Ang Kulto at mga Multo (Part 8)

174 1 0
                                    


Kumusta mga Spookify Reader ? Sorry if Medyo Natagalan sa pag Update, Wag sana kayo Magtampo kaagad. Ok heto na Ulit Ako MagpapaTuloy na Tayo Ulit sa Kwento...
Isang Linggo ang Nakalipas mula nong Maka labas na c moi sa Hospital, Balik na ulit kami sa dati naming Bonding. Salamat sa Diyos at tuloyan ng Magaling c Moi. Kaya nong Araw na Birthday ng Asawa niyang c Des, doon sa iligan city lang ginanap yong kaarawan kaya attack kami lahat don, Maluwag yong Boarding hauz ni Des kaya Nagkasya naman kami. Sobrang ingay namin kasiyahan to da Max talaga. Pero nong araw na yon may Napansin kami ni Buddy sa Boarding Hauz ni des, May nakikisabay sa amin. Dalawang Babae na Dalaga kakaiba mga Hitsura nila Ang puputi ng Balat, yong halos kakulay na nila ang Mga manikin sa mga Mall. kapag nagtatawanan ang lahat, Nakikiawa rin sila. Nasa Sulok lang Sila naka Tingin sa amin, Unang una ko palang sila napansin at nakita alam kong Hindi Sila Tao. Wala kasi Silang Kilay, Yong Mata nila parang Tuldok lang na itim. Kakaibang elemento sila, Yong Mga Damit na sout nila Makintab na Puti, kapag Tumatawa sila Sumasabay yong Boses nila sa mga kasama namin na tumatawa. Pansin ko yong Bibig nila Pink na pink yong Labi kaso nga lang parang mga lagari yong ngipin. Patalas din dila nila, Napansin kong napapansin din sila ni buddy kasi panay lingon si buddy sa kinatatayuan nila. Tinititigan ko sila kasi panay din kasi tingin nila sa akin. Siguro alam nila na Nakikita ko sila, Ayaw kong itaboy sila kasi wala naman silang ginagawang masama. Lumabas ako para magyosi bawal kasi daw sa loob mag yosi sabi ni des kaya lumabas ako, sumunod si buddy sa akin at erwin. dala dala nila ang Baso at Dalawang Beer, sa labas nalang daw kami mag iinoman. Habang nag iinoman kami kahit nasa harap namin c erwin pinagUusapan namin ni buddy ang nakikita namin. C erwin na Wierdohan sa aming dalawa ni Buddy. Maya maya pa narinig namin sa loob na Sumigaw c Partner ko, kaya tiningnan namin kung anong nangyari. pag pasok namin, nakita ko nanginginig sa takot c partner at lumapit sa akin at yumakap. "Bakit ? anong nangyari sayo?" Tanong ko kay partner habang Niyakap ko na rin. para siyang Bata na takot na takot, "Nag Cr ako, Biglang may Kumalabit sa Likod ko at nagsibukasan ang mga Gripo at may sumipa pa sa pintuan.." Nanginginig na sa sagot sa akin ni partner. "Talagang may ganyan dito, Ako nga ilang beses na akong pinaglaruan ng mga nagpaparamdam dito. Sabi ng may ari bantay daw ito ng Boarding Hauz.." sabat ni Des. "Bakit di mo sinabi kanina na may kababalaghan pala dito.." Sabi ni moi habang nakahiga ito sa Legs ni Des, "Malay ko ba na Magpaparamdam sila ngayon, Hindi ko pa naman kasi sila nakikita pero nagpaparamdam lang kapag gusto nila.." Sagot ulit ni des. pinuntahan ni Buddy yong CR para e check kung andun nga ba. Habang sinama ko na palabas c partner para kumalma ito, Lumabas na rin sila lahat. pag labas ni buddy Sininyasan niya ako na Approve, ibig sabihin Confirm andun nga sa CR yong mga Elementong nanakot kay Partner. Kaya nag paalam muna ako na Mag CR sabay kinindatan ko si Buddy. Tinakot pa ako nina moi, erwin at Des. baka ako naman daw ang Takotin. Natawa lang ako sa pananakot nila, Hindi pa man ako nakalapit sa Pintuan ng CR bigla itong Bumukas at Padabog na isinara. kaya kinatok ko muna, "May multo ba dito? makiki ihi lang ako please.." Iniinis ko lang ang mga elemento pero yong kamay ko hawak ko na ang Panyo ko sa ilalim ng Bulsa. pilit kong tinutulak yong pintuan pero ayaw bumukas, naka lock yata sa loob o sadyang humarang lang talaga sila sa pintuan. "Sige dito nalang ako pintuan iihi, ayaw niyo ako buksan." aakma na akong bubuksan ang Ziper ko ng biglang Bumukas at bumulaga sa akin ang Dalawang Babaeng Elemento, Naka tayo Naka ngisi yong mga mala lagari nilang ngipin. Pumasok ako sa CR na parang Hindi ko sila nakikita, kinalabit ako nong isa at Binuksan yong Gripo, yong isa naman kinakalampag ang pintuan. "pag hindi niyo yan ititigil mapipilitan akong saktan kayo." pagbabanta ko sa kanila. pero tinawanan lang ako ng Dalawa yong tawa nila humalinghing sa tenga ko. Yong isa Lumapit na sa akin habang umihi pa ako, Akward Babae kaya tong mga elemento na to. Kaya napaatras na pag ihi ko aakma ba akong halikan, Kaya mabilis kong nailabas ang sandata ko i mean yong panyo ko, Natakot sila nong makita nila ang kulay Green na Panyo. Halos magkaUndagaga sila palabas, "binalaan na ayaw pa tumigil." sabi ko sa sarili ko habang pinatay ko yong Gripo na nakabukas. Lumabas na rin ako sa CR at nakita ko yong Dalawa na elementong babae na nasa Sala nakatayo at naka Kunot noo. Galit yata sila sa akin, Gusto ko sana silang lapitan pero tumalikod lang sila. mababait naman sila kasi nga bantay lang naman sila ng Boarding Hauz, siguro naingayan lang sila kay Partner kanina kaya Tinakot nila ito. Sa totoo lang kahit natatakot na sila sa akin Humingi pa rin ako ng tawad sa kanila. Alam niyo kasi Hindi lahat ng Elemento ay masasama, May mababait rin naman. Sadyang kanya kanya lang tayo ng paniniwala na pag sinabing Elemento at Kaluluwa ay Masama na. Kung iisipin mas nakakagawa pa ng kasamaan tayong Tao kaysa sa kanila. Sila Umaatake lang kapag nakakaBulabog na tayo sa tahimik nilang pamumuhay. Pero babala lang dahil konti lang ang mababait, Dahil mas Kadalasan sa kanila ay Masama at Alagad rin ng Diyablo.
Matapos ang araw na yon Umuwi na kami kasi May mga alagang Hayop pa si mama na kailangan pang pakainin. Abangan ang kasunod ng Kwento At Salamat nga pala sa mga naghintay na Mabasa ang mga Sunod kong kwento.. God bless at Magdasal lang kayo lagi,
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon