Ang pagsubok na nakakatakot (Part 10)

180 1 0
                                    


Kumusta mga kaSpookify, Bago ko simulan ang Karugtong Magpapasalamat lang ako Unang una dito sa Admin ng Spookify, Sa mga Readers na NagHihintay na mabasa ang mga Bahagi ng aking kwento. Ginawan pa talaga ako ng Fans Club, Anyways Thank you ulit sa inyong Lahat. Simulan na natin ang Kwento baka Mabitin na naman kayo.
Matapos ang mga pangyayari nong gabi na yun, Hindi ko matangal ang mga Katanongan sa isip ko na Paano kung ako yong Nahawakan ng Babaeng Alagad ni satanas? Paano kung pareho kami ni buddy ang Nabiktima? Sino ang Tutulong, si erwin o si Moi? si partner o kaya sina karla at tina o kaya si mama? eh anong kakayahan nila. Umuwi kaming balisa ang aking isip, Maayos din kaming nakaUwi sa bahay nong gabing yun.
[fastForward]
Pagka Umaga non nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap ni buddy At sinabi ko sa kanya ang Mga boung pangyayari, Sinabi rin niya sa akin na Ang huli niyang natatandaan na habang naglalakad at palingon lingon para mahanap namin ang pamilyang namamasyal sa perya. May Humahawak daw sa braso niya pagLingon niya isang babae daw humawak sa kanya, wala na siyang naaalala kung anong sunod nangyari. Takot ang nakita ko sa mukha ni buddy ng malaman niya ang kababalaghan lalo nat pati si moi ay Nadamay rin. Matapos kami mag kausap ni buddy Umalis na siya para kumuha na ng Tuba (lambanog para maibenta niya). Nong magtatanghali na noon nasa sala ako si partner at sina mama, karla at moi nanonood kami ng Tv ng may Naghahanap kay mama na mag iina. Lumabas si mama para kausapin yong naghahanap sa kanya, Kapitbahay lang din yon Narinig namin na nagpapatulog kay mama yong ina na may dalang Batang lalaki na maghanap daw ng magaling na Albularyo dahil naghinala sila na naEngkanto daw yong anak niyang lalaki. Syempre Lumabas rin kami para tingnan yong Bata, mangiyak-ngiyak ang ina nito na nagpapatulong kay mama. Nakita namin ang batang lalaki na Sugat sugat na parang Kinalmot yong binti hanggang paa, Kamay at braso, leeg at mukha. Mapotla na ang hitsura ng bata at Nanghihina na ito. limang araw na daw na ganun yon, dinala na daw nila ito sa Hospital pero Walang makita ang doctor na problema kaya niresetahan nalang daw nila ito ng para sa allergy. minamasdan ko ang galaw ng bata at alam kung may kakaiba talaga dito. Namimilipit ito sa sakit at lagi lang nakahawak sa damit ng mama niya. Halatang may kinatatakotan ang Bata, Tinanong siya nina partner at nina moi, Hindi ito kumikibo maririnig mo lang sa kanya ang Pag aray niya na nasasaktan talaga. Habang minamasdan ko ang bata ay parang kinokorot ang puso ko na naawa sa kanya, kaya Nilapitan ko lang ito at tiningnan ang kanyang mga sugat. Mabibigla kayo sa eksenang ito dahil kahit ako ay biglang kinabahan. " May kasalanan ka noh? Tinamaan mo kasi siya." sabi ko sa bata. "Oo kumuha ako ng bunga santol, hindi ko inakyat ang puno Binato ko lang para mahulog yong santol." Sagot ng bata. Nagulat ang lahat ng marinig na nagsalita ang bata, Hindi rin niya kasi ito sinabi sa mama niya dahil natatakot siya kasi alam niyang nasa paligid lang ang may gawa ng pagpaparusa sa kanya. Alam kong sumagot lang ang bata sa akin dahil nalaman ko yong totoong nangyari sa kanya. "Galit na galit ang elementong may gawa sayo nito.." sabi ko sa bata. "Natatakot ako sa hitsura niya, Maitim na mabalahibo, Matangkad, at matatalas ang koko sa kamay Mapula ang mata, sinusundan ako lagi." sabi ng bata na umiiyak. "Ang tinutukoy mo ba ang nakikita ko ngayon, ayon siya oh nakatayo." sabay turo ko sa may puno ng Guyabano na nasa loob ng bakuran ng bahay. "hoy... lalo mo tinatakot yong bata.. anu pinagsasabi mo dyan." Saway ni partner sa akin na alam kong nabigla sa sinabi ko. "Oo siya nga lagi siya sumusunod" sabi ng bata nong ituro ko kasi ito Tiningnan din ng bata, Agad siya yumakap na sa mama niya. "oh di ba totoo yong sinasabi ko, Kanina ko pa napapansin yan pagdating niyo pa lang Parang anino lang na sumabay sa inyo yan." Natakot ang lahat sa sinabi ko dahil sinangAyonan ito ng Bata, si karla napatayo at lumapit kay partner tumabi ito sa kanya halatang natakot. "Albularyo na magaling ang kailangan niyo dyan ante." sabi ko sa mama niya. Kaya si mama pinuntahan na niya kaagad yong kakilala niyang albularyo habang ang mag iina ay naghintay na makabalik si mama. Marahil masasabi niyo na bakit hindi ko tinulongan ang bata at haharapin yong elementong may gawa nito sa kanya. Ayaw ko lang muna makiAlam kahit gustohin ko man siyang tulongan pero Hindi ko maari ipakita sa harap ng pamilya ni partner ang kakayahan ko. lalo na sa ina ng bata, Baka pag ginawa ko yun Kumalat pa ang balita. Tanging nilihim namin ni buddy ito, hindi ko nga sinasabi kay partner baka Magalit at matakot siya.Tama na yong Hinala nilang nakakakita ako ng mga kaluluwa at mga lamang lupa. Huwag lang malaman nila na kaya kong Labanan ang mga Alagad ng Dilim.
[FastForward]
Dumating yong Albularyo at sinimulang gamotin yong bata. Walang nagkwento sa albularyo tungkol sa nangyari. Nagulat ako pati ang bata dahil iba ang Sinabi ng Albularyo. Napagkatuwaan daw ito ng mga dwende, Kaya napatingin kami lahat sa isat isa. "Sure ho ba kayong mga dwende Talaga ang may gawa nito sa anak ko.?" tanong ng ina na halatang nagugulohan na. Sa isip isip ko Fake albularyo pala to May dwende ba na matangkad, mabalahibo, na parang Taong Onggoy talaga ang Hitsura? Hinayaan ko lang ang Albularyo sa mga ginawa niya ayoko mangiAlam baka mapahiya siya. Binulongan ako ng partner ko "Sino kaya sa inyo ang nagsasabi ng Totoo,?" kaya sinagot ko rin siya ng Pabulong "Nakita mo naman kanina ang reaction ng bata nong sinabi ko diba, Alam ko at ng bata kung anu Talaga ang Totoo. Pinausokan ng insenso ng albularyo ang bata At may dahon ng bayabas na pinakuluan, yong Tubig non nilagyan ng maligamgam na tubig at Pinahid sa mga sugat ng bata. Nasaktan yong bata at dinasalan ito ng albularyo. Habang ginagamot ng albularyo ang bata Umalis ako saglit nagpaalam na magyoyosi lang. Ang totoo nag hanap ako ng Halaman ng Toba-Toba, Kumuha ako ng Sanga nito. Bumalik ako sa bahay at nakita ko yong ginamit na pangUsok ng Albularyo, Patuloy sa pangagamot yong albularyo. Habang ako abala sa ginagawa kong pagpapausok ng sanga ng Toba-Toba dinasalan ko ito ng Latin at hinipan. Hindi nila napapansin yong ginagawa ko non dahil Fucos sila sa ginagawang pangagamot ng albularyo. Nag yoyosi lang ako non at hawak hawak ko ang Sanga na may ritwal. Hinintay ko magpakita yong Elementong nagparusa sa bata, nawala kasi ito simula nong magpausok ng insenso ang albularyo. ayaw na ayaw kasi nila ang amoy ng insenso at totoo talaga yan. Natapos na yong pangagamot ng Albularyo pero hindi pa ito umaalis. nakipagkwentohan pa kasi ito tungkol sa mga Naging pasyente niya dati na mga kinulam, NaEngkanto. Nasa labas pa rin ako , Dumating si buddy non At nagtanong kung anung nangyari nakita niya ang albularyo at yong kapitbahay nilang mag iina. Nang biglang Nagddeliryo ang bata, Nanginginig at nangisay ito, tumirik ang mata nito. Nagpanic sila lahat Umiyak yong ina nito na natatakot sa nangyari sa anak niya. tumulong si buddy at pinahawakan ng albularyo ang kamay ng bata. may Kinuha siyang Medalion yata niya yun nilagay niya ito sa tyan ng bata at dinasalan. Alam kong nagbalik ang elemento kaya nagkakaganon ang kawawang bata. Nagalit ako na naawa kaya habang abala sila sa bata. Hinanap ko kaagad ang elemento at Hindi nga ako nagkamali nasa labas ito ng Bintana nakasilip na Nanlilisik ang mata nito. Galit ito dahil sa usok ng insenso kanina kaya mas lalo niyang pinahirapan ang bata. Dahan dahan akong lumapit sa elementong yun. Hinampas ko sa elementong yun ang Hawak kong sanga ng Toba-Toba. nasaktan talaga siya, sa ulo ko talaga siya pinatamaan. Nagalit siya sa akin at aakma ng susugod pero Baka pa niya magawa ang gusto niyang gawin. Hinampas ko ulit na tinamaan ang dibdib niya, Lumabas si buddy dahil ok na daw ang bata pero nagulat siya sa nasaksihan niya na nakikipagToos na pala ako sa isang nakakatakot ang hitsura. "Huwag ka makialam May kasalanan ang bata kailangan niya Pagbayaran." Nagsalita ang Elementong may Malaking Boses. "Patawarin mo ang bata, Balak mo talagang patayin? Pag hindi mo ititigil ang ginagawa mo, mapipilitan kaming Lusubin ang Tinitirhan mong puno ng Santol. Lalagyan ko ng Harang para hindi ka na makalabas.." Pagbabanta ko sa elementong Nasasaktan sa ginawa kong paghampas sa kanya. "Tara putulin natin ang puno na tinitirahan niya," sabat ni buddy. Biglang sumilip si karla at partner sa bintana mula sa loob. "Sino kausap niyo dyan? ang iingay niyo nag aaway ba kayo?" Tanong ni partner. at dahil sa pag enterupt nila Nakatakas ang elemento. inis na inis ako dahil alam kong babalikan niya yong bata. Umuwi na ang albularyo at ang mag iina nong bumuti na ang kalagayan ng bata.
[fastForward]
Pagkabukas non Habang nagmemeryenda kami lahat ng partner ko at pamilya niya. dumating yong ina nong bata, Humihingal, Nagulat kami sa balita na Namatay daw ang anak niya. kaya agad agad kaming pumunta sa bahay nila Distancia lang naman kasi, Nakita namin Nakahiga sa banig na nilatag ang bata wala ng Buhay, umiiyak ang mga kapatid nito wala na kasi silang ama Hiwalay na sa ina nila. Lumapit ako sa bata at mainit pa ito ibig sabihin Kamamatay pa lang. Tinawagan nila ang Albularyong gumamot dito kasi nagbigay naman ng contact number yon. Agad agad akong Nagpaalam na uuwi muna at nagdahilan na i lolock ko ang bahay dahil iniwan namin itong bukas sa pagkakataranta kanina. Sumunod si buddy sa akin, at ng makarating kami ng bahay kinuha ko yong sanga na itinago ko sa sulok para hindi mahakbangan at kailangan hindi ito sumayad sa lupa mawawala kasi ang bisa nito. dinasalan ko ulit at hinipan ang sanga ng Toba-Toba. Sinabihan ko si buddy na isoot niya ang Kwentas na cross para protection. Kumuha ako ng asin at Abu sa kusina nilagay ko Sa papel at tinupi ko ito at inilagay ko sa Bulsa. Agad agad kaming Lumusob dun sa bukid at pinuntahan ang puno ng santol. Marami palang Puno ng Santol kaya natagalan kami sa paghanap nong tinitirhan mismo ng elemento. May napapansin kami na mga kakaibang mga elemento na naninirihan sa ibang puno. Nakatingin lang sila sa amin parang takot na sila at alam ang pakay namin ni buddy. Napansin kong may isang napigtas na tsinelas sa isang puno ng Santol wala itong pares. Naririnig din namin ni buddy ang isang boses ng bata sa mismong puno nito. at dahil nagduda na ako kinuha ko ang asin at Abu dinasalan at hinipan at nagpatulong ako kay buddy na ililibot namin sa puno ang abu at asin. Pagkatapos non Hinampas ko ang Puno ng Sanga ng Toba-Toba at Narinig namin ang Isang malaking boses na nasaktan sa ginawa kong paghampas. nagpakita ang Elemento na galit na Galit. "magbabayad kayo sa ginawa niyo pagparito at pananakit sa akin". sabi ng elemento, pero Hindi ko siya pinakingan at hinampas ko ulit ito ng Dalawang Beses na tumama sa katawan niya at braso. " ibalik mo ang Bata, Impakto ka Hindi ka na naawa Binalaan kita Hindi ka nakinig, tinakasan mo pa ako. Ngayon hindi ako titigil na saktan ka hanggat hindi mo ibinabalik ang bata." Galit na ako sa elemento dahil nagmamatigas talaga ito, tinangka niyang Lumapit pero hindi siya makalabas sa bilog na nilagay naming asin at abu na naka Paligid sa Puno. "Hindi ka Diyos kaya wala kang karapatan na kumuha ng Buhay, ibalik mo ang bata!" Sabay sunod sunod na paghampas ko. "ibabalik ko na bata, pakiUsap itigil niyo Masakit na.." Sabi ng elemento na Nasasaktan. nilabas ni buddy ang kwentas na cross niyang soot nakatago sa kwelyo ng tshirt niya, ginawa niya yun dahil lumabas ang mga iba pang mga elementong kasamahan yata niya para tulongan siya. pero bumalik ang mga ito ng inilabas na ni buddy ang kwentas. Nagpakita ang kaluluwa ng Bata mula doon sa puno ng Santol, umiiyak ito kaya sinabi kong "Bumalik ka na sa katawan mo Naghihintay ang mga kapatid at mama mo sayo." Pagkasabi ko non ay Agad na Naglaho ang bata, Nangako rin ang Elemento na hindi na niya gagambalain ang bata. basta tangalin lang namin ang Harang na nakapalibot sa puno na bahay niya. kaya tinangal namin ni buddy dahil nangako naman siya, Ang mga elemento kasi kapag oras na Gagawin talaga nila yun ay mangyayari. Kapag may gusto sila kukunin talaga nila. kapag nagkasala ka sa kanila paparusahan ka talaga. Ang Mga laman lupa o kayay mga elemento ay may kakayahang Kumuha ng Kaluluwa. Hindi sila diyos pero may kakayahan silang gumamit ng kapangyarihan ng Diablo. Mas mabisa ang Banal at Sagradong Dasal na Latin para Malabanan sila. Balik tayo sa istorya Tinuring ng Mga ina nong bata na Milagro yong nangyari sa anak niya dahil nabuhay ito Wala pa namang isang oras bago ito nalagotan ng hininga kaya pwde pang makabalik yong kaluluwa ng bata at isa pa Hindi Normal yong pagkawala ng Buhay ng bata, Kung Hindi namin inaksyonan yon para maibalik ang kaluluwa ng bata Matutuloyan yun. Pero kapag tinadhana talaga ng buhay na mamatay siyang ganun Wala na akong magagawa. Dahil yung baby ko dati namatay wala akong nagawa, kay kuya elyong din Wala akong nagawa. Hanggang doon lang talaga ang buhay nila. Kahit ako o kahit sino sa atin Pag oras na natin, Walang sinuman ang makakatakas at makakapigil sa mangyayari lalo na kung trahedya o malubhang karamdaman na ang nakatakda.
Abangan sa susunod na karugtong ng estorya, Nalalapit na ang Finale ng Storya.
Salamat at God bless sa atin Lahat. Lagi po kayong magdadasal,
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon