Beb (Part 1)

513 10 0
                                    


It all started way back 2011. You were a stranger to me back then. Isa ka lang tambay sa tindahan na pinapaloadan ko noon. One time I received an text from an unknown number. I asked who it was, only to realize it was you who asked for my number sa tinderang pinapaloadan ko.

Inis na inis ako sayo noon kasi maya't maya ka natawag at nagtetext. Nangungulit na gusto mo kong maging kaibigan. Hanggang isang araw, nagulat na lang ako habang nanonood ako ng tv. Nakita ko yung mukha mo sa harapan ko. Sobrang lapit. Gulat na gulat ako at sumigaw ng trespasser. Tawa ka ng tawa kasi sinabi mo pala sa tito ko na boyfriend kita kaya ka nakapasok. Kapal din ng mukha mo e no? -.-

Simula noon lagi na tayong magkasama. Sinusundo mo ako galing School sa Maynila (Intramuros. Bahala na kayo manghula kung saan doon). Ang nakakatawa pa dito hindi ka nagbbus. Nagtataxi ka mula las piñas hanggang lawton. Ang nakakainis hindi ka marunong magcommute at tumanggap ng sukli. Paaker ka Beb ang gastos mo.

Hanggang sa nakilala ka nila mama, papa ate at lola. 2012 yon. Lagi kang tambay sa bahay na ultimo ate ko nasuyo mo na kahit sobrang TARAY niya. Hindi ko maexplain kung paano mo nakuha yung loob ng pamilya ko. Akala ko nga noon ginayuma mo sila sa pamamagitan ng pasalubong mong pizza, jollibee, mcdo, kfc etc.

Palagi tayong nagroroadtrip sa Tagaytay tuwing wala akong pasok. Kakatok ka na lang sa bahay, matik na kakaladkarin mo na ako sa sasakyan mo para bumiyahe kahit alas tres pa ng madaling araw yon. Hindi ako legal na gumala ng ganong oras pero since alam nila mama na ikaw ang kasama ko, kulang na lang ipagtulakan akong sumama sayo. Grabe ka talaga. Gwapo mo e no?

Gwapo ka naman kasi talaga. Ibang iba ka sa mga nakilala ko e. Ikaw yung di nagpapakain sa systema. Yung tipong pinandidirihan mo ko pag hawak ko phone ko kasi lagi akong nakatanga sa Facebook, Instagram, etc. Ikaw lang talaga yung kilala kong walang facebook o kahit na anong social media accounts. Paano patay na patay ka sa paglalaro ng game consoles. PS3, psp, Xbox360, wii, l*ch*. Pati ako dinadamay mo sa kaadikan mo na halos dumadating sa puntong hindi na tayo natutulog para lang matapos yung Left4Dead.

Hindi mo alam, sa ginagawa mo nahuhulog na ako sayo. L*ch* ka beb ang manhid mo sa part na to. -.- Isang araw, sinundo mo ko sa bar, nalaman mong naglasing ako kasi nag away si mama at papa at dumating sa point na gusto na nila maghiwalay. Inaaway mo ko habang nabiyahe tayo at nagddrive ka. Iyak lang ako ng iyak. Dinala mo ko sa bahay niyo para mahimasmasan kasi ayaw na ayaw mong iuwi ako ng lasing ako kasi baka magrounded ako nila mama. Hindi ko alam kung lasing lang ako noon pero naramdaman ko na hinalikan mo ko e. G*g* ka. Kinabukasan tinanong kita kung totoo ba na hinalikan mo ko tapos tinawanan at sinabihan mo kong ilusyunada ako? Wow. Just wow.

2014, nalaman mong may boyfriend ako. Simula noon bihira na lang tayong magsama or magkita, respeto kumbaga . Yun ang sabi mo diba? Ilang buwan tayong hindi nag usap. Ni text o tawag wala akong natatanggap, akala ko nga patay ka na e. -.- Pinuntahan kita sa inyo non kasi namimiss ko yung bestfriend ko e. Langya. Pinagsisinungalingan pa ko ng yaya mo na wala ka daw, yun pala may kasama ka pala sa kwarto mo at may bago ka ng kalaro ng game consoles mo. Hayyp ka. Hindi ko alam bakit ako nagalit sayo e hindi naman tayo diba?

""There was never an us."" P*tch* akala ko line lang ni Tonyo yan kay Teptep pero nagawa mo talagang sabihin sakin yan nung kinompronta kita. -.- Pasko same year, nasanay na ako na dito ka nagpapasko since wala si tito at tita sa inyo kasi laging out of town para asikasuhin yung business niyo. Pero walang Beb na dumating. Pinuntahan kita sa inyo, sabi ng yaya mo busy ka daw.

New year, same sh*t. Walang bestfriend na dumating sa bahay namin. Wala na yung sasamahan mo kong tumalon habang may nagpapaputok kasi sabi mo gusto mo kong tumangkad. 6'2 ka e. 5'4 lang ako. Sorry na.

Grumaduate ako 2015 wala pa din akong bestfriend na nakita. Ni congratulations via text wala din akong natanggap. Sa sobrang galit ko na sayo, sumugod na ko sa bahay niyo. Only to realize sumunod ka na pala sa pamilya mo sa Canada. Langya ka. Iniwan mo talaga ako ng wala man lang pasabi.

Pero wala e. After three months tumawag ka ulit para sabihing kinasal na nga kayo. Yun pala matagal na kayong pinagkasundo ng parents niyo noon pa. Hahahahayuuup. Uso pala talaga yon no? Doon ko narealize na wala na talaga pala akong parte dyan sa buhay mo. You have a wife, your family with you. Samantalang ako nagsstruggle pa din ng mga panahon na yon.

MARCH 2016, a few weeks before my birthday, napanaginipan kita. Nasa intramuros pa tayo non nakaupo sa walls. Hawak hawak mo pa kamay ko. Nagulat ako nung bigla kang umiyak, nagsosorry. Nagsosorry kasi tinakasan mo ko. Tinakasan mo yung nararamdaman mo sakin. You apologized for abandoning me sa mga panahon na kailangan na kailangan kita. Sabi mo pa na maging matatag ako kasi wala ka na diyan palagi para bantayan at alagaan ako. Sinabi mo na mahal mo ko. Na totoo yung kiss na ginawa mo nung lasing ako. Hindi ako illusyunada, hindi ako praning. Takot ka lang na saktan ako kaya nagdecide kang layuan ako.

Nagising ako pagkatapos non. 6:30 am. Ilang missed calls at text ang natanggap ko galing sa Mama mo. Saktong tumawag ulit si tita, sinabi niya wala ka na daw. Iniwan mo na daw kami. Nagulantang ako. Hindi ako makahinga. Hindi ko alam gagawin ko. Saktong pumasok si mama sa kwarto nakitang nakatulala ako habang kausap ko mama mo. Dun lang nagsink in sakin yung sinabi ni tita.

What the hell beb. Drug overdose beb? They saw your suicide note. Doon nakalagay lahat lahat. Matagal ka ng nagssuffer from depression simula ng dalhin ka nila tita sa Pinas. You've been experiencing panic attacks nang hindi man lang namin alam. Ang galing mong magkunwaring okay ka Beb. Hinding hindi ko alam na depressed ka pala. You've been suicidal since umuwi ka sa Canada. Natatakot na din sayo yung asawa mo kasi di mo na sila kinakausap. You decided to end your misery without us knowing the cause of it.

Hindi ko alam gagawin ko nung narinig ko kay tita yon. I read all the text messages I received last night only to find one of your text messages.

""See you in my dreams, beb.""

Jpan

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon