This happened a long time ago. I can't even remember kung high school ba ako o grade six nang mangyari to. I even forgot some of the details but I will try to remember, here is the story.
I was born and grew up in a small island (Which hindi ko na sasabihin ang pangalan kasi nagiging tourist spot na siya. Baka kasi makasama sa isla. Medyo nagiging kilala na kasi. Known siya as "The little boracay" or "The little Batanes of Visayas". Maybe some of the readers here knew the place).
Lumaki ako na naging kaugalian na ng mga matatanda ang paniniwala sa mga aswang, engkanto, manananggal, kapre, dwende, at kung ano ano pa. My grandpa (Mom's Dad) died when she was in high school so I never met him but they said na isa siyang kilalang manggagamot noong nabubuhay pa. Kaya naman kaming magpipinsan, busog kami sa mga kwentong kababalaghan galing sa lola namin that made us believe about other entities too.
I remembered before na iilan lang ang nakatira sa isla at halos karamihan ay magkakamag-anak pa. Nahahati ang isla sa tatlong sitio, at ang dulong sitio ay pinaniniwalaang pugad daw ng mga aswang. Pero kahit na marami ng kwento noon tungkol sa mga aswang o kapre o mananamggal ay hindi mapigilan ng mga magulang ang mga anak nila na maglaro sa gabi lalo na kapag kabilugan ng buwan. Dagdag pa na limitado lang ang kuryente sa isla at iilan lang ang may TV sa bahay. Kaya walang ibang mapaglibangan ang mga kabataan kundi ang maglaro kapag gabi (Which is good for us. I am so thankful na hindi pa uso ang gadgets that time). Isa kami noon sa mga mapalad na kayang bumili ng TV. Naalala ko rin ang unti-unting pagsulpot ng ibat-ibang relihiyon sa isla pero may isang relihiyon noon na sobrang nakakaagaw ng pansin ng karamihan. Ang ***** Faith. Kakaiba ang kanilang paniniwala. Iba din ang Diyos na pinaniniwalaan nila. May mga ilan noon na sumapi at nagpatattoo pa bilang simbolo ng kanilang pagtanggap sa nasabing relihiyon.
Papasok noon ang Halloween kaya uso na naman ang takutan at kung ano-anong mga binebentang laruan na may kinalaman sa paparating na undas. May maliit kaming tindahan noon na kapag hapon ay ako ang pinapabantay ng lola ko kapag gusto niyang maidlip muna. Nang hapon na ako ang nagbantay ay biglang sumulpot ang batang si Spen (not his real name) na bestfriend ng pinsan kong Si Noy. Sinubukan nya akong takutin ng dala niyang laruang ahas pero tinawanan ko lang. Never did I thought that, that would be the last time I'm going to see him alive and happy.
Ilang araw na noon na sunod-sunod ang mga kwento ng mga nakakatakot na nangyayari sa isla namin. May nakakita daw ng malaking baboy, may muntikan na daw na madagit ng malaking ibon. May nakakita daw ng santelmo. May naengkanto. May bahay na muntik ng mapasok ng aswang. Kaya madalas din kami noon pinapag-ingat ng mga nakakatanda. Lalo na kapag papagabi na.
Alas 8 ng gabi, habang wiling-wiling kami sa panunuod ng usong-uso noon na Rosalinda ay biglang kumatok sa pintuan namin ang Lola ni Spen at hinahanap ito. Tandang tanda ko na magkahalong pag-aalala at inis ang makikita mo sa mukha ng matanda. Maaga daw noon natulog si Spen pagkatapos ng hapunan katabi ang pinsan nitong dalaga. Pero nagising ng mga bandang alas otso para umihi. Hinatid daw ito ng lola nito sa pinto para paihiin, tumalikod lang daw saglit ang lola nito para kunin ang tsinelas na nasa likod lang nila. Pero nung pagharap niya ulit kay Spen ay wala na ang bata. Inisip daw nito na baka tumakbo si Spen papunta sa amin para manuod ng TV na lagi nitong ginagawa. Pero hindi nagawi si Spen sa bahay ng gabing yun. Tumalikod naman ang matanda para pumunta sa mga magulang ni Spen na malapit lang din sa amin, baka daw kasi umuwi ang bata sa mga magulang nito.
Hindi ko na maalala ang ibang pangyayari noon. Basta ang natatandaan ko lang, nagkakagulo na lang ang mga tao sa amin dahil hindi na mahanap si Spen. Halos lahat ng tao noon ay tumulong para maghanap kay Spen. Ginising din ang batang pinsan kong si Noy para ipahanap ang bestfriend nito. Kasi nga baka daw may pinagtampuhan ito na kong ano. Madalas daw kasi itong magtago kapag nagtatampo at si Noy lang ang nakakahanap pero noong oras na yun kahit si Noy ay walang nagawa. Hanggang sa tinawag na ang lahat ng matatandang albularyo sa isla namin para alamin ang totoong nangyari kay Spen. Hanggang sa sinabi ng isa sa mga albularyo na hawak ng isang masamang elemento si Spen at hindi nito matukoy kung ano. Humihingi daw ito ng tulong. Sumisigaw. Nahihirapan.
P.S. After halloween daw pala nangyari. Hinintay ko pang umuwi si Mom para tanungin. Lol. Mga between Nov 2-10 nangyari. 16 years ago. So yeah, I was grade five.
Miss Scarred
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree