Can't help falling in love with you

453 7 0
                                    


Just to give you a heads-up, this story is not as creepy as you're expecting but hopefully ma-post pa din to.
April 9, 2015 when I finally said 'yes' to my boyfriend. Secret ang relationship namin kasi he was my supervisor and co-owner ang kuya ko sa company na pinapasukan namin. Every friday after shift umuuwi ako sa apartment nya until sunday evening. One day he asked me kung ano daw ang favorite song ko, sabi ko ung kanta ni Elvis Presley na 'Can't help falling in love with you'. He knows how to play guitar kaya inaral nyang tugtugin yun at dinownload nya pa yun sa celphone at ipod nya. Everyday na magkasama kami kahit sa office pinapatugtog nya ung favorite song ko sabay titingin saken at ngingiti, kinikilig pa din ako until now kapag naaalala ko yun. Gumawa din sya ng sarili nyang version ng kanta na yun using his guitar and he played it to me during our 6th monthsary. Pag magkasama kami sa apartment nya lagi nyang kinakanta pabulong saken ung favorite song ko na naging theme song na naming dalawa, he clearly loves me and I'm falling even more in love with him dahil sa kanta na un. Last April 8, 2016, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to. We celebrated our 1st anniversary-in-advance kasi may pasok sya kinabukasan kahit saturday. After ng date namin hinatid nya ko sa bahay at sabi ko mag iingat sya pag uwi. That night, kinakabahan ako. Parang may mali, something's bothering me but I feel relieved when I got a message from my bf telling me na he's already home and that he loves me so much. April 9, 7am nagising ako kasi feeling ko may humahaplos ng buhok ko, paglingon ko sa likod ko I saw my bf, nakayakap sya saken and he's humming my favorite song to my ear. I asked him kung pano sya nakapasok sa bahay namin but he just smiled at me. Tumayo sya sabi nya may regalo daw syang iniwan sa terrace ko. Dali dali akong tumayo at pumunta sa terrace and I saw his guitar and recorder. Pagbalik ko sa kwarto ko bigla syang nawala, inisip ko baka lumabas na sya and when I was about to leave my room, biglang nagring ang phone ko..it was my manager telling me na nag aagaw-buhay ang supervisor ko (bf ko) sa hospital. Nabangga daw sa puno ung sinasakyan nyang taxi, dead on arrival daw ung taxi driver at 50-50 naman ang bf ko. I ran off immediately sa hospital, nasa ICU na sya nung dumating ako at andun ung parents nya, and beside him was his iTouch at nagpplay dun ung favorite song ko. Sabi ng dad nya ni'request daw un ng bf ko naipatugtog during his operation and thank God dahil nagsuccess ang operation nya. 1week syang comatose at 1week din na paulit ulit kong pinapatugtog ang favorite song ko. Ung mga nurse at doctor na pumapasok sa kwarto ng bf ko ay na LSS na dahil paulit ulit ung kanta. It was April 20 nung Nalaman na sa company ung relationship namin. Maraming nag object at marami din nag agree, pero since bawal nga ung ganung set up namin dapat may isa samin na umalis kasi conflict of interest daw yun, so I made my decision to leave. That was also the day na nawala sya, I went to the hospital but it's too late. Nakatakip na ang buong katawan nya ng kumot and all I wanted to do is to be with him and just die right at that moment. The whole office went during his last wake and while I'm giving my last speech in front of them, biglang nagplay ang favorite song ko. And during his burial, parang may naririnig akong naggigitara ng favorite song ko pero wala namang may dalang gitara nun. I've decided not to leave the company since I think ung bf ko na ang nagpaubaya para hnd lang ako umalis sa work. 2months later and my chest still tighten at the thought of losing my boyfriend. Pero I know he's just around the corner, nakatingin saken, pinagmamasdan ako. Ung mga officemates ko at manager namin medyo natatakot na kasi there are times na kusang nagpplay ung favorite song ko sa server namin, minsan sa dvd player kahit walang cd. Minsan naman pag naiiwan ko ung phone ko bigla na lang daw tutugtog and sometimes may makikita silang anino na nakatabi daw saken. Hindi ako natatakot kasi boyfriend ko naman un and I know him full well. Until month of June, may nanligaw saken si Alex. Nasa ibang department sya kaya ok lang skanya na manligaw saken but I did not agree sabi ko mahal ko pa din ang bf ko at hnd ko sya kayang ipagpalit. Nirespeto ni alex ung desisyon ko at sabi nya hanggang friends na lang muna kami until naging close kami sa isat isa. During lunch sinasabayan nya ko, at napapadalas ung hatid sundo nya saken. At hindi ko namamalayan na unti unti ko ng nakakalimutan ung bf ko. Dumating na sa point na natatakot na ko kasi pag kasama ko si alex bigla na lang sumasama ang pakiramdam nya at may time pa na hindi na sya nakakapasok sa trabaho dahil mataas ang lagnat. Mas lalo akong natakot nung nag overtime ako sa office, around 9pm na un at kusang nagplay ung favorite song ko sa cp ko pero boses ngo ngo ang kumakanta at kakaiba ung background. Two days later nagresign si alex sa office kasi lagi na syang umaabsent dahil sa sakit na hindi maipaliwanag ng mga doctor. After that, super nakakatakot na ang naging experience ko kasi ung mga sumunod na nanligaw saken, nagkakasakit din, at lahat sila pareho ng sinasabi na parang may nakaakbay saken na lalake sa tuwing lumalabas kami para manuod ng sine or kumain sa labas. One time pa nung nakatulog ako sa office table ko nakita ng manager ko na parang may gumagalaw at naghahaplos ng buhok ko. Last thursday, dinalaw ko ang puntod ng bf ko at pagkaupo ko dun biglang nagplay ung favorite song ko sa cp ko, at this time maayos na ung tugtog nya. Dun umiyak ako ng sobra sobra. Nagpromise ako na hindi magpapaligaw sa iba kasi alam kong hindi pa sya ready na iwan ako ng tuluyan. At hindi pa rin naman ako ready magmahal ng iba kasi ikaw lang Kris ang mahal ko. Sana hindi mo ko iniwan ng ganito at sana lumaban ka pa at sana magkasama pa tayo ngayon.
Ms.V~  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon