Si Tito Juan ko naman ito. Marines sya dati, nakabase sa mindanao. Sa mga panahong nasa serbisyo sya, sobrang gulo sa mindanao. Kabi-kabila ang mga labanan, sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng mga bandido. Matapang syang tao, pero napatiklop sya ng ilang pangyayari. Na naging dahilan para nang minsang makakuha sya ng bakasyon, hindi na sya kailanman bumalik.
Pov nya.
Hindi madali ang buhay ng isang sundalo. Napupunta sa ibang lugar, nalalayo sa pamilya. Kumakain ka, nakasukbit ang mga baril sayo, natutulog, naliligo, kasama mo ang baril mo. Malingat ka lang kasi, pwedeng mapatay ka. Ang leeg pababa ay nakabaon na sa hukay. Kahit araw ng pahinga mo at nasa labas ka, kailangan mo pa ring maging alerto. Hindi mo alam kung sinong kalaban, magugulat ka na lang, may tingga ka na sa katawan. Pero kaya ko naman yon. Yong thrill, yong adrenaline rush masarap sa pakiramdam. Nabubuhay ang katawang lupa ko. Pati yong pride na isa ka sa mga modernong mandirigma ng bansa. Pero nagbago lahat ng yon, dahil sa tatlong pangyayari.
Ang batang babae
Nasa pamilihan ako kasama ng isa pa. Bumili kami ng sigarilyo para sa buong grupo. Naka sibilyan kami pero mahahalata pa rin na sundalo kami, dahil sa mga gupit namin. Nakasakay kami kasama ng ibang mga tao sa isang jeep nang masiraan ito. Napababa kami ng wala sa oras at naging alerto sa paligid. Ambush area ang lugar. Ang kalsada ay nasa pagitan ng magkabilaang kakahuyan. Humingi ng paumanhin ang drayber, nabutasan sya ng gulong at wala syang dalang ekstra, napilitan kaming maglakad. May kalayuan pa ang barracks namin kaya alanganin kami, madilim na rin. Kaya gamit ang dala naming balabal ay inilagay namin sa mga ulo namin.
Mabilis ang mga lakad namin ng kasama ko. Nagkwekwentuhan kami nang may humabol sa aming bata.""Mga manong. Maari po bang magpasama pauwi samin? Gabi na at natatakot ako. Kasama nyo ako sa jeepney kanina""
Natatandaan ko sya. Akala ko ang katabi nyang ale ay nanay nya. Sa isang sulok ng isip ko, andon ang isang boses na nagbababala na baka patibong lang. Bakit byabyaheng mag-isa ang isang bata? Pero lahat ng katwiran ko sa katawan maging ng sa kasama ko ay tila natabunan ng pagkaawa sa batang asa harap namin na pipitong taong gulang pa lang siguro.
Nang sabihin nya kung saan sya nakatira ay mas lalo kaming nahalina. Kalapit lang yon ng barracks namin at ang mga nakatira doon ay magiliw sa amin. Sa hindi malamang dahilan ay napakatagal ng pagpunta namin, sa pakiramdam ko. Pero sa pagtingin ko sa relos ko, iilang minuto pa lang ang lumilipas.
""Akala ko ba sa purok paasa ka?"" tanong ng kasama ko.
Isang maliit na kubo sa kawalan ang tinigilan namin. Parang walang ibang buhay bukod sa amin.
""Konting lakad na lang naman sa paasa na eh"" sagot ng bata.
Bigla na lang nakaramdam kami ng pagkahapo. Kaya naupo muna kami sa harap at nanghingi ng tubig. Tuloy tuloy ang pag-inom namin. Inanyayahan nya kaming pumasok sa loob. Pagpasok sa loob napansin namin ang kulumpon ng mga damit sa isang sulok.
""Nasaan mga magulang mo?""
""Naghahanap pa ng makakain. Pero mamaya babalik na sila""
Nakaramdam ako ng takot sa pagngiti nya sa amin. Nang magpaalam syang may kukunin ay hinila ako palabas ng kasama ko.
""P*t*ng*na batch! Sibat na tayo""
Nagayak ako sa pagtakbo nya. Hingal na hingal na kami nang tumigil kami, nasa punto na kami na oras na pilitin pa naming tumakbo, bibigay na ang baga namin.
""Batch t*ng*n* naman anong problema mo?""
""Di mo nakita yong mga damit? May fatigue na nakasingit. Paano sila magkakaroon ng fatigue?""
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree