Kwento ni Tope at Kuya Whang. Unahin natin si Tope. Ang setting ng kwento nilang ito, yong dating family house, purong kahoy tas naka elevate sa lupa. Doon sila tumira ng mga kuya't ate nila noong nagtrabaho na sa manila daddy nila.
Describe ko muna yong bahay. Ang kusina nasa baba, kainan, sa labas naman, lutuan. Sa may balkon, pinaka fave part namin ng bahay na yon, may not so secret na pinto don sa kanan. Itataas mo dapat, parang trap door, tas pwede ka ng umalis pag gabi na hindi nahuhuli, maliban na lang kung ila-lock nila yon pag nakita nilang hindi nakalock.
Sa kusina, nandoon yong main door, maingay yon, kumakaskas sa sahig tas mabigat talaga, parang vault ng pinto ng bangko, gawa lang sa narra. Pag asa kusina ka, kita mo yong maliit na hallway sa pagitan ng dalawang kwarto bago ka makarating sa sala. May apat na kwarto. Isa sa kusina, tatlo sa taas. Pov ni Tope at ni Kuya Whang gagamitin ko ha?
Tope
Bata pa ko non, grade 4 o grade 5. Magkasama kaming natulog ni Ate Casper sa kwartong maliit, andoon yong mga lalagyan namin ng mga damit. Walang pasok kaya natirikan na ko ng araw, hindi pa ko bumabangon. May kumalampag sa may dingding, si Auntie Eyah, nanggigising na.
Pagkatapos kong mag unat, bumangon na ko para magtupi ng kulambo. Nakatali sa mga pako sa bawat kanto ng maliit na kwarto. Nang ang kukunin ko na yong pinaka huling tali, mejo nabuhol, kaya natagalan ako.
""Tope! Bumangon ka na dyan o gusto mo akyatan pa kita?"" babala ni Auntie Eyah.
""Opo nakabangon na po, nagtutupi na lang""
Pero napatili ako nang may kamay, as in kamay lang ang nakahawak na rin sa kamay kong pinangtatangal ko ng tali. Ang lamig, parang dinaitihan ng yelo ang kamay ko. Ang puti din, parang papel. Nakipaghilahan ako sa kamay, dahilan para maputol ang tali at matumba ako. Sa takot ko, dali dali akong bumaba, bahala na kung pagalitan ako ni Ate Casper.
Pinagalitan nga ako pero ayos na yon, kesa kung ano pang gawin sakin ng kamay na yon kung hindi ako umalis agad. Nagpinglis ako ng dahon ng malunggay, para ihalo sa munggo na sobrang sarap dahil niluto ng may pagmamahal ;p Botsog na botsog kami nila Kuya Whang, ni hindi na kami makatayo para halinhinang magbomba para sa panghugas.
""Pagkatapos nyo dyan matulog kayo ha?! Ayokong tanghaling tapat naglalaro kayo. Ililipad kayo ng uwak sa dami ng kuto nyo!"" panakot ni Auntie Eyah.
Sa takot kong makuha ng uwak, naglatag na ko sa harap ng tv na ini-oon lang namin pag hapon at gabi, cartoons. Nawaglit na sa isip ko ang kamay. Nasa pagitan na ko ng pagtulog nang bigla na lang tumayo si Kuya Whang.
""Bwisit ka naman Tope ang manyak mo!""
""Hala bakit?""
""Nanghahawak ka eh""
Binato ko sya ng unan ko. ""Mayron din ako nyan bat ko hahawakan?""
Piningot kami ni Kuya Gagskie na nagising sa sigawan namin na natutulog sa may balkon. Pinaghiwalay nya kami, si Kuya Whang sa tabi nya, ako naman sa kwarto kung saan natulog sila Ate Lelei.
Sa gilid ako nahiga. Katabi ni Ate Casper na naghihilik na. Si Ate Lelei, naglalaway na. Ganoon ulit, nasa kasarapan ako ng pagtulog nang magising ako dahil para bang may humihila sakin pababa ng kama. Ipiniksi ko lang ang paa ko, akala ko kasi si Kuya Whang lang nangtritrip lang.
Pero nang maulit, bumangon ako, laglag ako sa kama. Humiga ako ulit, namaluktot, nagkunwaring tulog. Saglit lang may nanghihila na naman sakin. Pagtingin ko, yung maputing kamay, kung kanina iisa lang, ngayon dalawa na. Dapat sisigaw ako, dapat talaga, kung hindi lang tinakpan ang bibig ko. Nalaglag ako ulit, napaharap sa silong ng kama. Pakiramdam ko ilang segundong tumigil sa pagtibok ang puso ko. Sa ilalim ng kama, may babae, nakamulat ang mata, ang puti puti. At yong kamay pilit akong itinutulak papalapit. Pumihit ako paharap para makagapang palayo.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HororThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree