May sinalihan akong group dito sa facebook. Yung pang s*xual confessions, karamihan ng mga members mga amerikano. Mayron akong naging kaibigan don, tawagin nating James. Taga US, 911 operator sya. Nakikita nya yung mga nila like kong post ng spookify, tinanong nya ako kung trip ko yung mga horror. Kako naman oo, feel na feel kong takutin sarili ko. Don nya na ako kinuwentuhan ng mga creepy experiences nya.
---
Clown
Isang gabi, walang gaanong tawag. Pa petiks petiks lang sila, hanggang may tumawag daw na bata. Tinanong nya ano yung emergency. Sabi nung bata nasa closet sya, nagtatago. Wala yung parents nya, nagdinner sa labas. May naka costume raw na clown sa may bakuran nila. Una, nanonood sya ng tv sa may sala, hinayaan nya lang. Pero nung dinikit daw nung clown yung mukha nya dun sa bintana, pinaalis na nya. Nung hindi natinag, binaba nya yung mga blinds. Sumunod, nasa may pinto na raw at pinipilit buksan yung pinto. Kinuha nya yung telepono at tumakbo sa kwarto nya, nagtago sa closet. Sabi ni James, inassure nya yung bata na may papunta ng officer sa kanila para paalisin yung clown. Nangilabot daw sya ng sobra nung may marinig syang komosyon sa kabilang linya, tapos may nagsalita na boses lalaki, pero hindi yung bata.
"Too late"
Pagdating ng pulis, bukas yung front door, magulo yung bahay kaso walang kinuhang gamit, pero wala yung bata dun. Nahanap nila yung bata, sa likod bahay, may make-up ng parang sa clown, walang pisikal na sugat pero hindi na makausap. Ang nakaka kilabot, minuto lang naman ang pagitan ng lahat pero ayon sa mga pulis, pulidong pulido yung pagkaka make-up, walang bahid ng pagmamadali.
---
It
Umaga pa lang, may natanggap ng tawag ng isang babae, nasa cabin sya somewhere in the woods. May parang nagmamasid daw sa kanya, nung nasa kitchen daw sya may nagtry na buksan yung backdoor. Nung dumating yung mga officer, ang nakita lang nila, may claw marks dun sa pinto. Hinihintay ng babae yung pamilya nya na mangagaling pa sa kabilang county, pinayuhan syang magstay na lang sa loob ng cabin. Parang claw mark daw kasi ng bear yung nasa pinto. Kung makita nya yung bear at piliting pumasok, magkulong na lang sya sa basement na may metal doors saka tumawag. Ayaw rin naman daw kasing sumama sa kanila nung babae.
Gabi na, past 9. Sya ang nakasagot ng tawag ng parehas na babae. Umiiyak daw ito at hindi gaanong maintindihan ang sinasabi.
"Relax Maam, they are on their way"
"No you don't understand"
Natural lang daw na madalas nilang makausap ay medyo paranoid. Nasa training nila na dapat mahaba ang pasensya nila at hindi sila mataranta.
"They'll be there in a minute or so Maam"
"It's inside! It's inside"
May narinig din daw syang ungol ng kung anong hayop. Tinanong nya kung nasan yung babae. Sa sobrang pagkataranta nito, sa may cupboard na lang daw sa may kitchen sya nagtago. Paanas lang ang bawat salita ng babae.
"It's not a bear". Paulit ulit nitong sabi. Nung tinanong nya kung anong nakikita nitong hayop. Halos mabuwal daw sya sa kinauupuan nya nang marinig ang sagot nito.
"You remember the movie? Jeepers creepers? It fckn resembles it"
Nung dumating ang mga pulis, kasabayan nilang dumating yung pamilya nung babae. Wala yung babae, kahit saan. Nagkaroon daw ng malawakang paghahanap sa kanya. Pero tanging gula gulanit na damit lang nya ang nakita, ilang milya ang layo mula sa cabin, na impossibleng marating nya sa ganoong panahon: Winter.
---
Cult in the church
Magpapasko. Nakaduty sya, dahil pasko, mangilan ngilan lang ang tawag. Ilang oras na lang daw at matatapos na ang shift nya nung may tumawag na teenager, rinig daw nya yung hingal nito, may mga kasama rin daw na naririnig nyang nagmumurahan.
"What's your emergency?"
"Ah...were...here...in the back of S* **** church, we thought...we encountered a...cult"
Alam ko na noon pa na may ilang simbahan, kadalasan yung mga luma na talaga eh may underground. So hindi na ko nagtaka nung sinabi nyang nakita daw nung mga teens yung parang kulto sa underground ng simbahan na yun. Dare daw sana nila yun sa kaibigan nila, mula nung malaman nilang may ganon dun. Bababa, magstay ng kalahating oras, kukuha ng selfie, ipopost sa tumblr. Pero wala pa daw limang minuto umakyat na yung kaibigan nila. Nung sinabi nya yung dahilan, akala nila dahilan nya lang para makaligtas sa dare. Nung makita nila yung mga nakahood na puti, na nakapaikot sa isang parang metal table, iniikutan nila yun. Nung makita nila na may taong nakahiga dun sa table, sigawan na sila lalo nung yung isang nakahood may bahid ng dugo sa damit. Nung sumigaw sila, nagsiharapan sa kanila yung mga yun, nag give way para makita nila yung wakwak na tyan ng tao sa table.
Sabi sa report ng mga pulis, yung tao, na lalaki pala eh walang pagkakakilanlan, john doe. Nung hiningi yung panig ng simbahan tungkol dun, ang sabi lang sinesante na nila yung caretaker, na syang parang leader ng kultong yun.Hunter
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HororThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree