Yamada-kun and the Seven Witches (Part 6)

562 11 1
                                    


Inangat niya ang ulo niya. Ang mata ni Era kulay itim at lumuluha ng itim. ""ALAM MO DAHIL SAYO KUNG BAKIT DI KAMI MAKAPAGBUKOD NI CARLO! T*NG*N* KA SAWANG SAWA NA KO MAGTUSTOS SA PAG-AARAL MO."" Pinahinahon ko siya pero nagwawala si Era. ""SANA MAMATAY KA NA LANG PARA WALA NG SAGABAL SA BUHAY KO. WALA KA NAMANG KWENTA E. NAG AARAL KA BA HA?? E PURO BABAE NAMAN INAATUPAG MO DIBA?? DIBA."" May lumitaw na aninong hugis tao at sinaksak ako gamit lang ang kamay nito. Binaon at parang gumagapang sa loob ng katawan ko ang kamay niya. Paglabas ng kamay niya sa loob ko may hawak siyang kulay brown na parang taba. Atay ko. Hiniwa niya sa mismong harap ko at napasuka ako ng likidong amoy gasolina. Napabagsak ako. Nararamdaman ko yung emptiness sa loob ko. Pinilit kong gumalaw pero hinila niya ako. Si Era nakatingin lang sakin na parang estatwa. Muling pinasok ng anino ang kamay niya sa tiyan ko kung saan niya ko sinaksak nung una. Gumapang ulit. Pero this time paglabas ng kamay niya hawak niya ang puso ko. Tumitibok tumibok. Pinisil niya. Para akong nawalan ng hininga sa ginagawa niya. Hindi na ko makasigaw. Puro luha na lang ata ang response sa sakit na nararamdaman ko.

Tama na! Tama na! Tama na!
Tama na! Tama na! Tama na !
Tama na! Tama na!

Halos mabalot ng usok ang paningin ko nung oras na yun. Iika ika akong naglalakad sa kawalan. Natanaw ko si ate Maricel at Tim. Magkahawak kamay. Pero kasingtaas na ni Tim si Ate. Pero kulay itim pa rin si Tim. Papalakad sila sa isang mataas na gate. Natakot ako kaya kumaripas ako ng takbo. Takbo. Takbo ng matulin hanggang sa maabutan ko sila sa kanilang paglakad. Pero sa sobra kong bilis e lumagpas ako sa kanila at na out of balance ako at nahulog sa isang bangin. Pero nahawak ko ang kanang braso ko sa dulo. Di ako tuluyang nahulog. Nakatingin lang sa akin ang dalawa. Hinawakan ni Tim ang kamay ko. Di para tulungan ako. Binitiwan niya agad at lumiyab ang braso ko. Ang init. Ang init init. Bakit ba ko pinapahirapan ng ganito. Unti unting natutuklap ang balat ko at parang nagiging abo. Nang maupos ang braso ko na parang naging panggatong e walang nagawa ang katawan ko kundi humiwalay sa dulo ng bangin at magpatihulog. Di ko alam kung gaano kataas ang hinulugan ko. Nagising ako at naririnig ang pagpalahaw ni Auntie Amy.

Si Pring nasa harap niya. Kinukulam ni Pring si Auntie. Nilapitan ko si Pring upang pigilan pero biglang sumabog ang ulo ni Auntie. Napaluhod ako. Wala ng pag-asa. Pinatay ni Pring si Auntie. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Pring. Wala siyang emosyong nakatingin sa akin. As usual luha na lang ang response ko sa mga nangyayari. Ayoko na.. Emre dejk. lang. Seryoso na. Umangat ako sa ere. Pinapaangat ako ni Pring. Lumobo ang kamay ko. Sumabog. Lumobo ang binto ko sumabog. Nung mga oras na iyon nagawa ko na namang sumigaw. Sumigaw dahil sa hirap. Sumigaw dahil sa kalungkutan. Sumigaw dahil sa awa. Mababaliw na ata ako. Someone save me please. Biglang may sumaksak kay Pring. Pagtingin ko si Maira. Di ko siya napansin. ""KASALANAN MO TO LAHAT DAHIL GUSTO MONG GUMANTI DIBA?"" Nalaglag ako sa aking pagkakalutang. Nakatihaya akong bumagsak. Pero pinilit kong dumapa at gumapang. Gumapang ako pero di ko maigalaw ang isa kong binti. Pakiramdam ko nabali. Dito ko naalala na tinago ni Auntie Rem ang bola kung saan nakaukit ang aking pangalan. Doon lang pumasok sa isip ko nasa ilalim ako ng kapangyarihan ni Auntie. Di ko alam kung bakit noon ko lang narealize. Pero lahat naman kasi, yung emosyon, yung sakit, yung kirot, yung hirap lahat parang totoo. Pinilit kong gumapang. Halos hilahin ko ang katawan ko sa hirap. Pero parang wala naman si Maira.

Kaya sinamantala ko ang pagkakataong gumalaw. Pero maya maya nakaramdam ako ng isang saksak sa tagiliran. Isang saksak sa braso. Sunod sunod. Sunod sunod. Di ko makita si Maira pero alam kong nasa paligid lang siya. Pinipilit ko pa ring gumapang at gumalaw. Nang biglang lumitaw si Maira at inupuan ang hita ko. Pinagdikit ang dalawang binti ko. Tinali. Niyakap. Tinadtad ng saksak. Alam kong ilusyon na lang yun pero di ko maatim na yung kapatid ko pa ang ginamit niya para saktan ako. Nakangiti lang sa akin si Maira habang tinatadtad ng saksak ang binti ko. Di ko mapigilang sumigaw. Pero tinakpan niya ang bibig ko gamit mismo ang mga lamang nalagas sa binti ko kakasaksak niya. Sukang suka ako. Patayin niyo na ko please. Please. Kung naririnig man ako ni Emre, Ether at Arde please. Grant some wishes. Isang simpleng mangkukulam na ang tanging hiling lang ay ang safety ng pamilya. Bakit ganun kahit kelan wala naman kaming inagrabyado. Pero bakit sa amin nangyayari ito. Kung yung bolang itim ko na nga lang ang natira kay Auntie sana safe sila ate. Kahit di na ko kasama. Kahit sila na lang.

Pagdilat ko nasa bahay ako. Nakita ko silang pito. Nakafreeze. Kung ano yung pwesto nila nung nasira namin ang mga bolang itim kung saan nakaukit ang pangalan nila eh ganung ganun sila. Hawak pa rin ni Pring ang manika. Magkayakap si Karla at Era. Inaalalayan ni Maira si Aurora. Nasa likod si ate Rowena ni Pring. Nagpupunas ng luha si ate Maricel. Medyo mabigat ang atmosphere at alam kong part pa rin ito ng palabas ni Auntie. Nang biglang may lumitaw na lalaki sa harap ko. Mukha namang tao. Posturang postura. Nakadekwatro at nakangiti sa akin. Kung titignan, mukhang kasing edad ko lang pero mas gwapo ako. Tinanong ko siya kung sino naman siya. Pero sabi niya isa siya sa mga nilalang na pumapabor sa kaawa-awang nilalang na gaya ko. Napakunot ako sa sinabi niya. Tumawa siya. Pinakita niya sa akin ang singsing niya. May markang bungo. Naalala ko yung dalawang insektong ginagamit ko. Siya pala ang nagpadala. Matagal niya na kong gustong kunin tuwing bilog ang buwan kaso masyadong maraming interference. Ang swerte ko daw sa mga kapatid ko. Pinilit kalabanin ni Pring at ate Rowena si Auntie dahil nga ako naman ang kinukulam. Halos mamatay din daw ang mga sigbin ni Karla dahil sa pagsalo ng balik sumpa.

Pero may sinabi siya. Nung mga oras na iyon sabi niya kalahati ng kaluluwa ko ay ""itinali"" na ni Auntie Amy sa alaga nitong pulang dwende. Ito yung ahas na may korona. Kasama ito sa itim na kahon na pinaglagyan ni Auntie. Pero nabasag na daw ito dahil sa tulong ng kausap ko. Napakamot ako. ""Ano nga pangalan mo?"" Sabi niya **** kaya tawagin na lang natin siyang Ken. Umayos ng pagkakaupo si Ken at sumeryoso. Sabi niya sa mga oras na iyon resulta ng labanan ng mga kapatid ko at ni Auntie Amy e baka pare-parehas lang silang makatanggap ng balik sumpa. At kapag nangyari yun ay baka ako lang ang mabuhay. Nag offer siya ng tulong at binigyan niya ko ng dalawang choice. Hindi makakakuha ng balik sumpa ang mga kapatid ko at kaya niyang gawin ito. Ang kapalit mamimili ako sa dalawa. Magkakaroon kami ng kontrata, sa kanya ang kaluluwa ko at bibigyan niya ko ng iba pang kakayahan. Yung ikalawa alay na laman at dugo kasabay ng habang buhay na pabor na hindi ko pwedeng tanggihan. Nag isip ko. Risky yung unang choice kaya yung pangalawa ang pinili ko. Tinanong niya kung kaninong dugo at laman ang ang iaalay ko. Pinakita ko sa kaniya yung palasingsingan ko kung saan ako kinagat nung insektong mula sa kaniya. Napangiti siya. ""Wais ka bata"".

Nagising ako. Di makapaniwalang buhay. Tama ata na pinagkatiwalaan ko si Ken. Nakayakap sa akin ang mga kapatid ko. Umiiyak sila. Tinaas ko ang kamay ko. Putol na ang isang palasingsingan ko. Pinakiramdaman ko ang binti ko at wala ng bali. Tumayo ako.

""Kala ko mamamatay ka ng g*g* ka e."" Pambungad ni Maira.
*bad finger* senyas ko sa kanya pero kabilang kamay. Si Pring nakayakap lang sakin. Tong batang to kahit kelan talaga. Nagsimulang magligpit ng gamit si ate Rowena at ate Maricel. Ang gulo ng bahay. Para kaming minassacre. Tinawag ni Maira si Papa. Takang taka si papa dahil wala pa daw kaming isang minuto simula nung pinalabas namin siya bahay. Talaga lang tay? Pakiramdam ko nga habang buhay na ko dun e. Jusq pagtapos nun halos di na bumukas ang third eye ko. Ilang buwan din mga tsong di ako sanay na di nakikita si Tim at yung mga sigbin. Kung itatanong niyo kung anong nangyari kay Auntie Amy? Di siya namatay. Pumunta sa bahay namin yung panganay niya. Nagmamakaawa na tulungan namin si Auntie Amy kasi nagsasa-aswang na raw ito. Eto yung worst na maging kalagayan ng isang mangkukulam. Buti na lang hindi inabot ni Auntie Rem. Kapag tinadtad ng balik sumpa ang isang mangkukulam may dalawa siyang choice.Tanggapin ito o magsa-aswang para makaipon muli ng lakas para makabalik. Pero bihira lang yung nakakabalik sa estado ng pagiging mangkukulam. Kailangan niya ng kontrata sa isang engkanto gaya ni Ken. Kasi yung pulang duwende niya kinain ang sarili nito dahil sa pagkakabigo ng kontrata nila sa isa't isa. Di ko alam kung literal. Tingin ko nga siya yung nagsasa-aso tuwing madaling araw sa amin nun. Pero ngayon wala na.

Hays parang kelan lang. Halos magdadalawang taon pa lang. Ngayon okay naman kami. Paminsan minsan nakakaencounter ng konting twist sa buhay. Si lola naman ayun wapakels sa nangyari. Ramdam ko naman na lola namin siya pero wala siyang gana tuwing ioopen nila ang interes nila sa pangungulam. Diba sabi ko naconvert ako kelan lang hahaha. Siyempre ako yung nangungunang tutol kasi alam kong hindi maganda ang patutunguhan.

Pero hindi pa tapos ang kwento ko mga bes. I think a new story will begin dahil kay Ken. Nung november this year ko lang nakuha ang unang pabor niya. Kaya nga di kami magkakasama ng mga kapatid ko dun sa unang post ko. Dalawang taon anak ng tokwa akala ko nakalimutan na niya yang pabor pabor na yan. Sakit sa ulo yung problema niyang binigay. Kaya baka next year na ulit ako makapagsulat. Kailangan kong grumaduate sa 2018 at makapasa ng board. Pashnea. Ang dami pang project sa feedback. Isa pa tong prof ko e. Daming alam. Buti na lang talaga hot siya dejk lang. So yun, ayun ang istorya ko. Osha uyasiminasai minna!

Yamada

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon