Journal Entry #1: Ang Kwarto ni Darcie

913 13 2
                                    


Hi po! Ako nga pala si Seth at pinadala ako ni Conchita sa page na ito, hindi na ako maka hindi dahil last December ko pa ito naririnig sa kanila nila Jiggy. Pati si Kuya Mon ay napepeste na sa kakulitan ni Conchita sa paghingi ng abiso na gamitin ang mga pictures sa case para lang ishare ito. Pero hindi talaga pwedeng ilabas at baka mademanda kami... pero pumayag din si Kuya Mon sa isang case at naalala ko pang tinawagan niya pa ang client. Lahat po ng kwento ni Conchita na pinasa niya rito ay ang mga cases na malaki ang naiambag niya, at dahil na rin na sinuhulan niya ako ng doughnuts. To give you guys a hint totoong pangalan ko ay Seth, second name ko ito. Ang nickname naman na Conchitabonfire ay hango sa isang pangalan sa paboritong panoorin nila ni Jiggy, series ito. Si Kuya Mon naman ay nasa dulo ng name niya ang Mon, at ang boyfriend ni Conchita ay kasali sa cases niya simula sa Case. At ang weird din dahil nabasa ko ang ilang comment na nag "ship" sa amin ni Conchita. Matulungin lang po talaga ako lalo na sa baguhan at natatakot ako kay Jiggy dahil minsan na niyang ipinasigaw ang pangalan ko sa SM North sa deparment store na missing child!

2006 at unang case ko kasama sila Kuya Mon at Kuya Ray. At kaya naman napasama ako ay dahil si Kuya Ray ang nag invite sa akin na sumama sa kanila. Kaibigang matalik ni Kuya Ray si Father *** na tumulong sa akin noong bata pa lamang ako sa mga bagay bagay na hindi madaling iexplain. Bago pa man ako makasali sa group na ito bata pa lang ay may nakikita na akong mga bagay na akala ko ay normal. Tulad nalang ng kaibigan kong si Banana na akala ng mga magulang ko ay isang imaginary friend lang. Dahil na rin sa only child ako at wala akong makalaro sa village namin noon dahil halos lahat ng tinatawag nilang bata doon ay mga teenagers na kaya hindi ako lumalabas ng bahay namin. Doon sa likod ng bahay ay may malaking puno ng macopa, sinabi ng nanay ko na ang tatay pa ng lolo niya ang nagtanim nung puno kaya ngayon ay malaking malaki na ito. Sa ilalim nung puno ay naroon ang swing na bakal at katabi nun ay yung ihawan, doon ako na lagi sa swing at minsan pinapanood ko ang lola ko habang iniihaw yung mga talong na gagawing torta. Ang lola ko nakahiligan na niyang magmura kapag nag iihaw, hindi ko alam kung baki. Pero nakakatawa siya pag nagmumura kasi nanginginig ito kaya minsan natatawa ako sa swing habang pinanonood siya. Niyaya ko pa minsan ang nanay ko na panoorin si lola at pati siya natatawa sa matanda.

Doon ko unang nakita si Banana, naalala ko noon nang makauwi ako ng hapon, dahil school service talagang on time ako nakakauwi noon. Pinagbuksan ako ni mama ko at may dala-dalang bag at sabi niya sa akin na magpalit na ako ng pambahay at pupunta siya sa palengke para bumili ng nakalimutan niya. Naalala ko na napakamot pa ako ng ulo bago pumasok sa bahay. Doon sa living room nakita ko ang lola ko nasa rocking chair at natutulog. Ang tatay ko naman ay namatay nung isang taong gulang pa lang ako kaya kami lang nina lola at mama ang nasa bahay. Pagkatapos ko magpalit noon ay agad akong pumunta sa likod. Dahil namumunga na ang puno naisipan kong pumitas doon sa isang sanga na nakalaylay na. Nang may napansin akong kakaiba dahil nangamoy na parang usok na galing sa nagsisiga ng dahon pero wala naman akong napansin na nagsisiga. Kaya ayun pumitas ako ng ilang macop. Nang pipitasin ko na yung pang anim may napansin akong parang tal. Dahil bata ako, hinila ko. Paghila ko biglang may lumambitin na patiwarik doon sa mataas na sang. Nang titigan ko ng mabuti natawa ako sa itsura niya, dahil may mascara siyang kabayo at nakakatuwa siya dahil yung hinila kong tali ay buhok pala niya na napansin kong kulay golden brown. Naalala ko inalok ko pa siya ng macopa. Nang tumagal tagal ay nakikipagkwentuhan na ako sa kaniya ng mga random na mga bagay. Siya din naman may mga kinukwentong mga bagay at may ilan pa akong natatandaan katulad nalang nang naikwneto niya yung puno dahil yung puno daw na iyon ay buhay. Kaya daw siya lumipat noong unang nagbunga yung puno namin ng macopa at yung ibang puno naman sa labas na akala mo buhay dahil berde pa ang kulay ng mga dahon at minsan ay namumulaklak. Pero sabi niya na patay na ang mga iyon at mga bagay bagay na mga sikreto katulad nalang ng lola ko daw noong dalaga pa raw ay niloko ng una niyang boyfriend na ang pangalan ay Ismael.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon