What If? (Part 2)

600 9 5
                                    


Aliens

Pag naririnig nyo o nababasa ang salitang 'aliens' anong pumapasok sa utak nyo?

Sakin dati, elem, highschool and college days, ang pumapasok agad sa isip kong itsura, may malaking ulo, itim na pang anime na mata, mapusyaw na kulay at may payat na pangangatawan. Actually, hindi lang ako, majority ng mga kaklase at mga kaibigan ko, ganoon ang unang naiisip.

""Pero what if, ang imaheng yon ang itinanim nila sa kaisipan ng mga ninuno natin para hindi natin sila makilala, hindi natin matukoy ang tunay nilang kaanyuan"" sabi ni Sir. What if nga diba?

Katatapos lang ng finals namin. Noong maisipan naming dumoon muna sa room nya. Naglalaptop sya, nakatutok, kami nagtatanungan kung anong sagot sa number ganito sa number ganyan, lalo na sa stat. Nong pinatahimik nya kami. As usual nakasara yong pintuan. May pinapanood sya saming vid. Di ko sure kung sa deepweb ba nya kinuha yon, kasi may nakikita akong ganong vid sa yt, yon lang, hindi buo, hindi katulad nong pinapanood samin ni Sir.

Area 51

Nakakabit na sa salitang aliens and ufo ang area 51. Isang 'secret' facility na nasa US. Secret, pero katulad ng sa illuminati, alam na alam. Pero ang nakakapagtaka lang talaga, matagal ng dineny ng amerika ang area 51, 2013 ayon don sa docu, inamin ng gobyerno nila or ng cia na nag-eexist nga ang area 51. Ang sinabing gamit ng facility eh para sa paggawa at trial ng mga makabagong military weapons and aircrafts.

Sa susunod na parte ng video, ipapakita ang lugar at itsura mismo ng facility through aerial view. Kung titignan, para lang syang hangar, plain lang. Pero para sa narrator, ang mga activities eh nangyayari, underground. Kung titignan, parang walang tao. Pero yong nagkwekwento, sinubukan nyang lumapit mismo don sa facility, yong quality ng vid mejo nabago nong part na yon kasi hand held cam na yong gamit. Siguro mga ilang metro ang layo nya sa mismong tarangkahan eh may lumabas na mga naka unipormeng pangsundalo at sinita sya.

Then, naging blank, mga 10 seconds tas biglang may nagsalita. Yong style parang sa am radio. Lalaki yong nagsasalita, choppy. Sabi nya, dati syang nagtratrabaho sa area 51 at sinabi nyang lahat ng hakahaka patungkol sa pasilidad na yon ay totoo. Sa area 51, dinadala yong mga piraso ng mga alien aircraft. Yes, ayon sa kanya, marami na. Ang nakakapagpabagabag lang, yong sinabi nyang dahilan kung bakit nya isinisiwalat lahat. Konsensya. Dumating na raw kasi sa puntong kumikitil ng buhay para maitago sa buong mundo ang eksistensya ng mga ekstrateristyal. Yong mga taong nakakakita mismo ng mga ufo, mga taong hindi mabayaran para tumahimik. May mga kinukuha rin kuno silang mga taong kalye, yong mga wala ng maghahanap para gawing pagkain ng mga nakatira doong aliens.

After non, sabi nong narrator, nabroadcast yon sa lahat ng am station. Pero kakalahati lang ang napakinggan ng mga tao, pero kung marunong kang magdive, maririnig mo ng buo. At isa kami sa mapalad na nakarinig ng buo.
So, mejo tagilid talaga paniniwala ko sa broadcast na yon. Pero nong sinubok kong iresearch yong tungkol don, nong panahong yon, may mga ganon ngang kwento pero walang audio recordings.

Reptillians

Hindi yan si besssss. Pinaniniwalaang ang mga reptillians ang mga tumulong sa mga ancient civilizations para magconstruct sa mga kanya-kanya nilang mga palasyo o pook sambahan, maging libingan. Mga ancient wonders kumbaga. Na kung iisipin talaga, sa kawalan ng mga modernong kagamitan ng mga panahong yon, panahong sibat at bato pa lang ang armas sa pakikipagdigma, mapapaisip ka talaga kung paano nila nagawa ang mga istrukturang yon. Mayans, Aztec, Summerians, Egyptians.

Mga reptillians kuno ang tumulong sa kanila. Kapalit ng mga alay, alay na mga tao. Either, para sa pagkain nila or kung ano pang chukchakcheness ng mga nilalang na yon. Kung mapapansin rin kasi, sa mga ancient civilizations, may mga bathala o sinasamba sila na kalahating tao at kalahating reptiles, kadalasan ahas o buwaya.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon