Untitled Aswang Story

403 2 0
                                    


Sana maipost po ito.. Nangyari po to nung 1st year college ako 2013 pabakasyon na

Ito po yung sa mama ko mismo at kahit ako nasaksihan ko yun kasi ako nag aalaga sa kanya nun.. Nabuntis mama ko nung 17 yrs old ako tas nakunan sya nung saktong araw na pauwi na ko galing naval taga so. Leyte kasi talaga kami kaya ayun nasa van ako nun biglang text ni mama " nak bilisan mo dinudugo ako' kinabahan ako tas yun pagdating ko nakahiga si mama tas nandun yung midwife sabi spotting daw tas may buo buong dugo kaya pag kinabukasan di pa daw nawala punta na kami ospital.. Pag alis ng midwife tinanong ko si mama
A: anyari ma?
S: naaswang ata ako nak yung kapitbahay nating matanda kasi di naman nagpapapansin sa akin yan dati pero paran simula nung nabuntis ako lagi ng nakangiti sa akin tas panay na ang alok ng pagkain..

So ako may agam agam kasi di pa ko naniniwala sa mga aswang nun ehh pero yung nanay nung matanda na yun pinaratangan ng aswang dati 70yrs ba naman pumasok ng kagubatan ng 6 ng gabi eh para manguha lang ng panggatong tas walang ilaw na dala di ka ba magdududa tas pansin ko naman sa matanda na yun harap lang kasi namin yung likod bahay nila sa gabi naman biglang dumadami pusa lalo na pag nagtatawag sya mga 20 ata isang tawagan nya lang san kaya galing yun.. Tas ayun na nga tinanong ko si mama..
A: tinanggap mo yung mga pagkain?
S: oo pero tinatapon ko pero kahapon ewan ko ba gustong gusto ko kumain ng pritong talong tas inalok nya ko kaya bumili ako nawala sa isip ko yung pag iilag ko sa kanya tas ang laki ng ngiti nya..lagi yan sya dito pumupunta ehh makikipagusap lang tas kinakabahan ako isang beses biglang pumasok yan nasa lababo ako tumapat sya sa akin..
A: yaan mo na sana di ka nakunan..

Kinabukasan nakunan nga si mama ta naraspa since public yung ospital andun kami sa room kung saan may mga nanganak na tas mangangak pa lang.. May isang babae na naman dun sobrang weird nya kakapanganak nya pa lang pero ayaw ipahawak sa kanya ng asawa nya yung anak nila.. Tas may lisik yung tingin nya pero ilag pag tinitignan namin tas panay kwento nya kay mama sabi nya aswang daw sya kami naman ni mam buang ata to ehh.. Di aswang kaso sabi nya tinaniman daw ng byanan nya yung bahay nila ng langis "lana" tawag sa amin parang katas ng latik na may dasal tas kumukulo bigla pag may aswang di rin gusto ng aswang yun.. Sabi.. Tas may pumasok na manganganak nun dun kami kinabahan kasi kambal yung pinagbubuntis tas panay ang hawak nya tas parang natatakam yung itsura nya.. Ang laki kasi ng tyan..kay mama panay pa rin kwento nya tas tapik napansin ko pag tumatapik yun babawi din si mama ng tapik hanggang sa pauwi na kami ni mama tumapik sya tas sabi nya cge te ingat ka tas ngumiti.. Nung nakasakay na kami ni mama sabi ni mama pauwi sabi ni mama " di ako nakaganti ng tapik ah" tanong ko naman " bakit ba panay tapikan nyo nun?" paliwanag nya sa akin kailangan daw pag di mo kilala tas tumapik sayo tapikin mo din sya ganti para yung sumpa bumalik sa kanya kasi kung di mambabarang baka nga aswang yun at nanghahawa sila gamit yung tapik sa mambabarang naman pag tinapik ka malamang mamatay ka tawag dun sa amin "hiloan" minsan sa pagkain o tubig din na inooffer nila kaya ingat din sa pamimista.. So ayun nung nakauwi n kami lagi napapanaginipan ni mama yung babae na nakatayo daw sa labas ng bintana tas huli sa paanan nya nung hapon kinabukasan kinwento nya sa akin yung panaginip nya tas kinuha nya daw yung rosaryo na nilublob pa sa holy wate galing sa rome bigay ng tita ko na makadyos sa london nakatira pero naiimbitaha sila sa misa ni santo papa divine mercy kasi yung congregation nila.. Tas pinakuha na nga ni mama sa aki yung rosaryo tas nung inabot ko sa kanya inilagay nya sa ulo nya bigla syang dumighay nagtitigan kami kasi itim na usok yung lumabas s bibig nya.. Kaya tinawag ko yung kapit bahay na barkada nya tas simula nun lagi ny dala dala yung rosaryo.. Wala na rin sa panaginip nya yung babae nakontra ata kaya lumabas yung sumpa..
Paulo Godinez
Paulo
Sana po title ehh "TAKOD (hawa sa tagalog)"

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon