Case 8: Where Evil Dwells

696 12 0
                                    


So ayun nga pinapapunta kaming lahat sa may Mcdonalds sa Commonwealth. Naisip ko nung time na iyon ay baka magpapakain ang mga Core group leader. Kaya naintriga ako so no choice from Sto. Domingo Church sakay FX papunta doon. Nang makarating ako nakakaloka, nasakop na namin yung buong gilid ng Mcdo at wala sila sa loob nasa labas silang lahat. Sina Mon, Crystal, Diana, Amber at Patricia nakaupo sa may ledge, pinuntahan ko sila at tinanong kung nasaan ang mga lalake? Tumayo si Patricia at sabay turo sa akin sa may gilid nung overpass nakaupo sina Seth, Paolo, Patrick, Dale, Mark at Vince. Napatanong tuloy ako kay Patring kung anong ginagawa nila, here is the conversation!

(Kahit papano, maski nag iinvestigate kami ng mga paranormal hindi maiiwasan ang ganitong mga ganap!)

After that dumating na yung van nina Vince at Sarah, lahat kami nagpuntahan sa van, sabi ni Vince na pumasok na kayo sa loob may ibibigay ako. So ayun nga pagpasok at pagkaorder ng food diretso business (Atleast libre nga nila hihihi!) Hala nagpasa ng mga sliding folders (Dahil ganito mag operate ang core group lahat detailed!) at kinausap na kami, in the orientation sinabi sa amin ni Vince na kailangan daw ng Core Group ang help namin sa case na iimbistigahan. Ang location niya is tagaytay, at yung place lumang bahay na yung may ari nito ang nagrequest, dahil nakalagay sa file na yung history nung bahay. May mga namatay na doon sa house na iyon, even nung tinatayo pa lang ito ay maraming namamatay na trabahador. Tapos may nakalagay din doon na nung tinitirahan pa ito, may limang maids ang sinapian at bago sila sapian ay nagkaroon sila ng mga pasa. Yung mga pasa ay paikot sa mga wrist nila na parang bracelet! Nakalagay yung name nila sa folder at talagang solido sa research at info. Kaya sila humuhingi ng help dahil nung nakita nila yung place, malaki at hindi kaya ng isang group kaya kami pinatawag. Lahat naman kami nagsabi ng oo, kaya binigay na niya ang oras dahil bukas na kami pupunta doon.

Nakakatakot pa doon eh yung image ni Mama Mary sa groto nabubulok na, sabi nung owner na hindi na nila binalikan yung house na yun after mamatay nung parents niya. Dahil nasaksihan ni owner lahat pati yung sa mga maids kung papaano sila sinaniban. After nang pag ikot namin sa labas pumasok na kami sa loob, at nung binuksan ni owner yung pinto binati kami ng hangin na amoy kulob na aparador. Naroon pa ang ilang gamit sa first floor at doon din yung room nung mga maids, hindi pa tinuturo nung owner nasabi na agad ni Lj yung psychic ng Core Group, 'Dito... Dito sila bumagsak at nangingisay' Pinuntahan niya yung pwesto sa may dining room, sabi naman nung owner eh oo doon sa spot na kinatatayuan ni Lj nagwala yung isang maid (Si Lj kasi kaya niyang magpast read, nakikita niya yung mga nangyari sa isang lugar lalo na kapag malakas pa yung vibrations or may mga marahas na nangyari doon).

Tinanong siya ni Vince kung ano pa ang nakikita niya. So pumikit si Lj at ilang sandali pa namutla siya at biglang binuksan yung mga mata niya. 'May nakita akong figure ng malaking tao na nakalutang overhead..' Tinuro niya kung saan ang pwesto, tumingala kami sa kisame at inexplain niya na yung malaking figure ay parang nakahiga sa kisame na nakatingin sa maid, sabi pa ni Lj na tuwang tuwa yung nilalang.. Dagdag ni Crystal na madami daw siyang nakikita sa labas na mga ligaw na kaluluwa pero parang paikot ikot lang sila dito at hindi makaalis. Lahat sila pinupunto na parang kulungan ang lugar kaya ako naghanap ng ibang explanation at nagmasid masid p. Nung tinour kami sa second floor, I remembered something, yung laging biro sa akin ng lolo ko noon. 'Kung matalino ka... Mas matalino sila, kaya nilang magtago ng hindi mo malalaman kung nasaan... Baka mamaya nasa harap mo na yung mumu pero hindi mo pa siya makita. Kaya kapag ganun, magsindi ka ng kandila para makita mo sila.'

Naalala ko tuloy yung time na yun pag sobrang gulo ko, laging ganun ang sinasabi sa akin ng lolo ko. So nagpatuloy kami sa paglakad sa second floor unang room ay yung kwarto nung client nung bata pa siya na nasa left nung hagdanan at katabi nung room niya banyo, at yung guest room, nasa dulo naman an masters bedroom at yung kwarto ng kaniyang kapatid na babae. Afrer nung tour it was already 3 pm at mag sesetup na ng mga camera at lights, yung diesel generator na silent type! HINDI PALA SILENT! Ang ingay niya yun yung para sa mga ilaw at ibang equipments namin, pinahiram ito nung client sa amin, nang matapos mag set up, yung dalawang Van ginawa naming safe zone at pinorma ito sa loob nung malawak na paradahan na parang trailer style, at lahat ng computers ay nasa gitna nung dalawang Van. After that nagdasal na kami doon sa safe zone namin para kahit papano may lugar na pwede kang bumalik. Then binigay na sa amin ang mga toka namin, napunta ako sa rounds sa labas at sa loob iikutin ko yung lugar, parang scout, kasama ko si Seth pero ang toka naman niya mula loob ng bahay palabas... Opposite ways kami kung ako papasok na ng house dapat siya palabas na... Yung tatlong psychic sa core group ang humandle ng isa isan locations, yung isa sa dining area, isa sa maids quarter at yung isa naman sa may grotto, yung mga natirang iba ay piniling bantay sa safe zone at pina stay sa second floor. Kumuha ako sa table ng maliit na handheld camera na may flashlight, isang walkie, at equipment pouch at naglagay na ako ng blessed candle doon sa pouch ko, just incase na yung kaninang naalala ko eh parang help na ni lolo sa akin somewhere up there dahil laging mga turo niya ang naaalala ko kapag im in a tight situation sa mga investigations ko pero isa palan ang hindi ko nagagamit na payo ng lolo ko na kapag naipit daw ako tawagin ko daw siya, pero in this case ayoko mas nakakatakot pag lolo ko ang nagpakita sa akin although mahal ko siya... Rest nalang siya... So ayun kaniya kaniya na kami umikot na ako mula sa harap papuntang garden sa likod, nag attune ako to feel any presence sa lugar unang una kong naramdaman yung bata although medyo blurry yung image makikita padin sa fugure nung maliit na bata yung pagka curve nung katawan niya na pagilid parang nabundol yung itsura niya at naglalakad lang siya aimlessly, yung pangalawa kong na sense ay matandang babae na mukhang haggard at lingon lingon sa kung saan saan... It doesnt make sense, kung bakit nasa isang lugar lang sila. Lumakad pa ako ng konti papunta sa likod still naka concentrate ako sa pag sense nang may maramdaman akong mali, tumigil ako sa kinatatayuan ko at binigyan ko ng intent yung pag attune ko to the point na parang sasabog na yung utak ko, pero umaalis yung ibang nasesense ko magaling dahil nagmamatiyag sila. Dito na ako kinabahan, dahil ang mga entity na alam nila na hinahanap mo sila at kaya nitong magtago is demonic, kaya umatras ako ulit mula doon sa nakita king bata at matanda, pero wala na yung bata at yung matanda doon, so nag roam na sila, yung type naman nila na spirit ay yung tinatawag natin na mga spiritong gala (yung spirit na hindi mahanap kung ano man ang hinahanap nila para lang matahimik) nung makumpare ko yun bunalik na ako sa likod at tumapat sa may grotto nandoon si Lj, pero hindi ko na nilapitan at nag attune ako ulit sa kinatatayuan ko so I closed my eyes and focused nung buksan ko ang mga mata ko napasigaw at napaupo ako sa lupa, dahil unang unang nakita ko eh yung kaluluwang walang balat yung mukha! Nakatitig sa akin eye to eye, bloodshot red eyes at skinless face nakasuot ng polo kaya nalaman kong lalaki, dali dali namang pinuntahan ako ni Lj tsaka nawala na si kuyang skinless!

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon