Pinili ang kadiliman (Part 4)

269 2 0
                                    


Heto na Ulit ang Karugtong mga Kaibigan, Pasensya kung pinaghintay ko kayo. Sumasakit pa kasi ang injury ko sa kamay at braso kaya hinihiling ko ulit ang inyong pang uunawa. Simulan na natin agad ang karugtong...Unang Gabi sa Burol ng Tita ko, Hindi ko inaakala na Magpapakita muli si Totax. Lakas talaga ng Loob niya. inabotan pa niya ako ng Yosi pero di ko tinangap at sinabi ko na Tinigilan ko na ang Pagyoyosi..."Ang laki ng pinagbago mo Kapatid... Gusto mo talaga sundan ang yapak ng Lolo mo.. pero Marami ka pang dapat malaman kapatid...kung gusto mo malaman? maupo ka isisiwalat ko isa isa sayo ang Lahat lahat.." ito ang sinabi ni totax na itinuturo pa ang upoan na ibig sabihin pinapaupo kami ni Buddy. Alam kong nagpipigil lang si Buddy dahil binalaan na kami ng Maestro kaya Tahimik lang siya...Umupo kami ni Buddy sa harap ni Totax at napagitnaan namin ang plastic na lamesa. "Nagtataka lang talaga ako bakit mo tinalikuran ang Kapunongan..? Bakit mo tinalikuran ang pagiging Kawal ng Diyos ama..? Nahihibang ka, Napakalaki ng nagawa mong kasalanan..." Sabi ko kay totax na nakakuyom ang aking mga palad at nakatitig ako sa mga mata niya. "May MGA sagot ako sa mga Tanong mo Kapatid., Bakit ako mag papaAlipin bilang tagapag Sunod sa Liwanag, Gayong Kung mamatay ang mga Tulad niyo... Ayon balik sa pagiging tagapagbantay sa inyong Amo, Boring ang Buhay niyo kapatid... lagi pa nalalagay sa Peligro... Bakit ako magtitiis sa pagiging puting tupa gayong Andaming Bawal na Batas, Limitado ang kilos at galaw, at pananalita.. ako naman magtatanong sa inyo, sino ang makikinabang sa kabutihan dulot niyo? ang mga Tao? Ang mga taong Wala naman paki alam at walang alam sa mga tulad niyo na para sa kanila mga Alamat lang kayo Hindi kayo nag eexist sa isip ng mga makabagong Generation... subukan niyo magpakilala sa boung mundo... Sabihin niyo na kayo ay mga Kawal ng Diyos Ama at kayoy dating mga Anghel na nagpakabuhay dito sa lupa... Subukan niyo..! Di ba pagtatawanan lang kayo at ang malala doon baka ipapatalon pa kayo sa building, susubokan kung namamatay ba kayo o Hindi...Babarilin para subukan na hindi tinatablan ng Bala. Oo alam ko ang Tungkol sa Hindi tinatablan dahil katulad niyo ang mga Ilaga na Mga Mandirigma Gamit ang mga Banal na Lana at Dasal....pero May mga Sumpa pa rin na Tumatalab sa inyo.... kaya wala pa ring silbi ang Kakayahan niyo..." Sabay tawa na pahalakhak na sinabi ito ni Totax sa aming harapan ni Buddy. Hindi ako umimik at Nakatitig lang ako sa Traydor na si Totax, pero si Buddy di naka tiis. "Botox..! kung ano anu pinagsasabi mo Anong pagnamatay kami eh balik sa dati na tagapagbantay...? bakit na try mo ba mamatay at naging tagapagbantay ka...? Sample ka nga tonight...pakamatay ka nga now na..! para maniwala kami ni bayaw sa mga pinagsasabi mo..." sinaway ko si Buddy kasi iba yong pangalan na binanggit niya. "Totax, buddy hindi Botox.. Hayaan mo muna siya magsalita.." Tinapik ko ang balikat ni buddy na naka upo sa tabi ko. "Botox o thumbtacks o anu pa pangalan niya wala akong paki, Traydor yan dapat pa nga tawag sa kanya Tongak...!" Pinigil ko matawa sa sinabi ni Buddy, harap harapan mismo kay Totax ang pag ttrip ni Buddy sa pangalan niya. pero si Totax Seryoso na nakatitig sa amin ni Buddy. "Tapos ka na manlait sa akin? Ipagpapatuloy ko na ang sasabihin ko. May mga Hindi niyo pa nalalaman na nangyayari dito sa mundo... Alam niyo ba na pinaglalaruan lang ng Amo niyo ang Mga nabubuhay na Tao at Hayop o kung ano pang bagay dito sa ibabaw ng Mundo? Marahil di niyo alam yan, dahil masyadong Sagrado ang Tingin at Paniniwala niyo sa Inyong Amo. lalo na yang mga Maestro niyo... eh ginagawa silang Buntot na sunod sunoran lang din kumbaga mga BodyGaurd lang sila... Bakit ko nasabi na Pinaglalaruan lang...? Dahil siya ang naglikha ng Lahat, mga Buhay, itong Mundo, mga Bagay, at Kung ano anu pa.. Pero siya lang din ang Sumisira ng Kusa. yong anak niya na tinuring na panginoon dati, ni hindi niya tinulongan hinayaan niyang Mamatay sa Pagkakapako, at oo pinarusahan nga ang mga may gawa non at silay binura pati kaluluwa walang itinira...pero kayong mga Puting Tupa ganun din ang Kapalaran na naghihintay sa inyo bibitawan din kayo ng Amo niyo.. (tawa siya ng Tawa).hay... Alam niyo ang Tungkol sa Paghuhugas o Paglilinis ng Buhay hindi ba, alam niyo to kasi mga puting tupa kayo... dinadaan sa Bagyo, Lindol, Sakuna at Kung Ano anu pa...! Ngayon Sabihin niyo sa akin Mabait ang Sinasamba niyo?" Nakatawang pagsasabi ni Totax sa amin ni Buddy. "Bakit mo sinasabi sa amin ito. ang laki na ng kasalanan mo...anong Gusto mong Iparating talaga Sa Amin o gusto mong gawin namin? kasi sa pagkakaintindi ko Bini BrainWash mo Kami Totax...!" Galit pero mahina ko lang pagkakasabi kasi may mga tao sa paligid baka marinig nila ang aming Usapan. "Nakakatakot ang mga pinagsasabi mo Tongak...! Bayaw magpakalayo layo na tayo sa kanya, Baka Kung Ano na naman sasabihin niyan sa atin.... Ang lakas mag imbento sisiraan pa Ang MakapangyarihanTagapaglikha.... Tamaan ka sana ng Kidlat dyan sa kinauupoan mo...! Lumipat sana yang Spinal cord mo sa harap... Bangungutin ka sana ng Gising.. Hanggang sa Lumabas ang Ihi mo sa ilong...Ang sama ng Ugali nito... Hampas ko sayo tong Upoan dyan eh nakakapang init ka ng Brain cells ko... !" Galit na sabi ni Buddy. nakita ko na Hawak ni buddy ang Kanyang inuupoan na Monoblock. "Relax lang Masyado kayo mainit eh, ganyan ba itinuro sa inyo ng maestro na kapag may kausap na desente ay Pag iinitan niyo? Mga Puting Tupa talaga... mahilig kayo makipag laban sa amin mga Nasa Dilim, kahit naman kasi umiiwas kami sa inyo kayo itong NakikiAlam sa amin. Ang hilig niyo pa makialam sa lahat ng Ginagawa namin.... Balik tayo sa mga Bagay na hindi niyo pa alam, Doon naman tayo sa tanong niyo kung bakit ko tinalikuran ang Kapunongan at Pinili ang Kadiliman...? Simple lang, Kapag Nasa panig ka ng Kadiliman hawak mo Lahat ng Kasiyahan,...ang Pera at Kasaganaan sa pamumuhay at Mahaba habang Buhay, Lahat ng bagay na gustohin mo magagawa mo... Walang Limit, pwera na lang sa Pagsimba Bawal na kami doon. Sa katunayan nga May Mga Artista akong Nakilala International at National na Sumanib sa Kadiliman para sa Yaman at Kasikatan. May mga Politiko para sa Mataas na panunungkulan sa Pwesto.. Mga Negosyante para maging Succesfull at Sumikat ang mga negosyo nila... Kahit sa Sports, Tulad ng Boxing Minsan sa Laban may Namamatay pero Heto lang ang Laro na kahit may napapatay ay pinapalakpakan pa... Ngayon yong Sa akin naman na Rason bakit ako sumanib sa Kadiliman ay Dahil sa Kapangyarihan at Kayamanan, Kaya kong Pumatay na Hindi na Madudungisan ang aking Kamay, Kaya Kong Maglakbay kahit saan ko gusto. Kayo magagawa niyo ba ito? Pag isipan niyo maigi mga kapatid....Baka gusto niyong Sumama sa akin..? isaSama lang naman, ipapakita ko lang sa inyo na Mali yong Empyernong pinaniniwalaan ng mga Tao na May dagat na apoy...? Bulkan yata yong Tinutukoy nila.. (tumawa) Maganda ang Paraiso ng Empyerno mga Kapatid Mayaman na syudad din... Oo nga pala nakalimutan ko. May atraso ka nga pala sa Prinsipe ng Kadiliman, Pero handa ka niya patawarin kung sakaling Sumanib kayo sa Amin.. akong Bahala sa Inyo, At Nga Pala Tutulongan ko ang Mga Bata mo na pinsan na kritikal sa Hospital, Kung ayaw niyo bahala kayo May mamatay na isa sa kanila... Pag isipan niyo yan maigi ang mga Sinasabi ko.." Pagkasabi ni Totax ay Tumayo na ito at Nagsindi ng Yosi. "Nga Pala yong Kaluluwa ng Tita mo? Kinuha nong mga Itim na Anghel.. Alam niyo naman na hindi namin sila sakop kaya Wag niyo na sa akin hanapin... Aalis na ako, Babalik ako kaya pag isipan niyo maigi ang mga sinabi ko...." Lumakad lang siya ng ilang hakbang Naglaho siya agad sa dilim. "Bayaw, Alam kong Matatag ka. Huwag ka magpapadala sa mga sinasabi ng ungas na yun... Kita mo naman hitsura non ni Tongak, Suspek na Wala pang Krimen..." Pinapatawa ako ni Buddy at napangiti nga ako, napansin niya kasi na Natulala ako at Nakatingin sa Kawalan. Pumasok kami sa loob at nasa sala kami ni buddy. nakaupo kami sa sofa na Nakaharap kami sa Kabaong Ni Tita Gina, ng Biglang may Napansin si Buddy na may bigla daw Tumakbo na Bata at nawala sa Harap namin. Di ko kasi napansin kasi pinikit ko mga mata ko dahil inantok ako, kaya kinalabit niya ako. "Bayaw may Batang Multo.." Ginising ako ni buddy. "Asan? (palingon lingon ako sa boung sala) wala naman eh, Wag mo ako gisingin buddy inaantok ako... matulog ka na rin dyan magpahinga ka.." bumalik ako sa pag idlip, mayamaya Lumabas pala si Buddy at nakipaglaro ng Baraha sa labas. kaya naewan ako sa Sofa. sa Kabilang upoan andun isa kong Pinsan na tulog din. Nagising nalang ako kasi may yumakap sa akin na malamig. Pagdilat ko nakita ko ang Multo ng isang Bata, pero kilala ko ang Batang Multo... siya ang isa kong Pinsan na kritikal sa Hospital na Anak ni Tita...Hanggang Dito lang Muna mga Kaibigan, Abangan niyo ang Karugtong ng kwento. Paalala lang mga Kaibigan, Lahat ng isiniwalat ni Totax sa amin ay Galing talaga sa kanya. Nasa Sa inyo na kung Paano niyo iisipin ang mga pahayag na binitawan ni Totax sa amin. Alam kong binibrainwash kami ni Totax para magtagumpay sa Mission niyang makipag sanib kami gaya ng ginawa niyang Pag Pili sa Kadiliman para sa Sariling kapakanan... Ito lang masasabi ko... na Sa Mundong ito Limitado lang ang Nakikita at nararamdaman ng mga Natural na Tao. At Ang Mga Nakatagong Secreto ay Nananatili Pa rin naka Konektado sa ating Mundo.
God Bless sa Lahat
-Silent Rasta
Ps: Respeto sa Kapwa tao ang Magbibigay kapayapaan sa Bawat isa.
Dasal ang Mabisang panlaban sa Problema.  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon