pala laman noon. nakatingin lang kami kay tatay hawak niya dalawang bungo at inuntog niya ang dalawang bungo ng Walong beses, tapos yong picture ipinasok niya sa butas ng mata nong bungo, inilagay niya ito sa isang itim na plastic garbage bag. at ibinalik uli sa loob ng sako, Habang patuloy c tatay sa ritwal niya may napapansin akong parang may nakayakap sa malaking Cross, Maitim at mahaba ang Buhok. Nagulat ako sa nakita ko dahil yong matandang babae na nagiging c kamatayan ang nakikita kong nakayakap sa malaking Cross. Nakatingin siya kay tatay na galit na galit, Lumapit siya sa harap ni tatay at parang aakmang sasampalin pero c tatay hindi nagpatinag patuloy lang siya at tinulongan ko si tatay at ginamit ko na ang latin ko, at sa akin na siya nakatingin na parang tatangkain na rin niyang lapitan Ngunit parang nalilito siya kaya tumalon ito palayo. Tiningnan ako ni tatay, At nakita niya yong ginawa ko, Walang malay ang mga bayaw at bilas ko sa mga nangyayari kasi wala naman silang ability na makaramdam o makakita. Nong natapos na ni tatay ang ginagawa niya tahimik naming nilisan ang lugar at nong makalabas na kami sa Gate, may ibinulong c tatay sa akin. "Kaila biya ko nimo" (kilala kita), ngumiti lang ako kay tatay kinamayan niya ako at sinabing "pareho ta Latin ang gamit" kaya sinagot ko siya "Latin Whisperer ang tawag sa akong gamit tay C Saint **** ang akong Devotion" Tumango c tatay alam niyang may mga tinatago ako kahit di ko na sabihin alam niya yon. Umuwi kami at pagdating sa bahay ikwenento ko sa kanila ang mga pangyayari na hindi nila nakikita nong sa cementeryo at halatang takot na takot sila at sinabi ng partner ko "mao wala ko ni kuyog sa inyo kay hadlokan kay ko" (kaya hindi ako sumama sa inyo kasi sobra akong matatakotin) Tinawanan ko lang sila sa mga Hitsura nila na natutulala.
Pagkabukas nong Umaga Nag handa na kami tatlo nina Karla, Yong partner ko, at ako para bumiyahe papuntang Ozamis sa bahay nila kuya elyong.
Abangan ang karugtong ng Storya Mahaba na kasi, Mas lalong nakakatakot yong mababasa niyo kasi ibat ibang Encounter ang naranasan sa lugar ng Ozamis, Bundok kasi yong Lugar Na yun.
Salamat sa mga nag hintay at nagtiyagang Basahin ang Karanasan na ibinabahagi ko sa dito sa Spookify... God Bless Sa ating Lahat.
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon