I really want to share this story of mine. May hindi ako maintindihan sa nakaraan ko. Sino ba talaga ko? Parang may mali sa lahat.
1st encounter
Nung 5 yrs old ako, hindi ko kilala kung sino parents ko. Basta ang alam ko all I need is my yaya. May bago akong couch that time yung pambata. Bigay daw ng parents ko. Na hindi ko naman kilala pa. Sa sala ko natulog, madaling araw siguro yun nang magising ako. May babaeng nakatayo, suddenly niyakap ko siya, hindi ko nakikita yung mukha pero parang nakilala ko na siya. Tinulak niya ko tapos naging bata siya. Umiyak ako sa takot, para kong nakalagay sa ref. Kasi di ko magalaw katawan ko. Nagising yung yaya ko tapos sinabi ko yung nakita ko. Nilipat niya ulit ako sa kwarto. Akala ko tapos na pero hindi pa pala. 2 days after nung nakita ko, nakulong ako sa cr for 6 hrs. Nandun yung batang babae. Galit siya, tinulak niya ko. Natakot ako sa sinabi niya "Ikaw yung dahilan bakit ako namatay" mga salita na di ko naman naiintindihan dati. Hanggang mag 9 yrsold ako. Kinuha na ko ng daddy ko at nameet ko family ko tapos hindi na ulit nangyari yugn naexperience ko. Akala ko tapos na hanggang nakalimutan ko siya.13 years old ako nun, birthday ko that time at nasa baguio kami. Up and down yung narent namin na bahay. Saturday ng umaga may kumatok sa bintana ko. Batang babae, pinipilit niyang buksan ko yung pinto ng kwarto kahit nasa labas siya. Sa sobrang antok ko hindi ako nagreklamo. Nung akma sanang bubuksan ko yung pinto, naisip ko yung kwarto ko nasa 2nd floor ng bahay at tapat ng parang bangin. Paano siya napunta ng bintana? Sa takot ko bumalik ako sa kama, wala na rin yung bata. Hindi ko sinabi kahit kanino yung nakita ko. Kasi akala ko hindi na ulit mangyayari.
NGAYON college na ko. MAS nakakatakot na mga nangyayari sakin. Every 2am or 3am nagigising ako kasi sa panaginip na naguguluhan ako. Batang babae umiiyak. Galit at kilala niya ko. Isa lang yung sinasabi niya "Ikaw ang may kasalanan bakit ako namatay" hindi ko maintindihan, hindi ko siya matandaan. Hindi ko din alam kung bakit ako sinisisi niya. Sinubukan ko itanong sa family ko, ayaw nila kong sagutin. Lalo na daddy ko, nagagalit siya. Sabi niya wag ko na daw alamin.
Last week foundation week ng university na pinapasukan ko. Nagpakita yung bata, nakatitig lang siya at galit. Hanggang may parang humawak sakin na mainit. Paglingon ko wala na yung bata. Nagyaya na kong umuwi. Nagulat ako sa sabi ng bestfriend ko, may pasa ako sa braso. Pag uwi ko nagdecide ako puntahan yung mini office ng dad ko sa bahay. Wala naman tao, yung kasambahay lang namin. Niyaya ko yung barkada ko tumambay. Low battery yung phone ko. Ikakabit ko sana yung charger nang may napansin ako, lumang box. Binuksan ko, may mga old pictures. May nakita kong picture ng batang nakasuot ng white dress, sa likod nakalagay yung pangalan niya M**** L****. Tapos yung school at date ng 1st communion. Kapangalan ko siya. Bagay na ikinalito ko, kung ano ba siya sa pamilya ko.
Sino ba talaga siya? Siya ba yung bata sa panaginip ko? Sino ba talaga ko? Bakit hiniwalay ako sa pamilya ko nung bata pa ko? Hindi ko talaga matandaan na nakilala ko yung batang yun. This time hinihintay ko na lang yung Daddy ko umuwi. Gusto ko malaman yung totoo. Maybe hanggang dito na lang muna mashashare ko. Kung sino yung bata, ishashare ko ulit. Thank you.
P.S. December 15, 2014. 5:40am nung nagstart ako imessage tong kwento pero 10x siyang nabubura. Parang ayaw talaga masend. Naghang yung phone ko tapos nawalan ng connection. Hanggang magdeactivate ang facebook account ko for 2 months. Nakakapagtaka hindi ba? Btw. Thanks again.
LittleRedRidingHood
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree