Case 3: The Wooden Maiden (unsolved)

857 12 0
                                    


Hi po mga friends, si Conchita po ito and this is my scariest case na nahandle ko.

May mga case na kailangan talagang bitawan kung ito talaga ay mapanganib na at kailangan na ng divine intervention, ito ang case na yun.

February 2009, kakatapos lang ng valentines day nang makarecieve ako ng group message, galing kay Crystal ang psychic ng group. And it's about a case na kinuha niya ng solo pero nagkaroon ng aberya sa part niya kaya nagrequest siya ng back-up. Sinagot ko naman siya kung saan ang location and she did respond naman. Within quezon city lang ang case so pinuntahan ko siya. This is the first time na pumunta ako sa isang site of investigation na wala akong alam sa background nung iniimbistigahan. Pagdating ko sa lugar, nakita ko kaagad si Crystal sa may tindahan katapat nung house na iniimbistigahan niya. Hindi ko pa siya natanong dahil kausap niya si Mon sa phone at halatang hindi siya mapakali. Matapos niyang kausapin si Mon ay tinanong ko siya kung ano yung case.

Yung case na sinubukan niyang iinvestigate is about a wooden statue na bigla nalang daw umurong mag isa at dahil may kabigatan ito hindi niya maintindihan kung bakit ito gumalaw mag isa sa harapan mismo nung may ari at sa kaniya. Nang hinawakan daw niya ito iba ang nakita niya, parang pangitain ang nakita niya. Habang sinasabi niya ito sa akin nakaramdam ako ng takot dahil sa grupo, si Crystal ang laging calm and collected kahit na may kung ano ano ng nangyayari kalmado lang siya, but this time iba na. Sinamahan ko siya sa loob ng house nung client and nang papasok na ako upon crossing the threshold nung house, na outbalance ako! Parang nagka vertigo ako at ang bigat nung feeling, parang may sumampa sa likod ko. Kaya napakapit ako sa door frame, tinignan ako ni Crystal. Sabi niya na ganiyan din ang nafeel niya nung dumating siya sa site. Dineretso namin ang sala at nandoon ang may ari, pinakilala ako ni Crystal at sabay tanong sa amin kung ano daw ba ang pwede niyang gawin doon. Sabi sa akin ni Crystal na try ko daw hawakan ang statue (Which I did) and doon ko nafeel na ang init niya at doon ko din naexperience na magkaroon ng pangitai. At dito pala mag uumpisa yung nakakakilabot na case na pinasok ko.

Feb 16

After mag group message ni Crystal about needing help sa case na dapat ihahandle niya mag isa, naging all hands on deck na investigation ito. Yesterday after what happened, inabisuhan muna ni Crystal na takpan muna ito ng puting tela at wag muna idisplay. After nga naming makakita ni Crystal ng malagim na pangitain mula sa wooden statue na iyon. Ipinakwento ni Mon ang nakita ni Crystal, according to her nang hawakan niya ang statue biglang nahila isip niya. Ang nakita niya ay puro dugo, maraming nagsisigawang tao sa paligid niya at meron ding humahalakhak sa background. Pero yung halakhak na iyon ay parang galing sa malalim na balon. Bago niya bitawan yung statue, hinabol siya ng isang kamay bago siya makaalis sa state na yun. Kaya hindi rin siya mapakali kahapon, ang version ko naman ay hindi nalalayo sa kaniya. Kaso imbis na dugo ang nakita ko, mga alab, parang yung uling sa bbq grill. Yung tipong nagbabagang uling ang nakita ko at madaming nagsisigawang tao sa background. Hindi ko makakalimutan yung boses nung tumatawa dahil alam kong hindi galing iyon sa tao, para itong galing sa hukay. Ang pagkakamali ko lang ay nang nagtagal ang hawak ko dahil naramdaman ko yung kamay na sinasabi ni Crystal, na humawak sa mga braso ko. Pero natanggal ko naman ang pagkakahawak ko doon. After nun sinabi rin namin na mainit yung statue, maski hindi naman ito naaarawan. Ang paliwanag ni Crystal nilapit lang sa kaniya yung case na yun in the hopes of kung may nananahan daw sa loob nito ay pwede niyang paalisin which in this case hindi pala. Nilatag ni Crystal ang mga findings niya sa satue, gumagalaw itong mag isa at mainit ito. May mga audible ng manifestation na naririnig ang mga nakatira doon sa house. After niyang masabi ang mga ito, naghanda na ang group for the investigation kinabukasan.

Feb 17

Pinuntahan na namin ang location. Nandoon yung client at yung ibang kasambahay, inuna na ni Mon ang paginterview sa owner nung statue. Nalaman namin na hindi ito ang original owner kundi nabili lamang niya ito sa isang store sa baguio. Mula noon nag umpisa nang makarinig ng mga boses ang ibang kasambahay. Dumating na sa point na umalis na yung iba dahil na rin sa takot, binalikan niya ang store na yun sa baguio pero wala na sa stall yung dating nagtitinda doon. Kaya hindi niya na alam ang pwedeng gawin, dahil na rin sa may kamahalan ang statue kaya hindi niya magawang idispose nalang ito. Kinuwento rin niya na hindi daw nananatili sa pwesto ang statue at umuurong ito. Sabi niya ipinuwesto niya yung statue na yun sa pinaka gilid ng living room. After a day napansin niya na umuusog ito papunta na sa study area ng house which is weird at isinama na niya ang mga testimony nung mga maids at ang nangyari nung isang araw na umusog ito mag isa na nakita din ni Crystal. Ako naman ay kasama si Crystal at Jigz sa labas nung house dahil hindi kami mapakali ni Crystal sa nakita namin. Dahil inamin ko kay Crystal kung ano sa tingin ko ang nakita namin at parehas kami ng sagot. Parehas kami ng palagay na impyerno ang nakita naming lugar sa pangitain na binigay nung statue, at nakakatakot ito. Pero dahil na din isang investigation, kailangan din kaming tumulong.

Pagpasok namin nilibot namin ang lugar pero walang ibang odd thing kaming nakita, doon ko naisip na ang anchor ng lahat ay ang statue. In this case magdadalawang isip ka whether to read your tarot or not. Dahil whatever doorway you open, lalo na kapag alam mong demonic ang presence na nandoon baka pwede silang pumasok sayo. So I opted not to do so inside the house instead nagpaalam ako kay Mon kung pwede ba ako magread outside the house kasi hindi ako mapakali sa loob, sumang ayon naman siya. Dala ang mga cards ko, nagpasama ako kay Jigz sa van at doon na ako nagread. Unang spread lumabas ang mga cards as of follow reversed 4 of swords, reversed 5 of swords, reversed king of swords and reversed tower. Hindi ko inasahan na ganito ang lalabas sa cards, pinakita ko ito kay Jigz then binalasa ko ulit yung cards 3 times like I always do. And lumabas din ulit yung mga cards though iba iba ng position. Pero lahat sila reversed pa rin kaya hindi ko na tinuloy yung reading, maski si Jigz nagulat din sa reading ko. Bumalik kami ulit sa loob at lahat sila nasa living room na, andun si Mon nakatitig doon sa statue pati yung iba pa naming kasama. At kaya pala sila nakatitig doon sa statue na yun dahil lahat sila nabigla dahil umurong ito papunta sa study area at all caught on tape.

Hindi lang yun, nag amoy kulob ang buong living room na akala mo eh walang exhaust. Nakabukas naman ang mga bintana at yung dalawang malaking pintuan pa garden. Tinakluban ito ni Mon ng white cloth at binuhusan ng holy water sa tuktok. Nawala yung kulob na amoy pero napansin namin na yung tuktok nung statue kung saan binuhos ni Mon yung holy water nangitim at tumagos ito sa puting sapin na ipinatong dito. Sinabihan ni Mon na kaysa manghinayang yung owner sa pinambayad niya sa statue, kailangan na niya itong idispose for his safety. Dahil kung ano man ang nananahan rito ay hindi ito tao o elemento na pwedeng alisin. Ang kailangan na gawin dito sa statue ay exorcism na, ang pagkakarinig ko na sabi niya ay expulsion. Dahil hindi daw conduit or napoposses yung statue, isa daw itong offering kaya daw ito gumagalaw mag isa dahil kinukuha na ito. Nagmamanifest ang mga voices dahil tinatawag na ito, marahil sa kadahilanang ginamit ito sa isang ritwal at ginawa iyong alay. At sinabihan kami ni Mon na wala na daw kaming magagawa sa bagay na yun unless na kaya naming makita o makilala yung kumukuha nito at maialis ang kapit sa bagay na yun. Binitawan namin yung case at sinurrender ito sa simbahan na malapit sa kanila, kabilang na doon yung mga footage na nakuha namin sa investigation.

End of Case 3

PS. Yung maiden statue na yun ay kinuha na ng mga taga simbahan and we don't know its whereabouts. To make it more scary, yung wooden figure na yun is a wooden figure of an angel and yes angel siya with wings na may bitbit na sanggol pero its been defiled...

PPS. Eto po yung mga members na na nakasama ko sa mga cases. And wala po akong gusto kay graveller.

Official members
Monmon (Graveller) - founder
Jigz - filing bruha
Crystal- psychic
Diana - psychic
Seth - psychic
Patrick - camera/aduio tech
Dale- camera/audio tech
Mark and Vince - thank you sa mga van/logistics

Saling kitkats!
Amber- psychic
Conchita - tarot reader
Randy - mirror gazer

Conchitabonfire

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon