The Aswang Encounter

590 5 0
                                    


Itong mga kwentong ibabahagi ko sa inyo ay hango sa personal experience ko at sa mga kwento ng mga pinsan at mga kakilala ko.

Bocaue, Bulacan: Year 1991
Madalas ang brown out, nakatira kami sa apartment, magkatabi ang unit namin at sa dulo naman ay mga tito ko at pamilya niya. Isang pahabang compound ang apartment at sa dulo ay may tangke ng tubig at sa kabila ng mataas na pader ay bakanteng lote. Isang gabi ako at ang tita ko lang naiwan sa bahay namin tapos yung mga pinsan ko at kasambahay lang sa kabilang bahay. Nanghihingi ng kandila yung kasambahay sa kabilang bahay dahil paubos na yung sa kanila. Lumabas ang tita ko para abutan sila ng kandila, nung pabalik na siya sa bahay namin, may malakas daw na hangin sa bandang likod niya at pagaspas ng malalaking pakpak. Pagtingin niya sa itaas, malapit sa tangke ng tubig, meron daw manananggal dun at nanlilisik ang tingin sa kanya. Nagsisigaw siya at dali daling tumakbo pabalik ng bahay sabay isinara ang aming pintuan. Nabulabog ang mga kapit bahay at may tumawag ng tanod, pagbalik nila sa tangke ng tubig ay wala na dun ang aswang. Pero kinaumagahan pagpunta ng mga tanod sa bakanteng lote, may maitim na parang langis sa damuhan at meron din masangsang na amoy. Sa di kalayuan, may isang patay na aso na wakwak ang tiyan. Mula noon bago pa man mag-6 ng gabi nasa loob ng bahay na kami ng mga pinsan ko palagi.

Marikina: Year 1994
Madalas ako magbakasyon sa Marikina pag summer, katulad noon madalas pa din ang brownout sa pilipinas. Dahil nga mainit, nasa labas kami ng bahay para magpalamig, mga alas-8 na ng gabi yun. Di naman kami natatakot dahil buong pamilya namin ay nakaupo sa garden set at madami kami. Habang nagkekwentuhan kami, nabulabog kami sa ingay ng mga lalaking nagtatakbuhan papunta sa kapit bahay namin na isang albularyo. Meron daw nakita yung buntis sa kabilang kalye. Sa may poso malapit sa bahay nila, meron daw taong pusa na nagmamasid sa kanya. Sumama sa kanila yung kapit bahay naming albularyo, bitbit yung buntot pagi niya. Ayon sa kwento nung albularyo, naabutan pa niya yung aswang dun sa kabilang kalye at nagawa niyang mahagupit ng buntot pagi pero nakatakas yung aswang kasi nagpalit ng anyo.

Batangas: Year 1999
Umattend ng Fiesta sa Batangas ang kuya ko, kasama ng mga barkada niya. Pauwi na sila sa maynila ng gabi pero bago sila umalis bumalik muna yugn driver nila sa bahay nung barkada nila para magkape para magpababa ng tama. Naiwan sa van ang kuya ko at 3 pa niyang barkada, habang nagpapahinga sila, may ibang nakakatulog na dahil sa antok, bigla na lang daw may mabigat na bagay na bumagsak sa bubong ng van. Akala nila buko lang o kung anumang prutas kaya di nila pinansin. Nagulat na lang sila nang biglang umalog yung van, para daw niyuyugyog ng pwersahan yung van. Nagising silang lahat at nataranta, bababa daw sana sila ng van pero nung bubuksan na daw ng kaibigan niya yung pinto bigla na lang sumilip yung aswang, nakita nila mukha ng aswang. Yung ulo daw parang katulad ng ulo ng paniki tapos may mahahabang pangil at mahahaba din daw ang kuko. Kahit mga lalaki sila ay nagsisigaw daw sila sa loob ng van dahil sa takot. Nagpatuloy daw ang pagyugyog sa van. Umalis lang daw ung aswang nung pabalik na yung driver nila na may mga kasamang maraming tao. Pagcheck nila sa van, madaming kalmot yung sa bubong at sa gilid ng van at nayupi yung bubong.

Marikina: Year 1998
Ang sched ng pinsan ko sa work niya ay 6AM – 3PM, so mga 4:30AM pa lang ay umaalis na siya ng bahay. Madalas nagpapahatid siya sa kapatid niyang lalaki sa may sakayan. Pagkahatid sa kanya ng kapatid niya sa may sakayan, pabalik na yung kapatid niya sa bahay namin. Nang may lalaki daw na sinisitsitan siya at pilit pinapalapit yugn pinsan ko, dinedma lang niya lang at lumayo dun sa lalaking tumatawag sa kanya. Paglagpas ng pinsan ko dun sa lalaki, bigla na lang daw naging malaking itim na aso, kumaripas ng takbo ang pinsan ko. Buti na lang matangkad yun at varsity kaya mabilis tumakbo para makauwi. Di na niya nilingon kung aabutan na ba siya nung aswang basta tumakbo siya ng mabilis. Pagdating niya sa bahay naglagay siya ng asin sa pintuan namin para di makapasok yung humahabol sa kanya. (Napanuod sa Shake, Rattle & Roll)

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon