Kinulam ng sariling Tiyahin (Part 4)

225 0 0
                                    


Sisimulan ko na kaagad ang Kwento kasi Mahaba ang Part na ito at baka mabitin na naman kayo mga Ka Spookify Readers.
Kasalukuyan kami nong bumibyahe papuntang Ozamis kaming Tatlo nina karla, Partner ko at ako. Pagdating namin sa Mucas (pier) Sumakay kami sa Bards (barko) para makatawid kami papuntang Ozamis. Habang nasa bards kami Naka idlip ako at napanaginipan ko ang isang Matandang ermetanyo, Unang Beses ko pa lang yun napanaginipan na matanda kaya Hindi ko siya kilala. Sinabi niya lang sa akin na "Mag iingat ka sa Lugar na pinupuntahan mo, Marami kang Makakasagupa na mga Disipulo ng Demonyo.." (Bisaya pagkakasabi ng matanda pero Tinagalog ko na agad) kaya Tinanong ko siya kung Sino siya at bakit niya ako binabalaan. Sinabi lang niya na siya daw yong lagi kong tinatawag sa twing akoy napapahamak, kaya nakilala ko na kaagad siya. Hindi ko na sasabihin kung sino siya basta siya yung nababangit ko sa kapag nagdadasal ako ng Latin. ilalarawan ko lang siya para maimagine niyo yong hitsura niya. Soot niya ay parang RainCoat makapal na tela na gawa sa Balat ng Hayop. Puti yong Balbas, Matangos ang ilong, Maamo ang Mukha, Puti din yong Buhok na mahaba hanggang balikat, may hawak siyang Baston na kahoy na may mga nakaUkit na Letra na mga Latin. Nagising ako kasi Ginising ako ng partner ko Nakadaong na daw ang Bards kaya ready to baba na daw kami. Pagdating namin doon sa Ozamis city Sumakay ulit kami nong Motor papuntang Bundok dun part pa rin ng Ozamis, Hindi ko na sasabihin ang exact name ng Lugar na yon. Nakarating kami doon sa bahay nila kuya elyong na nag aagaw na ang liwanag at dilim, PaGabi na kasi yon. Pagbaba namin napansin namin ang mga tao sa loob ng bahay at ang naka burol na c kuya elyong. May Lumapit sa amin na isang Lasing na lalaki, Feeling Close at sinabi ba naman na may mga artistang dumating. Inabot pa niya yong kamay niya na gustong makipag kamay sa akin. Pero bago ko pa siya makamayan agad akong hinila ni angkol teo na nasa pintuan pala non naka Upo kaya yun na deadma ko yong lasing at yong partner ko at c karla ay nagmano sa mga kamag anak nila. Andun din sa sala yong Tiyahin nila na sinasabing kumulam kay kuya elyong, pinansin pa nga niya kami at nagmano din ako sa tiyahin nila.
Halatang Plastikan ang Pagpansin ng partner ko sa tiyahin nila at nakikita ko yun. Habang nag uusap kami ni angkol teo Sinabi niya kaagad na mag iingat kami sa mga taong Makakasalamuha namin dahil may mga 'mamikpikay' sa lugar nila (tatapikin ka at magkakasakit ka na) ibinulong sa akin ni angkol teo ang mga 'mamikpikay' na nasa paligid. pinapunta kami sa kusina ni angkol teo at doon binigyan kami ng tig tatatlong piraso na Sili at ibinalot niya ito sa candy wraper. ilagay lang daw ito sa bulsa namin at huwag na huwag iwawala kasi pangontra 'mamikpikay daw yong Sili, Kapag Tinapik ka ng mga mamikpikay ay babalik sa kanila ang dalang sakit at maaanghangan sila.
[fastForward]
8pm ng magsimula na ang padasal para sa patay at napansin namin na isa sa mga bumabasa sa padasal ay mismong tiyahin nila na Umanoy kumulam kay kuya elyong.
Nong matapos na ang padasal unti Unti na dumadami ang nakikilamay at may umagaw sa akin ng attention Lima ka tao na Tatlong Babae at Dalawang Lalaki na mga edad 30 pataas cguro. Kakaiba mga hitsura nila at Nakatutok sila na nakatingin sa aming tatlo nina karla at partner ko na nakaupo non sa sala. Sinabi ko kaagad sa partner ko ang napapansin ko Tungkol sa mga Wierdo na nasa Labas ng Pinto. Natakot sila kasi Nakatitig talaga sila sa amin Walang Emotion ang mukha nila at hindi kumukurap ang mga mata. Hinayaan ko na lang din dahil baka bago lang talaga kami sa paningin nila. Nag paalam ako saglit sa mga kasama ko na lalabas para Mag yosi muna at Doon ako dumaan sa likod na pinto sa may kusina. Madilim at may mga niyog at andun din yong mga alagang Baboy ni kuya elyong May bangin din doon na sobrang tarik talaga nakakatakot mahulog don malamang durog ka talaga pag nagkataon. May Puno doon ng Pomelo na may Upuan na nakalagay umupo ako dun at doon ako nag yosi. di naman siya masyado madilim kasi nababanaag ito ng Ilaw na nakalagay doon sa harap ng bahay kung saan maraming nakikilamay na nag lalaro ng Baraha. Nakatingin ako sa mga bituin nong mga oras na yun at dinadama ko ang lamig ng hangin, Habang nagyoyosi ako. Ngunit may napansin ako sa hindi kalayuan na isang Babae, Nakahubot Hubad at pagapang na lumalapit doon sa mga naglalaro ng baraha kaya Tinitignan ko lang siya hanggang sa makalapit na ito sa mga naglalaro ng baraha. Hindi nila ito napapansin, Nakatayo lang ito nanonood sa kanila pero yong mga limang wierdo nakikita nila kasi tinitignan din kasi nila at nanatili pa rin sila don sa pwesto nila na nakaharap sa pinto. Yong babaeng Hubot Hubad Tingin ko parang Baliw kasi pa lingon lingon siya sa paligid at nagulat ako nong napansin niya ako na nag iisa sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kong magpapanic ba ako o mananatiling kalmado. pero dahan dahan itong Naglakad palapit sa akin na para bang nag slow motion. kinuha ko ang Celphone ko sa bulsa para e on ang FlashLight nito pero BadTrip 0% at nag Shut down. Kaya lumingon ako dun ulit sa kinaroroonan ng babaeng hubot hubad, Ngunit nawala ito. Saan na napunta yon sabi ko sa sarili ko. At hindi ko talaga makakalimotan ang sumunod na eksena. Dahil nakaramdam ako ng hangin na galing sa isang tao na humihinga sa likod ng tenga ko, Pag lingon ko... Bulaga...!!
Ang babaeng naka hubot hubad nasa likoran ko na pala, Nakangiti at ang itim ng ngipin niya at ang langsa ng amoy. Kaya napaatras ako Dahan dahan nabitawan ko ang yosi ko tiningnan niya yong nahulog na yosi at tinalon niya. Hindi siya Normal ang lakas at ang bilis niyang tumalon para siyang palaka, iwan ko ba bakit di ko masambit ang Dasal kong latin para bang pinangunahan na ako ng takot o sadyang naonahan ako ng itim na mahika ng babaeng hubot hubad. Kaya agad na tumakbo at pumasok sa kusina, Tinanong ako ni angkol teo kung anung nangyari sa akin bakit daw tila takot na takot ako, Lumapit na rin sila karla at ang partner ko sa akin pati na yong mga kapatid ni kuya elyong. Sinabi ko na may nakita akong hubot hubad na babae sa likod ng bahay at nakakatakot yong hitsura. "imposible matagal ng patay si Cora, nabaliw yon mula nong Maghiwalay sila ni elyong dahil ayaw ni elyong na mag asawa pa sa kanya, Na depress at Hindi na kumakain c Cora hanggang sa nabaliw ito at nag hubad na ng boung Sout niya. bali balita pa na ni rape daw yun ng mga lasingero dito kaya tumalon sa bangin at nagkalasog lasog yong katawan sa ibaba mga malalaking bato ang nasa ibaba ng bangin na malapit na sa ilog." kwento ni Angkol Teo, Nanlamig ako sa kwento ni angkol teo at maging ang partner ko napahigpit na ang kapit sa akin si karla nakayakap sa partner ko. Habang nag uusap kami sa kusina ay may napansin ako sa may bintana rin sa kusina may naninilip at kinabahan ako nong makita ko uli ang mukha nong baliw na si cora. itinuro ko ito pero hindi nila nakikita hanggang sa umalis at nawala na. boung gabing yun hindi na ako lumabas nasa sala na ako. di bale na itong mga wierdo people na nasa labas lang ng pinto ang kaharap ko atleast hindi sila naka naked.
1am naglalaro kami ng baraha tatlo nina karla at partner ko, nang biglang may Feeling Close na lalaki na naman ang lumapit sa amin at nakipag kwentohan, Bestfriend daw siya ni kuya elyong kaya ayon nakipagkwentohan sina karen at ang partner ko sa kanya, Deadma lang ako kasi nakikiramdam lang ako sa paligid. May kinuha yong lalaki sa bulsa niya at binigay niya ito sa amin mga Candy pala. pero hindi ako kumain sila lang karla at partner ko lang. ilang minuto lang ang lumipas tawa ng tawa ang dalawa sina karla at ang partner ko bawat salita nong ungas na lalaki Tawa sila ng tawa. ang Corny kaya ng mga joke niya..!! Nakaramdam na ako ng kakaiba at ako lang ang hindi natatawa sa mga sinasabi niya. kaya tiningnan ko siya ng masama na para bang winaWarningan ko na siya. Ngunit nakatunog yong ungas at sabi niya "May tao talaga na hindi daw natatablan ng San Dabid" Tawa ng tawa ang mga kasama ko hindi nila alam na hawak sila sa itim na mahika ng ungas na ito kaya bago pa siya makapanghasik lalo ng lagim at tuloyan niyang mabihag ang mga babaeng kasama ko, Pasimple akong nagdasal at hinipan ko ang aking mga palad at kunwari natawa ako sa kanya at nakipag High five ako. Buti nalang at Nakipag High five siya dahil kung hindi babatokan ko na talaga siya. at dahil doon lumabas at umalis yong lalaki sumama yata ang loob niya at yong mga kasama ko na sina karla at partner ko Nangawit daw ang kanilang panga Muntik ko na silang e high five din. Tinatanong ko sila bakit ba tawa sila ng tawa e hindi naman nakakatawa yong lalaking yon. Hindi din daw nila mapigilan tumawa kaya sabi ko magpahinga na kami, marami naman bantay sa lamay ni kuya elyong kaya nagpaalam kami kina angkol teo na matutulog muna kami sa kwarto.
Abangan niyo ulit ang karugtong ng kwento mga ka Spookify dahil Sa pangalawang araw namin doon sa lugar ni kuya elyong ay may mga mangyayari pa na mga kababalaghan.
Salamat at God Bless sa ating Lahat.
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon