Still into him

328 2 0
                                    


This happened mga 3-4 years ago. Mga 16-17 years old ako. He was my first boyfriend. Masaya ako kasi masaya sya sakin. Everything was perfect until that incident happened.

2 nights before Christmas, nagtext sya sakin na hindi sya makaka-duty sa ospital kasi Christmas Eve naman daw kinabukasan. At tsaka pagod daw sya. OJT na sya nun sa pagiging nurse. So, sabi ko sige sya ang bahala. And then, sabi nya pupunta daw sya sa bayan (I'm from South) to buy some goods para bukas. Nakamotor sya. Around 10-11am lang yun. Nagtataka ako kasi 2pm na e hindi pa din sya tumatawag. Tapos suddenly may nagtext sakin na pumunta daw ako sa *name ng ospital*. Nabangga daw sya. Dali-dali akong pumunta. Tapos pagdating ko dun, nasa state of coma na daw sya. 60-40 ang lagay nya. I was so shocked that time. Di ko alam gagawin ko. Nagdasal ako, sabi ko wag syang kunin sakin.

Christmas, napakalungkot ng Christmas kong yun. Lalo na sa part ng family nya. Lumipas lang ang isang araw na nasa ospital lang waiting sa balita ng doktor. Dec 28 ang bday nya, pero dec 27, hindi pa din sya gumigising. Naging 70-30 na ang lagay nya. Iyak lang ako ng iyak nung time na yun. Tapos nagbday na sya, at kinabukasan, namatay na sya.

So eto na yung kwento ko. 1 year after nyang namatay, binuo ko yung simbang gabi. Sabi kasi nila pwedeng magwish kapag nabuo mo. After ko mabuo, ang wish ko e makita ko sya. As in makita ko sya. Dec 28, around 2-3am nun. Nagising ako. Out of the blue napatingin ako sa paanan ko. And nandun sya. He is smiling at me pero hindi nakakatakot. Napasmile ako sa kanya and I said na I will pray for him. Maya maya lumalapit sya sakin. Tapos inaabot nya yung kamay ko. Hindi ko alam pero kusang tumataas ang kamay ko. Nung malapit na magkahawak ang kamay namin, nawala sya. Tapos biglang lumamig ang mukha ko. Sobra akong iyak ng iyak nun sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

I miss you so much. Ikaw pa rin hanggang ngayon. Ikaw pa din.

Not your typical girl
Alex

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon