Medyo mahaba 'to so bear with me.
Year 2014, 4-5 months yata akong buntis sa panganay ko nung mangyari 'to. Nakatira kami sa isang apartment sa syudad. Nasa 3rd floor yung kwarto naming mag-asawa at may dalawa pang ibang kwarto. Nasa gitna yung room namin.
To give you a better picture of our set-up:
Yung katabing bahay namin, hanggang second floor lang kaya kung dudungaw ka sa bintana ng 3rd floor, kita mo yung bubong ng kapitbahay (May maiksing hallway sa pagitan ng mga kwarto at ng mga bintana). Magkatabi lang halos kaya kung may taong tatayo sa bubong, maaabot nya yung bintana namin.Dalawa lang kami ni hubby sa apartment. Pumapasok kami sa office at sabay na uuwi sa gabi. Ganun palagi ang routine. One time nauna ako kay hubby umuwi dahil kelangan nya mag-overtime. Past 6pm, paakyat na ko sa 3rd floor nung makarinig ako ng pusa.
Walang pusa sa apartment kase puro aso ang alaga ng landlady. At first deadma ako pero napapansin ko palaging nasa bubong yung pusa kapag gumagabi na.
3-4 days after, malalim na ang gabi nung narinig ko na naman yung pusa. This time mas malakas ang iyak nya pero alam mong nasa bubong sya. Distant kase yung tunog. After ilang minutes dinig ko na yung iyak nya sa hallway, sa tapat mismo ng kwarto namin. Imposibleng sa bintana sya makalusot dahil may grills yun at jalousy.
Kinabahan na ko nun at naramdaman kong malikot si baby sa tummy ko. Alam ko di na normal na pusa yun. Ginising ko si hubby at sinabihan ko sya na andyan na naman yung pusa. Pareho kaming nakikiramdam. Buti na lang gabi-gabi nagsasaboy ako ng asin or si hubby sa mga bintana at tapat ng pinto.
Tumigil yung ingay ng pusa pero nakarinig naman kami ng naglalakad sa labas. Tapos biglang nag-amoy malansa. Parang hasang ng isda yung amoy. Nakakakaba at nakakatakot pero deep inside I'm praying. Sabi ko kay hubby wag ng lumabas nung makita kong bubuksan nya yung pinto. Binuksan nya yung ilaw sa hallway (May switch kami sa loob ng room). Tapos nawala yung amoy at yung yabag.
Sa loob ng isang buwan paulit-ulit yun, Minsan naabutan ko pa yung pusang itim na yun sa labas ng bubong. Nakatitig sya palagi sa bintana namin. Ako naman magsasaboy ng asin. Nakakakilabot kase halos magsalita na yung pusa, Alam mo yung mga pusang nag-aaway? Ganun sya palagi mag-ingay.
Nung nag-7 months si baby nawala na yung pusa. Sabi kase ng matatanda 3-6 months mabango ang mga baby sa aswang. Sa mga preggy moms, effective ang pagsusuot ng itim na tshirt or tela sa tummy nyo before matulog.
Umalis na kami sa apartment na yun. Yung kabilang kwarto kasi namin na may malubhang sakit, namatay na. Inaaswang din nga pala ang mga may malubhang sakit. Baka nakuha na sya.
Cersei
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree