Hello. Good evening Admin!
Marami na kong experience sa paranormal, pero tong ishe-share ko ay kwento ng kaibigan ko sakin before sya mawala.
Seaman si Patrick. Magtatatlong taon na syang sumasampa ng barko. Pero last year (2015) yun na yung huling sakay nya. Umuwi sya nun at nagbago sya, laging tulala tyaka laging natingin sa likod nya na parang may sumusunod sa kanya. Hindi naman sya ganon dati, masayahin syang tao. Hanggang isang araw, nakatambay kami sa may gate namin, kinulit ko sya ng kinulit.
Nasa part sila ng karagatan ng somalia non nung may nasira sa makina ng barko. Nagradio yung kapitan, ang nakapagtataka eh static lang yung sa radio. Second day, nagdesisyon yung iba na sumakay na sa rubber boat para makapunta sa mainland, para humingi ng tulong. Ilang kilometro rin lang naman daw at may isla na silang mahihingan ng tulong. Naiwan yung ibang crew, at isa sya sa sampung nautusan na sumama sa aalis.
Okay naman daw, pero dumaan ang maghapon na sana andun na sila sa isla, wala pa rin silang lupang nakita. Inabot sila ng isa't kalahating araw bago nakakita ng isla, islang wala sa mapa, islang sa loob ng ilang taon nilang pagdaan sa karagatang yun ay ngayon lang nila nakita. Kahit yung batikang marino na kasama nila nagtataka, nagtatawanan pa nga sila kasi nawawala na ata sila. Yung mexican na kasama nila, pininpoint yung kawalan ng ibon, kaso walang pumansin kahit sya. Isa sa mga kasama nilang kano, sinabi na magpahinga muna sila dun, tyaka baka may nakatira don at may telepono o kaya radio. Nagsi-oo sila, natutusta na rin daw kasi yung utak nila sa init.
Diniscribe nya yung isla, parang tropical island. May mga niyog, saging. Natawa pa nga sya nung may makita syang bayabas. Kumuha sila ni Fred (kapwa pinoy) ng bayabas, binigyan nila yung iba. Nagyaya si Tyler na maglakad lakad, baka sakaling sa loob ng gubat eh may makita silang mga tao.
"Just dont go too far. Before sunset we should get going" Sabi nung pinaka leader nila.
Sa sampu, sya, si Fred, Pedro at Tyler lang ang sumama. Yung iba nagpasyang matulog na muna sa lilim ng mga puno. Si Pedro, paakyat akyat pa ng mga puno. Binabato bato sila ng mga sanga. Mga 6-10 minutes na silang naglalakad nung may tinuro si Pedro.
"What?"
"There's a white oval shape building!". Nasa sanga sya ng mataas na puno. Hindi sila makaakyat kasi masyadong makinis yung katawan ng puno kaya hindi nila makita kung totoo. Kaya sige na lang sila sa paglalakad. Mejo matrip kasi si Pedro.
"'Im gonna kick your balls if your bluffing man!" Sabi ni Tyler sa kanya.
"I swear!"
At totoo nga. Napatigil sila nang makita yung sinasabi nya sa malapitan. Imaginine daw natin yung moa arena? Mas maliit lang, napapaligiran ng alambreng bakod. Aakyat na sana si Pedro, ngunit hinila sya ni Fred palayo sa bakod.
"Haven't you seen the sign?"
"What sign?"
Nginuso ni Fred sa di kalayuan yung nakasabit na sign- Danger : High voltage
Tumawa lang si Pedro tapos lalapit sana ulit sa bakod, napaatras lang sya nung naghagis ng sanga si Tyler don tapos natusta.
"Bumalik na tayo" Yaya ni Fred sa kanya.
Si Tyler na tinuturuan nilang mag filipino dahil may syotang pinay naintindihan yung sinabi ni Fred, tinawan sya.
"Come on man! Dont be a p*ssy. This building looks new, maybe they have a phone"
Bilang atapang atao, naghanap sila ng papasukan. Si Pedro ulit ang nakahanap. Sabi ni Pat, dapat nung makita nyang bukas yung gate, dapat umatras na sya at hinila si Fred. Dibale nang tawagin syang p*ssy ni Tyler, sana mas tahimik pa buhay nya ngayon. Kasi diba? Electrical fence tapos nakabukas yung gate?
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree