Carry on my wayward son

581 10 7
                                    


Cliche na tanong. Pero maraming napapaisip. Do you believe in supernaturals? Vampires, Werewolfs/shifters, fairies, or elementals?

Kung ako ang tatanungin? Oo naman naniniwala ako. Pero yong mga nasa libro, movies, sa tingin ko exaggeration na lang. Kumbaga sa coloring book, may drawing na don, para mapaganda, dapat kulayan, gets nyo ba yong gusto kong ipunto? Hehe.

Vampire

Fan girl ako ni Klaus Mikaelson at ni Vlad.

Anyways, pipigilan kong mag fan girling. Sabi nila, si Bram Stoker, author ng Dracula, nainspire sya na isulat yong novel na yon dahil kay Vlad the impaler o si Vlad Tepes. Kinatatakutan si Vlad dahil sa rahas nya. Yong mga kaaway nya kasi tinutuhog nya na parang barbecue. Gamit ang bungo ng mga napatay nyang kalaban, umiinom sya don ng dugo. Sa paniniwalang sa pag inom ng dugo nila, mapupunta sa kanya ang lakas nila. Pero hindi ako nandidiri kasi naiimagine ko si Luke Evans.

Pero bago pa man kasi maisulat ni Bram yong Dracula, may mga kwento ng bampira sa iba't ibang panig ng mundo. Magkakaiba nga lang ng katangian, pero iisa ang ginagawa, ang sumipsip ng dugo sa biktima.

Ang katangian ng mga sinasabing bampira noon iba sa mga bampira nowadays. Hindi sila makalaglag panty katulad nila Damon, kundi mga nakakatakot na nilalang. Mahahabang pangil (Parang sa wolf), mukha laging busog, may ugat ugat na itim sa katawan at mabaho. Mabaho kasi nga patay na sila. Hindi rin nakakalabas pag may araw pa. At sa mga folklore sa eastern europe, shifters din ang mga bampira at hindi lang tao ang pwedeng maging bampira, pati mga hayop.

Pero diba nga lahat ng nilalang sa mundo, nag eevolve. So malamang, nag evolve na rin sila at kaya na nilang makisalamuha sa mga tao na tila normal lang.

May nabasa akong kwento, nong panahong nagreresearch ako tungkol kay Andres Bonifacio, na naging bampira sya at ang butong nahanap nila ay hindi sa kanya. Na pati nga si Ferdinand Marcos sabi nila hindi pa talaga patay, yong matandang Marcos na pinatalsik nong edsa 1 eh double nya yon, pinagpanggap nya. Dahil ang totoong Marcos, sabi don sa kwento, napanatili ang kakisigan. Diba nga treasure hunter sya, may kayamanan syang nahanap pero nabulabog nya yong may-ari, nakagat yon na.
Well, who knows diba?

Pero ito, isa sa mga kwentong nalaman ko kung paano nagsimulang magkaroon ng mga bampira. Noon noon noon pa, bago pa ang pagdating ng Messiah. Panahon ni Nimrod at Semiramis (Kilala nyo sila?), laganap ang pangangaway sa mundo. May isang napakalakas na mangangaway at may nag iisa syang anak na lalaki. Mahal na mahal nya ang anak nya, subalit dinapuan ito ng hindi malamang karamdaman, animo'y tulog na patay (comatose). Natagpuan na lang sya sa paanan ng bundok na walang malay at may malaking sugat sa ulo. Hindi sya mapagaling ng nanay nya, dumaan ang mga buwan na hindi sya nagmumulat ng mga mata at bumagsak na ang katawan. Kaya ang mangangaway, isang gabi, kung kailan kulay pula ang bilog na buwan, nagdasal ng taimtim sa panginoon ng dilim, nagsumamo na muling padilatin ang anak nya. Sa isang pangitain sya sinagot. Apat na birhen na walang dungis, ang dapat ialay sa muling kabilugan ng buwan.
Mother's love to her child bes, ginawa nya yon.

Out of the nowhere, may lumitaw na isang maliit na nilalang na kulay itim. Kinain nya yong puso ng apat na birhen, pagkatapos non ay nawala yon at parang may nagsasabi sa kanyang puntahan ang anak nya. Kitang kita nya na may nakapa ibabaw na magandang babae na nakahubad sa anak nya. Tas biglang nawala, nong lapitan nya anak nya, may dugo sa bibig. In an instant, nagmulat ng mata anak nya. Patay si mama.

Werewolves

May dalawang nagstand out para sakin na kwento tungkol sa pinanggalingan ng mga were. Una ganito.

Diba dati nga, panahon ni Noah, kaya bumaha ng grabe dahil sa kasamaan ng tao. Isa na don ang pakikipag mate ng mga angels sa tao. Ang mga angels na pinapakita na may pakpak at makikisig, hindi daw yon ang totoong forms nila. May mga angels na may apat na mukha, sa tiger, lion, eagle ganon. Kumbaga nag aanyong tao lang sila dati nong mga panahon ng mga propeta para hindi matakot yong mga pagpapakitaan nila. So ganon nga, ang sabi nila, ang offsprings ng tao sa angels, mga higante, si Goliath yong isang example. Pero may isa pang kwento na may mga offspring na kayang magshift sa pagiging hayop. Dito na lumalabas yong mga weres o shifters, sa pilipinas, mga aswang. So dumating yong baha, pero sabi ng ilan, walang nakalagay sa bibliya kung namatay ba lahat ng anak ng anghel sa tao.

Pangalawa namang kwento. Nakaconnect sa mga bampira. Dahil malalakas ang mga bampira, unti unti nauubos ang mga mangangaway. Kaya may isa, sa Aztec ata o Summerian, na nagdasal na naman sa panginoon ng dilim. Ang dahilan, para manghingi ng panlaban sa mga bampira. Biniyayaan sya ng anak at ang anak nyang yon ang naging kauna unahang were sa mundo. Salin salin na. Pero mas nanaig pa rin ang mga bampira. Kasi nga sa gabi lang nakakapag shift yong mga were, napapatay sila sa umaga. Oo, dati daw, nakakalakad ng matiwasay sa araw ang mga bampira. May isang sumasampalataya sa Diyos ang nagdasal ng taimtim at humingi ng tulong. Kasi nga pati silang normal na mga tao lang, nangangamatay na. Sumunod na araw, ilang daan ang nasunog, yong mga pinaniniwalaang bampira. Mula ng araw na yon, sabi nila, napilitang magtago sa dilim ang mga bampira at were. Pero sa galit ng mga bampira kasi para sa kanila asa taas sila ng food chain, twing gabi, pinapatay nila ang mga tao. Pero dahil marunong ang Diyos, nagbigay na naman sya ng biyaya ng proteksyon, na hindi maaaring makapasok ang mga bampira sa bawat tahanan, ng hindi iniimbitahan.

Aswang

Credits sa professor ng professor ng professor ng professor ni Kulas sa history, sa kanya to hehe.

""Bago dumating ang mga kastila, tahimik na namumuhay ang mga ninuno natin. Ngunit nang dumating sila at dahil sa pang aaliping sinasapit sa kamay ng mananakop, ang mga nilalang na dati'y hayop lang ang ikinabubuhay ay natutong lumaban"". Dati naman daw hindi tao ang kinakain ng mga aswang, mga hayop. Pero dahil nga inaalipin sila sa sarili nilang bayan, natuto silang lumaban. Hanggang sa matikman nila ang karne ng tao at marealize na mas masarap pala ito.

Pero dahil sa mga baril ng mga kastila, marami ang lumikas sa kabundukan lalo na nang traydurin sila ng mga kababayan nila at isuplong sa mga prayle, kapalit ng iilang piseta. Kung totoo man ang kwentong to, kung nagtulungan sana ang mga ninuno natin noon, hindi sana tayo nasakop ng mahigit apat na raang taon.

Diwata/Engkanto

Hitik na hitik ang pilipinas sa kwentong diwata at engkanto. Biringan, Maria Makiling, Maria Sinukuan, name it we have it. Nagpasalinsalin na mga kwento. Isang magandang dalaga na nakikita sa kabundukan, pag naliligaw ka, ituturo nya ang daan. Pag nagkalat ka, ililigaw ka nya mga ganon. May isang kwento sa reddit, sabi nya australian sya, na nagmountain climbing sa isa sa mga bundok sa south, may isa syang kasama na nagtapon ng upos ng yosi sa may bundok. Nagtayo sila ng tent, sa may bandang patag na lugar doon, kinabukasan, nawala na lang na parang bula yong kasama nya. Inabot sila ng hapon sa paghahanap hanggang sa magdesisyon silang bumaba at humingi na ng tulong sa mga taga roon. Nang makita nila sa paanan ng bundok yong kasama nila, tulala at may mga paso ng sigarilyo sa buong katawan.

Nang makapagsalita na yong kasama nya, ang sabi, may malaking mabalahibong lalaki (nasa 8ft ang taas) ang kumuha sa kanya, sa balikat ng lalaki may babaeng maganda na tila kumikinang. Sinamahan daw syang bumaba ng bundok at sa pagbaba may mga maliliit na tao ang sumampa sa kanya at pinaso sya. Nauna ng umuwi ng australia yong kasama nila sa takot. Samantalang sila, nagpa norte pa pero bitbit nila ang kaalamang, matutong igalang ang kalikasan.

Sinasabi ng marami na hindi totoo yong mga supernatural beings, kasi nga walang aswang sa ibang bansa, mga ganon. Kanya kanyang kwento lang bawat kultura. Pero hindi nyo ba naiisip, yong bigfoot, pwedeng kapre satin. Mga weres, aswang satin. Fairies, diwata. Vampires, tiktik hehe nanisipsip eh, diba diba?

So yon. Para sakin, nakaexperience na ko ng aswang. Pati nga kapre na nasa may acaccia kung saan kami nagyoyosi akala ko nga makiki hits eh hehe. So posibleng totoo rin ang mga bampira, engkanto, diwata. Malay natin diba, napakalawak ng mundo. Andyan din yong mga fallen angels, may mga kapangyarihan sila, di man kasing lakas ng sa Diyos, sapat na yon para maghasik sila ng kasamaan sa mundong ito.

Hunter

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon