Not really a horror story

338 2 0
                                    


Taong 2014. Nangaliwa ang asawa ko kaya umalis ako sa bahay naming mag-asawa at umuwi muna sa bahay ng mga magulang ko sa Muntinlupa.

Iyak ako ng iyak noong gabing yun sa kwarto ko, hindi ko lang pinapahalata sa mga magulang ko. Nakatulog na lang ako kakaiyak. Eksaktong alas-tres ng madaling araw, naalimpungatan ako. Tapos nakita ko yung yumao kong ex-boyfriend na nakaupo sa may paanan ng kama ko, pinapanood akong matulog.

""Matulog ka pa. Alam kong pagod ka pa. Matulog ka pa."" Sabi niya sa akin. Napakabanayad ng boses niya. Bumangon ako at kinausap ko siya.

""Bakit ba kasi iniwan mo ako kaagad? Nakakainis ka! Ang daya-daya mo!"" Naiiyak kong sagot.
""Kung nandito ka sana, edi sana, hindi ko papakasalan yung cheater na yun, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito!"" Namatay ang ex ko noong 2009, naaksidente yung sinasakyan niyang bus pauwing probinsiya. Dahil aksidente ang nangyari, mas masakit at mas mahirap tanggapin. Apat na taon na kaming magkasintahan noon.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Hindi ko alam kung bakit, pero napakainit ng yakap niya. Hindi ba dapat malamig ang mga multo? Pero siya ay hindi. Ang init ng mga bisig niya.

""Sorry ha. Hindi ko naman gustong iwan ka e. Kung mayroon nga lang pagkakataon e, babalikan kita. Wag ka ng malungkot, palagi naman kitang binabantayan e... Mahal na mahal kita"" (Marami pa siyang sinabi sa gitna, pero hindi ko na maalala)

Umiyak ako sa mga balikat niya. Hanggang sa magising ako. Alas- sais na. Hindi ko alam kung panaginip lang ang o hindi ang nangyari. Pero isa lang ang alam ko, siya lang talaga ang lalaking para sa akin. Kung hindi man kami magkakapiling sa mundong ito, sa kabilang mundo, handa akong maghintay.

Salamat sa pagbabasa!

Cha Eun Sang

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon