Yun na nga after naming marinig yung mga sinabi ni Inay tungkol nga kay Vj eh medyo iniiwas iwasan ko siya. Pati si Ate medyo naging malayo din kay Vj, hindi ko alam baka mamaya lapain niya na lang ako bigla. Pero sabi naman ni lola malapit, malapit pa lang, pero papunta na din sa ganun yon eh. Alam kong nagtataka na non si Vj sa mga inaasta namen ni Ate. Mga 6 na ng gabi non, nakahanap si Vj ng pagkakataon na kausapin kame ni Ate kase magkasama kame non sa kwarto. And as expected tinanong niya agad kung bakit parang galit daw kame sa kanya or ano. Bat daw iniiwasan namen siya, nagkatinginan kame ni Ate pagkasabi niya non haha. Tingin pa lang ni Ate alam ko ng gaganap na naman kame bilang mga best actresses.
""Ah, oo nga J eh, si Inay kase ayaw niya daw na magka-boyfriend ako, ang bata bata ko pa daw."" May halo pang nginig yung boses ni Ate.
""Oo nga Kuya, sabe yan ni Inay samen.""
""Huh? Ganon ba? Eh bat pati ikaw Gie?""
""Uhm an-ano kase yung, ano, kase sabe ni Ate wag na lang din daw muna kitang lapitan para wala nang masabe si Inay.""
""Mahigit 1 week na tayo dito ngayon lang ni Inay naisip yon? Nung unang mga araw pa lang naten dito diba alam na nilang tayo.""
""Ah, basta basta, J gawin na lang naten yung sinasabi ni Inay, iba din kase yon magalet."" Kahit sobrang bait naman talaga ni Inay, ganon naman ikinasama ng mga apo niya wahahahhaa.
Habang kinakausap namen non si Vj eh kitang-kita ko na nanlilisik yung mga mata niya habang kinakausap niya kame. Kahit takot na ko nung mga oras na yon, hindi ko lang sa kanila pinaramdam lalo na kay Vj kase naman baka bigla na lang siya jan na magtransform. Kaya para matapos yung fast talk, inaya ko sila na bumaba kase birthday nung isa sa mga anak ni Inay.
Grabeng pagod namen sa pag aasikaso sa mga bisita kase as in parang isang buong barangay yung pumunta sa bahay, kapitan kase sa bayan yung tito ko.
So ayon sa sobrang pagod na talaga dun na kame humiga ni Ate sa sala, mga 1 na din yon ng madaling araw. Paghiga pa lang namen nakatulog na agad si Ate, nung patulog na din sana ako, naramdaman ko as in ramdam na ramdam ko talagang may papalapit saming tao. Biglang pumasok sa isip ko si Vj pati yung mga sinabi samen ni inay. Pero ewan ko bat san galing yung tapang ko't pinilit kong buksan yung isang mata ko ng palihim and guess what? Si Vj lang naman ang nakita ko habang inaamoy amoy si Ate! Hindi ako nakagalaw nung mga oras na yon kaya pumikit na lang ulit ako. Pero ilang saglit pa lang ramdam kong ako naman yung inamoy amoy niya, hindi na lang ako gumalaw. Sa awa ng Diyos wala namang nangyareng masama samen ni Ate nung gabing yon.
Kinabukasan agad kong kwinento yung nangyari kagabe kila Mommy, Tita Rolie, at Inay. Takot na takot si Tita Rolie habang kinukwento ko yon pati si Ate na tulog na tulog at hindi nakita ang actual na nangyare eh halos mahimatay na. Pano pa kaya kung nakita niya mismo yon.
Sinabi ni Inay na ito na nga daw siguro yung tamang araw para mawala na ang kung ano mang meron kay Vj. Kaya kinagabihan non pinatawag niya kameng lahat kasama si Vj pati yung iba nameng mga tito at tita. Sa sala nakapalibot kame, si Inay at si Vj eh magkaharap at magkalapit. Nasa may table na maliit yung mga gamit ni Inay daw yon pag may ""isho-shocking"" (Way daw yon ng panggagamot ni Inay ng may sapi sabe saken nung isa kong tita) siya. Meron don eh krus na maliit, book na ang cover eh parang mukhang may nakabuhol na rosary sa leeg tapos yung gilid gilid nung book cover parang sunog sunog na. May mga nakasulat na latin words ata yon na parang pabaliktad na ewan, may dalawang piraso ng posporo, at may batya ng mainit na tubig. Biglang nagsalita si Inay, tinanong si Vj kung meron daw ba siyang nararamdaman ngayon.
""Ah wala ho, medyo nahihilo-hilo lang ako bigla, nalipasan lang siguro ng gutom."" Sagot ni Vj
""Osya iho, pumikit ka lang.""
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree