Ang Gala

527 8 0
                                    


Hi Spookify. First time ko to share a story sa page nyo.

Kwento ito ng friend ko sa dati kong pinapasukan. Kwento ito sa kanya ng relative nya noong bata pa ito. Sa madaling salita kami ay mga dakilang tsismosa.

So here it goes, baka kasi humaba pa ang introduction ko.

Noong bata pa ang relative ni Ely (not the real name) madalas itong maglagalag sa kung saan-saang lugar. Kahit hindi niya alam ang lugar at wala siyang kakilala ay go pa rin sya. At kung may mapupuntahan namang may kakilala ay doon siya nakikitulog (In short nakikigulo sa bahay ng kaibigan). Walang idea ang relative nya sa history o legend ng lugar na pinupuntahan nito, basta pag ginusto nya go sya.

Then one time, may napuntahan siyang isang lugar somewhere in Visayas. Well known ang lugar sa mga turista in this generation but on 1970.... well... let that imagination scare you.

May friend sya na taga doon sa place so less afraid sya kaya naman agad syang pumunta sa lugar na yun. Well, matagal na rin niyang hindi nakikita yung friend nya na classmate nya sa isang catholic school. Mga 3 years na ata as per my friend's story. So well nung pumunta sya sa lugar, nakita nyang medyo liblib ang lugar at malayo ang mga bahay. Ilang din sa kanya ang mga napagtatanungan nya pero itinuro naman sa kanya ang bahay ng friend nya. At nang makita nya ay napansin niya ang lolo ata ng friend nya na nakatayo sa labas ng bahay.

""Lolo mawalang galang na po, andyan po ba si ****?"" tanong nito
""Wala sya iha, nasa Maynila, gabi pa ang uwi dito"" sabi nito na dahan-dahang binubuksan ang kawayan na gate (Kasi nung panahon na yun di pa uso ang bato at bakal na gate).
""Kung gusto mo tumuloy ka muna"" alok ng matanda.
""Ay, wag na po, nakakahiya naman po. Kung pwede po pakisabi na lang po sa kanya na napadaan ako pagdating nya"" paliwanag nito at umalis na lang dahil sa di malamang dahilan ay natatakot siya sa matanda.

Habang naglalakad, napansin niya ang tricycle driver na nagturo sa kanya ng bahay.

""Buti di ka pumasok sa loob"" sabi nito.
""Bakit po?"" tanong niya na medyo kinikilabutan.
""Aswang ang pamilyang yun at mahilig kumain ng tao. Yung kaibigan mo andyan lang sya sa bahay nila, nakakulong sa kwarto dahil nabaliw""

Sabi ni Ely buti na lang at hindi ito pumasok dahil malamang siya na ang magiging hapunan ng pamilya ng friend nya.

-Fin-

Giyuh

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon