Kumusta mga Kaibigan, Sa mga Naghihintay ng Update ng Kwento namin ni Buddy. Heto na yun, Pasensiya na kung Natagalan. Hindi naman kasi pwedeng Gagawa nalang ako ng Kwento na Hindi naman talaga nangyari, Hindi naman kasi ako Fiction Character. Based on My Real life ang Ibinabahagi ko mula noon at magpa Hanggang Ngayon, Alam na ng mga Nakakakilala sa Akin yan... Atsaka Andami dami naming kinaharap ni Buddy this past few Months, weeks and days...at Higit sa lahat Hindi Ganun Kadali ang Pagsubok namin laban sa Kadiliman. Sa katunayan pa nga Hanggang sa ngayon iba na naman kinakaharap namin pero sa susunod na Story ko na ito isasalaysay.At Gusto ko muna ipa Alala na Ang kwentong ibabahagi ko ngayon ay Mataas talaga ang Story na ito... Simulan na natin ang Totoong nangyari sa Aming Kwento...Nangyari ito nong Nakaraang buwan lang. di ko na sasabihin ang exact date. Nasa Simbahan ako ng Cathedral dito sa Cagayan de oro. Pagkatapos ko magdasal sa Simbahan, Pumasyal muna ako sa Gaston Park na Malapit lang din sa Cathedral. Nakaupo lang ako malapit sa may Fountain, Minamasdan ko ang mga Namamasyal din na mga Pamilya, at mga Magkasintahan at yong mga Group na Sa tingin ko Mga Texters Clan, Naririnig ko kasi mga Topic nila kahit distancia lang sila sa akin. Ilang Minuto lang Ang naka lipas may biglang Tumabi na Lalaki sa kinauupoan ko, "Sa Wakas at Nagsimba ka na.. Kapatid..." Napalingon ako sa nagsasalitang Lalaki sa Tabi ko. Hindi ko siya kilala. pero parang Alam niya kung Ano Ako. "Kumusta na nga Pala ang Kapunongan?" Tanong ng Lalaki sa Akin. At Dahil may sout akong Shades nong mga Oras na yun Tinangal ko at tinitigan siya na nakaSalubong ang aking mga Kilay. "Oh pasensiya na nga pala, Marahil nagtataka ka kung Sino ako.. Ako nga Pala si Totax," Gusto niya makipag kamay pero Tiningnan ko lang. "Isa ka nga talagang Apo ng Maestro, Dahil napaka Tipid at Maingat ka sa mga Kilos at Galaw mo..." Dahil sa Sinabi niyang yun ay Napatayo na ako. "Paano mo ako nakikilala at ang Kapunongan paano mo itonalaman? Isa ka bang..." Hindi ko na naipagpatuloy yong Tanong ko dahil Bigla nag Vibrate yong Celphone ko. Tumawag si Buddy at Sinagot ko. "Kumusta Bayaw? Papunta ako Cagayan de Oro. mag Aapply ako ng Trabaho dyan May nag refer kasi sa akin na Urgent Hiring yong Companya nila. Sunduin mo ako sa Terminal bayaw kasi Di ko na Alam kung paano yong papunta sa inyo... baka Ma Lost And Found pa ako nito Ang Swerte naman ng makakapulot sa akin.." Natawa ako sa huling sinabi ni buddy. "O sige Buddy, susunduin kita doon.. basta ilibre mo ako ng foods pagdating mo..." Pinutol ko na yong Tawag ni Buddy at nagpalingon lingon ako sa Paligid nawala na yong Lalaki na kumakausap sa akin kanina..Paalis na sana ako sa Park para pupunta na ng Terminal para sundoin si Buddy ng biglang may Nagsalita. "Sandali lang Kapatid...!" Boses nong lalaki na Nasa likuran ko lang. Kaya humarap ako sa Kanya. "Ano ba Kailangan mo sa akin ?, Nagmamadali ako.." Nakangiti lang ito na Nakatitig sa akin parang Nang aasar pa... "Gusto ko lang ipaAlala sayo kasi kapatid na Nasa Panganib yong Bayaw mong nagbbyahe ngayon..." Nagulat ako sa Sinabi ni Totax sa akin. "Panganib?...Are you kidding me, aKala ko ba Kakaiba ka..? bakit Hindi mo ba Alam kung Ano yong Bayaw ko? Kahit malagay sa Panganib yun Ayos lang dahil kaya niyang Protectahan ang Sarili niya..." Sabi ko kay Totax na humakbang pa para makalapit sa akin. "Pano kung sabihin ko sayong Hindi makakaligtas ang Bayaw mo? At ang Tanging Paraan lang ay Ikaw ay may Pagpipilian...? Para klaro sayo, Yong Bus na sinasakyan ng Bayaw mo ay Mababanga sa isa pang Sasakyan na May sakay na Kamag anak mo rin...? Sa mga oras na to ay naka Antabay na ang mga itim na Anghel dahil siguradong may masasawi.... Ngayon Alin doon ang ililigtas mo ang Sasakyan na sakay ang mga Kamag anak mo o Yong Bus na sinasakyan ng bayaw at ng maraming Pasahero...?" Nakatawa pa siyang Sabihin ito sa akin. "Ano ka ba Talaga? ikaw ba may plano nito? Hindi kita mapapatawad pag may nangyaring Masama sa Mga inocenteng Tao...lalo na sa mga Kamag anak ko.." pagbabanta ko kay Totax. "Relax lang kapatid, Ang Nakatakda ay Nakatakda wag mo akong pagbintangan...pinapapaalalahanan lang naman kita. Ako na nga itong nagmagandang loob sayo ako pa tong binabalaan mo..." Inakbayan ako ni Totax na tinatapik tapik pa ang aking Balikat. "Paano mo nalaman ang tungkol sa mga itim na Anghel? bakit andami mong pasakalye deretsohin mo nga ako.. Ano ka ba talaga..?" Tanong ko sa kanya na Tinangal ang Braso niyang naka Akbay sa Akin. "Ano ka ba, Tulad mo rin ako..Kaya wala tayong problema. May Mission din ako Kagaya mo. Tutulongan muna kita bago ko gawin ang mission ko..." Pagpapaliwanag ni Totax sa Akin. "Isa ka ding Puting Tupa? Bakit di ko maramdaman na Kapareho kita, Hindi ko din matukoy kong Ano ka talaga dahil para ka lang Natural na tao... Para mapatunayan kong isa kang Puting Tupa May Itatanong Ako Sayo..." (ito ay Sensitibong Tanong na Secreto at Sagrado na ng Aming Kapunongan, Para malaman namin ang Mga Tulad naming mga Puting Tupa..) Nasagot at Naipaliwanag ng malinaw at eksaktong eksakto ang Mga narinig ko kay Totax. "Ngayon naniniwala ka na... Hindi ako kaaway kapatid, Pero bago tayo magpoproceed doon sa bayaw mo. Nakita mo ba yong Anino na nasa Lilim ng puno na yun?" itinuro ni Totax ang Isang Puno sa Park na may Anino na parang may minamatyagan, May Anino pero Walang Tao na Malapit dito tanging Anino lang talaga. Pero Nalaman ko kaagad kung Ano yung Anino na yun. "Teka isa itong Itim na..." Hindi ko na naituloy ang pagkakasabi ko Dahil biglang may Nagkagulo, Isang Lalaki ang Nanaksak ng isa pang lalaki at fatal ang tama nito dahil sa leeg ito nasaksak. "Tulongan natin..." tatakbo na sana ako ng Hawakan ako sa braso ni Totax. "Hayaan mo na... Atraso yan kaya wag ka na makialam. Nakatakda na oras niyan. kaya nga may itim na anino na kanina pa naka Abang Dahil alam niya ang eksaktong oras at lugar mangyayari ang insedente na yan...." Pagpipigil ni Totax sa akin. Nawala na yong Anino pero namatay talaga yung nasaksak sa leeg na lalaki, yong nanaksak na tumakbo kaagad nahuli na ng mga pulis at kasalukuyang detainado na...Balik tayo sa topic na pupunta na kami kay Buddy. "Pikit mo mga Mata mo kapatid..." sabi ni Totax sa akin. Sinunod ko ang sinabi niya at naramdaman ko ang Pag iba ng paligid... pakiramdam ko na sa sasakyan na ako... "Dumilat ka na Kapatid..." Sabi ni Totax at Hindi ako nagkamali nasa Bus nga kami (Sa may Pinaka Hulihan na Upoan kami naka Upo)... nakita ko si Buddy na naka upo sa likod ng Driver mismo. "Ano na ngayon gagawin ko...? ipapahinto ko ba ang Bus? at ipababa si Buddy?" Tanong ko kay Totax. "ikaw bahala, Misyon mo to. Dinala lang kita dito pero ikaw parin magdedecision... Kung ipapababa mo si Buddy ngayon. Mababanga pa rin itong Bus sa Sasakyan na sakay ang Kamag anak mo..." Seryoso ang mukha ni Totax na nakatingin sa Bintana ng Bus. "Hindi mo ba ako Tutulongan? Anong klasing Puting Tupa ka ba? tulongan mo akong pigilan ang Aksidente na ito..." Sabi ko kay Totax na nag titimpi at pabulong sa kanya.Medyo mahaba na ito mga kaibigan.Abangan niyo yong Part 2 nito...Masyado talaga napaka Delikado na ng Sitwasion na ito, at di ko Aakalain ang mga susunod na mangyayari...Hanggang Sa muli mga Kaibigan, God Be With Us Always...
-Silent Rasta
Ps: Lagi po kayo Magdasal at Tumawag sa Diyos...
Pps: Respect One another Respect our Own Beliefs.
Mag Coment ng naayon sa Kwento mga Kaibigan.
Salamat...
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree