Nagtatype ako ng 2nd part ng isang kwento ko nang may bigla akong naalala. At gusto kong malaman kung meron na kayong ganitong experience.
Naranasan nyo na bang mag pahula or hulaan ng isang tao at nagkatotoo?
11 or 12 years ago, I don't remember exactly, pero nasa ganong panahon... Meron matandang babae na napadpad sa Brgy. namin kasi nag titinda sya ng vase, siguro around 50's. Sa pagkakatanda ko sa bahay yun ng tita ko, nandun yung pinsan ko, si kuya saka yung isa kong ate. Hindi ko na matandaan kung anong ginagawa nila don.
Nagawi dun yung matandang nagtitinda ng vase, una nyang nakita yung pinsan kong lalaki, bigla na lang daw sinabi na kapag hindi umiwas yung pinsan ko sa isang babae, magkakaroon sya ng problema dahil dun. After ilang days, natrouble nga pinsan ko. Yung gf nya pala anak nung hepe sa amin, eh ayaw sa kanya kaya ayun ginawan sya ng issue and nakulong sya ng 1 day lng naman.
Then after that yung kuya ko naman hinulaan nya. Sabi nya kapag daw hindi nag ingat si kuya sa pag momotor baka dun sya mamatay. After ilang months naaksidente yung kuya ko sa motor, he almost died.
Sumunod yung ate ko, meron daw syang dalawang manliligaw, the first one kapag daw yun ang pinili nya, life will be hard for her, kapag naman daw yung isa mas magaan ang buhay nya. She chose the latter and now, sa aming magkakapatid sya yung pinaka maginhawa ang buhay.
Lastly ako, I'm so young back then 10 yrs old? Pagpasok ko ng pinto, nakita ko na sya, lalagpasan ko lang sya dapat pero tinawag nya ata ako non. I dont have any idea what's goin on.
Tinanong nya kung ilan taon na ako, sinabi ko sa kanya and then sabi nya malayo daw mararating ko.
I don't know anong ibig sabihin nya don but I realize something right at this moment, malayo nga ang narating ko literally. Dito sa Japan. Meron pa syang sinabi, mag ingat daw ako dahil at the age of 23, maaaksidente daw ako that may lead to death.
Nagbiro na lang yung tita to change the topic. Tapos may iba pa atang nagpapahula nun pero hindi na nya hinulaan kahit sinabing babayaran sya, masakit na daw ulo nya, yun ang pagkakatanda ko na sinabi nya, tapos umalis na sya.
I'll be 23 next month. Scary.
RavenOfDeath
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree