ANSWER TO QUERIES: Sa mga nagtatanong kung ano nangyari sa baby after ng incident sa 1st part, okay naman po at nadeliver ng maayos si baby boy. And I'm a girl. May nagtanong kung ano pwedeng ipangontra, I would enumerate kung ano yung mga ginamit namin.
Dahon ng Badyang - Kamukha ng dahon ng gabi pero mas makati sa balat.
Dried Seahorse
Makabuhay - It looks like a vine na may maliliit na bukol-bukol
Kuko o sungay ng baka, pampausok (Goma will do too pero mas masakit sa ilong)
Punyal na tanso
Buntot pagi
Wear black clothing
Banaog, pampausok - It is a kind of coral so sa ilalim pa ng dagat nakukuha, and is very effective. Mabango sa tao, mabaho para sa aswang.
Native na luyaOkay, back to the story. Nangyari ito nung buntis pa rin si Ate Jel. As I mentioned in my previous post, ang bahay namin ay nasa harap na part ng compound and L shaped yung structure ng bahay namin. Sa mahabang part ay yung sala at kwarto, sa maiksing part naman ay yung kusina. Less than one meter lang ang pagitan ng bahay namin at bahay nila ate, so basically, halos dikit lang talaga. Kapag umakyat ka sa bubong ng sala, bintana na nila ate ang katapat noon. So, around 11 in the evening, nakadapa ako sa kama habang nagbabasa noong may nadinig akong lumagabog sa bubong ng kwarto ko. Wala kaming kisame kaya nakita kong nayupi yung yero na binagsakan pagtapos noon, din na siya uli gumalaw. After a few minutes, naramdaman kong naglalakad na siya papunta sa sala kung saan natutulog ang papa ko. Lumabas ako ng kwarto at ginising si papa, sinabi ko na may naglalakad sa bubong namin. Nakiramdam si papa pero yung naglalakad sa bubong, tumigil rin, parang pinakiramdaman niya rin kami. Tahimik lang kami then naglakad ulit siya papalapit sa part ng bubong namin na malapit sa bintana nila ate. Kumuha ng flashlight si papa at lumabas ng bahay para tingnan yung bubong pero wala kaming nakita. But still nadidinig namin yung naglalakad dahil sa pag ingay ng yero. Pumasok ako sa bahay para kumuha ng asin. Noong nasa loob na ako, nadinig ko na tumakbo yung nasa taas ng bubong so tumakbo rin ako palabas para habulin siya at kasunod ko si papa na galing sa bakuran namin. Yung takbo niya ay mula sa sala hanggang sa kusina bago siya tuluyang lumipad. Pagdating namin ni papa sa laundry area wala na siya. Ang nadinig nalang namin ay yung huni na 'kikikikik' galing sa kabilang lote na bakante. Nagsaboy nalang kami ng asin sa mga bubong. Ginawa pa niyang runway yung bubong namin.
ICE
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HororThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree