Hi! Conchita here and this is a case I did on my own, dahil na rin nasa province ako.
Pagdating namin ang daming handa na food courtesy of my mom's cousins. Ang tagal na din kasi nung huling uwi kaya ayon ang saya, bibisitahin namin kasi ang puntod ng iba naming kamag anak doon at magbakasyon na din.
Kabilaan ang kwento ng nakakatawang experiences at nung mga nakakatakot, dahil na din sa mga naexperience ko ang dami kong nashare sa mga pinsan ko.Kinabukasan non namili na yung mga tiyahin ko kasama ang mudra ko at ang aking ama, sama sama sila namili sa palengke at bibili din ng mga kandila para sa mga puntod. Naiwan kaming magpipinsan sa bahay, sa magpipinsan na nandoon tatlo kaming matanda si Ate Stella, Kuya Joel at ako, at pitong mas nakababata. Pero sa mga bata ang pinaka ugat nitong case na to ay si Grace, 15 yrs. old siya non. Mahilig sya mag explore lalo na sa likod kung nasaan ang madaming puno ng buko. Nagtataka kaming tatlong matatanda nung lumabas siya na may bitbit na dalawang steel hanger. Tinanong siya ni Ate Stella kung saan siya pupunta. Sagot naman niya sa likod daw maglalaro, kami naman okay lang kasi nag uusap kaming tatlo sa kung ano anong bagay.
Maya maya pa umalis si Ate Stella kasi pinapasunod siya ni tita sa palengke so gumora na siya, habang si Kuya Joel naman tinignan kung ano ang ginagawa ng mga bata sa labas. So ako naiwan lang sa loob, at text text. Maya maya yung mga bata tinawag ako, sabi nila may nangyayari daw kay Grace kaya napatayo ako at sinundan ko yung dalawang bata. Nakita ko si Kuya Joel, namumutla kasi si Grace, nanginginig at sumisigaw na garalgal. Nakita ko yung hanger na hawak niya naka curve na, na parang dowsing rod! Sabi ko kay Kuya Joel na ipasok agad si Grace at huwag na huwag niyang tatanggalin yung hawak hawak ni Grace! So ayun takbuhan kami papasok ng house, hiniga ni Kuya Joel si Grace sa sofa. Dali dali kong kinuha yung vile ng holy water ko sa bag at binuhos ko yun sa mga palad niya, doon niya nabitawan yung hanger.
After ilang mins. nagkamalay si Grace, pinainom ko ng tubig at tinanong ko siya kung saan niya nakuha yung idea na gawin yun? Paliwanag niya na nakita daw niya yun sa isang program sa tv nung naggoghost hunting yung isang babae. Kasi daw ganun ang gamit kaya ginaya niya at gusto din niya yung mag investigate, tsaka ko sa kaniya pinaliwanag na ang dowsing rod ay gamit sa pagtukoy ng magnetic field na parang sa magnetic compass. Pero aside from it pwede rin itong way para mapossess ka, pinayo ko sa kaniya na bago siya gumaya sa mga napapanood niya ay dapat magbasa muna siya tungkol rito. Mga 2:00 pm na nung nakabalik ang mga parents ko at sinabi namin sa kanila ang nangyari at pinagalitan si Grace. Kinagabihan kinausap ko si Grace at tinanong ko kung ano ang nakita niya. Sabi ni Grace umiikot yung dowsing rod nang mapansin na umiinit daw yung hawak niya. And then may kakaiba daw siyang nakita, mga anino na nagtatago sa likod ng mga puno, mga anino na walang mukha. Pero may lumapit sa kaniyang isa at nakita daw niya ang mukha. Sabi niya sa akin ay hindi daw ito tao, tumayo siya at pilit akong dinadala sa likod ng bahay nila at hinarap ako sa pader sabay turo sa itaas ng pader. Sabi niya sa akin "Ayan kuya, ayan yung itsura niya". Nang makita ko yung tinuturo niya, nanlamig ako dahil hindi nga tao iyon.
End of Case 4
PS. Dahil sa sarili kong case, walang restriction sa pagshare ko nitong picture sa pader kinaumagahan after nung incident. And sorry kung medyo natagalan, hinanap ko pa ito sa email ko. Yan ang gustong sumapi kay Grace... Good night!
Conchitabonfire
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree