Kapanahunang wala pang kuryente dito sa amin sa Nueva Vizcaya.
Dahil nga pag school days ay nagiging bahay ampunan ang bahay namin dahil sa punong-puno kaming magpipinsan na natutulog dito. Kaya madalas rin sa unang kwarto kami natutulog, kasi un ang pinakamaluwang na kwarto. Wala ung parents ko na dapat kasama namin so ang kasama lang namin is ung Tita ko na madalas na sa pangalawang kwarto kasi ka-skype niya ang boyfriend niya.
Hila-hila rin namin ung Tito ko na mahilig magkwento ng aswang or kung ano-ano. True to life story pa, which is dito mismo sa barangay namin nangyari.
'Kabaong'
Alas otso ng gabi, madalas ay madilim na ang paligid, dahil nga sa walang kuryente noon, at malayo pa ang tindahan kailangan pang lakarin papuntang kabilang purok ng barangay. ni Tita Ana na inutusan bumili ng mantika para may pangluto bukas ng umaga ng pang-almusal.
Nang pauwi na siya, tanging hawak niya lang ay isang bote ng mantika at ung kingke na uso pa nuon na pang-ilaw. Bago ka makapasok sa purok namin ay may madadaanan kang puno ng mangga. Nang naglalakad si Tita Ana pauwi sa bahay nila ay may narinig siyang kaluskos ng gulong ng pang-opisinang upuan (Yung gulong na maliliit). Nang tumapat siya sa puno ng mangga ay laking gulat niya nang makakita siya ng kabaong na kulay puti. Mariin siyang pumikit, at nagmulat muli pero totoong kabaong ang kaniyang nasa harapan. Wala siyang ginawa kung hindi tumakbo, at habang tumatakbo si Tita Ana ay naririnig niya rin ang gulong ng kabaong na humahabol sa kaniyang likod. Nadapa't nahulog ang hawak na mantika ni Tita Ana maski ang kaniyang ilaw. Sa sobrang takot ni Tita Ana ay hindi niya inalintana kung mayroon siyang sugat sa paa o gasgas sa paa. Buti nalang ay nang sa bandang may tao na si Tita Ana ay nawala na ang humahabol na kabaong sa kaniya.
Nang tanungin siya ng mama niya kung nasan ang mantika ay kwinento niya na ang nangyari.
Nasa 30's na ang tita ko na yun ngayon, pinapakita niya lagi saamin ung mga peklat na nakuha niya noon.
-
Haunted house
2012 lang 'to nangyari. Sa harap mismo ng bahay namin, may malaking bahay na pagmamay-ari ng isang engineer, simula ng namatay ang lola nila ay wala na rong tumira. Pero sinubukan nilang maghanap ng caretaker para mapanatiling malinis sa loob. Nakahanap sila, which is kapitbahay rin namin na mag-asawa.
First scene, May aso kasi ron na dati pang nakatira, matapang at nangangagat, pero kilala niya ung mag-asawang caretaker kaya hindi sila kinakagat ng aso. Pero linggo 'non naalala ko kung paano nila pinatay ung aso harap harapan sa amin, sinaniban kasi ung aso kaya nakagat ung babaeng caretaker ng bahay. Ul*l na ul*l ung aso, umaalulong ng umaalulong, ung mga mata'y nanlilisik na parang gusto kaming mamatay lahat na nandun. Sobra kung gumalaw, umiikot-ikot pa ung ulo. Literal, na umikot. Simula non ay hindi na tumira ang mag-asawang care taker 'non pero naglilinis lang.
Second scene, nasiraan sila ng tubo nung oras na yun kaya nagpatawag sila ng tubero. Inaayos nila ang bahay dahil darating si engineer galing ibang bansa, naging haunted kasi ang bahay na yun, walang kuryente dahil wala din lang gumagamit. Nang biglang magpaalam ang babaeng caretaker na kukuha muna siya ng meryenda para sa tubero. Nang makaalis ung babaeng caretaker, ay naiwan mag-isa ung tubero.
Nang marinig niyang may humahagikgik na mga bata sa loob ng kwarto, at rinig na rinig niya ang kutson na pinagtatalunan nito. Hindi niya na inalintana dahil ang alam ng tubero ay nariyan ang mga anak ng engineer na naglalaro sa kwarto.
Nang bumalik ang caretaker tinanong niya na kung nandiyan ang mga anak ng may-ari ng bahay dahil may naririnig siyang naglalaro. Hindi nakaimik ang caretaker dahil alam niya sa sarili niyang wala. Nagtaka naman ang tubero sa inasal ng caretaker, nang bigla nilang marinig ang TV na nagbukas sa sala ng bahay. Dahil sa kilabot ay nagtakbuhan silang dalawa palabas ng bahay.
-
White lady
Dahil sa mainom ang kapitbahay naming lalaki sa kalsada ay magdamag na silang nag iinuman, sa harap ng haunted house sa gilid ng bahay namin.
Nang malapit na ang alas dose ay halos nakatulog na lahat ng kasamang nag iinuman ni tito ko, kaya napagdesisyunan niyang pumasok ng bahay. Pasuray suray ung tito ko na maglakad non, nang bigla niyang maamoy ang mahalimuyak na bulaklak.
Dinaig pa ni tito ko ang kahoy dahil nanigas daw siya nang dumaan ang nakaputing babae, wala raw itong mukha, sinundan ng tingin ni tito ko kung saan pupunta ito pero nagulat siyang dumaan ito sa pader.
Simula non ay hindi na nainom tito ko sa labas, laging dala ang red horse sa loob ng bahay maski mga barkada niyang lalaki dala dala niya sa loob ng bahay nila.
-
Nang matapos kaming kwentuhan ni tito ko ay bigla na lang nagtatakbo ang tita ko at kumakatok ng malakas sa pinto, dahil nakalock kami ay binuksan namin ito. Hinihingal ito at biglang sumalampak ng padapa sa kama. Ang dami naming magpipinsan non pero nagyayakapan kami sa gilid. Sa sobrang dami namin halos magsipaan kami. Naipit pa ako noon.
Nang tinanong namin ung tita namin ay ang sabi niya ay nakita niya sa garden ng kabilang bahay si Lolo ko na kakamatay lang. Hilig kasi niya na laging may pinapala sa garden. Hinhingal si tita ko non, kitang kita niya raw si Lolo ko na may pinapala, likod raw ng lolo ko at nakasumbrero raw siya.
Imposibleng tao yon kasi alas nuebe na ng gabi nong nagkwekwentuhan kami ng multo. Halos lahat kaming magpipinsan ay nagsiksikan sa isang kama, habang ung mga maliliit namin na pinsan ay nakipagsiksikan naman sa tito ko na nasa double deck.
*Madami pang stories na kwinento si tito ko, kwekwento ko next time. Natatakot na ako, andito pa man din ako sa terrace, kitang kita ko ung haunted house. Huhu*
ElleBiiii
NUEVA VIZCAYA
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
KorkuThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree