Hi po! Mga Spookifiers ishare ko lang yung mga cases ko of the paranormal. Sorry medyo ewan lang yung kukwento ko kasi eto yung first na nahandle kong case... Fyi bakla ako!
Way back 2007 bago magstart ang first sem, ang friend kong si Jigz (ghurl to ha!) ininvite niya ako sa gagawin nilang investigation sa cavite to be exact. Kasi yung isang nilang kaibigan na psychic nag backout sa gig, tinanong niya ako kung pwede ako. Sabi ko naman sa kanya baka wala din akong magawa doon because tarrot reader lang ako at hindi ko pa nahohone yung ability na yun. Pero ang nasabi nalang niya na don't worry malalaman ko na lang daw sa meeting kung bakit. So ayun nga two days later pumunta ako sa kanila sa may fairview at pinakilala niya ako sa mga makakasama namin. Madami kami, mga pitong tao at may kung ano anong mga gadgets sa lamesa. May emf reader at mga camera basta ayun, nung time na naglabas na ng folder yung isa nilang kasama lahat sila tumahimik. Ako naman naaamaze sa kung papaano nila talagang ihandle ang tinatawag nilang "GIG"/ Parang... May ililigtas kami na isang hostage! Kasi yung level ng mga mukha nila eh sumasamting na talagang seryoso!
So nakinig na ako. Siniscuss sa amin yung mga set up nung camera at yung mga rounds na gagawin namin and since na bago daw ako, I should stick with Jigz at si kuyang malaking mama, si Monmon. Kaya daw medyo maselan yung gagawin kasi may gamit daw doon sa bahay na yun na pinamamahayan daw ng hindi pa matukoy na nilalang kaya daw mag ingat daw kami. So POT#%^* sa lahat ng kasama ako lang ang bago! Like a virgin! Kinausap ko si Jigz, eto pag uusap namin.
Me: Bakla ano to papupuntahin mo ako sa kuta ng maligno na ang dala ko lang eh barahang gamit ko sa panghuhula?
Jigz: wWala ka naman gagawin eh. Magreread ka lang sa may vacant room sa second floor, tignan mo kung anong makikita mo.
Me: Teh nakikita ko na!
Jigz: Ha? Anong nakikita mo?
Me: Na naghahabilin na ako sa nanay ko dahil mamamatay ako sa first and last kong paranormal investigation.
Jigz: Wag kang OA bakla!
Me: Bakla nga ako! Ano pa gusto mo?
And then ayun na pumunta na kami ng bacoor that very same day. Pero bago nun nagstop muna kami sa quiapo church para humingi ng gabay at protection at bumili na din ako doon ng incense stick at candila. Then tumulak na kami pa cavite, lahat kami sa loob ng van hindi maipinta yung mga mukha. Narating namin yung place at friends as in naloka ako! Nag iisa ang bahay sa gitna ng dalawang malaking bakanteng lote, iba ang aura nung house! Kinatok na ni Monmon (Yung malaking mama sa grupo namin) yung bahay. Pinapasok naman kami nung dalawang caretaker nung bahay (Yung bahay may kalakihan din, two storey; hapon kami nakarating mga 3pm). Tinanong ni Monmon kung saan pwede i-set yung mga camera at ako naman ay sinabihan ni Jigz na bumalik sa van at ilatag ko na ang mga baraha ko. Tignan ko daw kung may mapipick up ako. So sila nag aayos ng mga camera, ako naman nasa van nagbabasa ng mga cards.. .
And something did happen. Unang spread ko ng baraha nilista ko sa notebook ang mga lumabas, scythe, cross, house, sun, man, woman... So okay naman though sa reading ko nagkaroon ng infidelity yung lalaki at now yung property is now in dispute kaya hindi mamove yung property. Then binalasa ko ulit yung cards ko three times, sa pangalawang spread andun ulit yung cross, man, woman and scythe. Nagpatuloy silang lumalabas hanggang sa pang apat na reading ko na hindi normal na nagaganap sa mga readings ko. Kaya medyo na freak out ako kaya tinigil ko na yung pagreread kasi ginigiit na ipinapakita nung cards yung infidelity nung lalaki. Pagbaba ko hinanap ko si Jigz at nagpasama ako doon sa caretaker. Si ateng caretaker ang naabutan namin nun sa may kitchen then kinuwento ko yung mga readings ko, at confirmed nga. Nagkaroon daw ng ibang babae yung amo nila kaya naghiwalay siya at ang misis niya. Kaso yung bahay na iyon ay pagmamay-ari ng ina ng babae na inaareglo pa sa court kung kanino daw mapupunta (Not an expert on law, eto lang ang nasabi nung caretaker).
Kinilabutan ako nung time na yun kasi ilang beses siyang lumabas, after that nilibot na ako ni Jigz sa bahay. Okay naman sa baba kung nasaan ang kusina, living room at yung kwarto ng mga caretaker. Pero sa second floor doon ako nakaramdam ng hindi maganda. Habang umaakyat kami ni Jigz may binabanggit siya every step sa hagdanan, yung title ata ng pelikula dati, yung oro plata mata. Pagkadating namin sa second floor nagtapos siya sa oro, hindi ko na siya tinanong kung ano yun dahil na rin sa bigat na sumalubong sa akin na para bang maa-out balance ka sa bigat. "Jigz ang bigat sa pakiramdam dito!" Nasabi ko kay Jigz pero forward pa din kami sa pag ilibot hanggang makapasok kami sa masters bedroom. Doon ko nakita yung aparador, antigo at may kakaibang amoy ito. Napatakip ako ng ilong nang time na yon at napatakbo akong bumaba sa first floor. Hinanap ko si Monmon, sabi ko kay Mon na hindi na natin kailangan tukuyin kung ano iyong elemento na hinahanap nila dahil alam ko na kung ano iyon.
Tinignan nila ako that time pero sinabi ko na rin kung ano ito, isang demonyo dahil naranasan ko ng makaamoy nito dati sa baul ng lolo ko. Ang baul na iyon ng lolo ko ay galing pa sa kaniyang lolo sa china na may alam sa panggagamot. Kaya niya nakilala ang lola ko dahil na rin sa negosyo na namana ng lolo ko, ang pagbebenta ng mga halamang gamot parang apothecary. Noong buhay pa siya, bata pa ako noon, naalala ko yung binuksan ko ang baul niya kakaiba yung amoy nito at puro bote na may lamang mga insekto sa loob. Pero yung amoy niya parang sinusunog na karne at balat. Sinabihan ako ng lolo ko na wag ko daw galawin or buksan ang mga bote dahil daw may lalabas doon at kailangan daw pakainin. Nung lumaki laki ako nalaman ko sa lola ko na mga demonyo pala ang laman ng bote. Kaya ipinabaon yung baul na yun nang mamatay siya.
Kaya nagpack-up kami agad nung time na yun at pinayo ko nalang na ibaon ang aparador na iyon. At wag ng tangkaing buksan at kalkalin.
End of case one
P.S. Yung amoy na yun mahahalintulad mo sa pinritong baboy na walang garlic at sibuyas na hinayaan lang matusta hanggang masunog...
ConchitaBonfire
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree