First time ko magsend ng kwento dito, actually hindi ko kilala tong page na to dati. Pero dahil sa nagsesend dito ng mga kwento ung kaibigan ko, palagi na ko tumatambay dito. Salamat pala kung sakali mang mapopost to.
Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Gab (nickname ko). Nagsimula to nung 1st year college kami ng mga kaibigan ko, year 2013. Pare-parehas kami ng course at same lang din ng section na pinapasukan, kumbaga blockmates kaming apat. Magkakaibigan na rin kasi kami simula high school kaya hindi na talaga kami naghiwalay hanggang sa magcollege. Nung unang araw ng pasukan nameet ko tong babae na to na, si Riya. Maganda sya at sobrang nakaka attract talaga kaya nung naging maging magkaibigan kami after 4 months, niligawan ko na siya. Nung sinagot nya ko ipinakilala ko kaagad siya sa tatlo kong kaibigan pati na rin sa pamilya ko.
Palagi din akong bumibisita sa kanila kasi ayoko siyang mahalin sa kalye lang o kaya sa school lang. Gusto ko kasi yung nakikita ng magulang niya kung gaano ako nag eeffort para sa anak nila at kung gaano ko ito kamahal. Pero dahil sa nag iisang anak nalang siya, ung daddy nya sobrang higpit samin. Madalas din ako nun binabantaan, yung ate niya kasi namatay 2 years ago kasi daw mas pinili nitong sumama sa boyfriend. Hinahadlangan daw kasi ng daddy nila. Nung nasa biyahe na ung ate nya papunta sa bahay ng boyfriend nito, na car accident at simula nung namatay un mas tumindi ung paghihigpit sa kanya ng daddy nya.
Fast forward
Dalawang taon naging kami at sa loob ng dalawang taon na un madalas niyang aminin sakin na kapag daw bibisita ako sa kanila kunwari ay walang pake ung daddy niya. Pero pag alis ko daw ikinukulong daw siya nito sa may bodega nila. Wala naman daw nagagawa ung mommy niya kung hindi umiyak sa labas ng bodega at magbantay doon. Nag alala ako ng husto dahil sa mga kwento niya kaya nanghingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Magpapasko nun nung napagdesisyunan naming magkakaibigan na pumunta sa bahay ng girlfriend ko at kausapin ung daddy niya. Ung dalawang kaibigan ko nun na sina Greg at Mark nasa may kotse nagbabantay. Tapos kaming dalawa ni Cyrus kinakatok ung gate ng bahay ng girlfriend ko. Kaso imbes na makausap ko ng matino ung daddy niya napaurong kami kasi naglabas ng baril, binantaan pa kong papatayin daw ako kapag hindi ko tinigilan ung anak niya.
Nung pauwi na kami tinawagan ko ung girlfriend ko pero naiyak nalang ako nung sinabi niya na dadalhin na siya sa Zamboanga. Gusto ko pang pigilan ung daddy niya kaso nga may baril Diyos ko! Kaya ayun nag emote emote ako sa condo ni Cyrus tapos nung nakareceive ako ng text galing sa girlfriend ko ang sabi niya dun paalis na daw sila. Gusto ko man siyang habulin kasi mahal ko siya kaso nga lang mamamatay lang din ako. Ilang linggo ang lumipas nun na wala kaming communication. Hanggang sa nung nag iinuman kami sa may condo ko, may biglang nagtext sakin. Ang sabi niya ""Labas ka, andito na ko"". Lumabas naman ako nun at nakita ko ung girlfriend ko na basang basa at nanginginig (Umuulan kasi nun, baka nagtampisaw). Niyakap ko siya agad at hinalikan sa noo kaso sobrang lamig ng katawan niya. Tinanong ko kung bakit siya nandito, ang sagot niya lang kahit daw sa huling sandali makita niya ko. Medyo nalito ako. Pinapasok ko siya nun, nagulat pa nga ung mga kaibigan ko nung nakita siya.
Pinagpalit ko sya ng damit sa may CR kaso 1 oras na nakalipas hindi pa rin siya lumalabas. Kaya kinatok ko na, nung pinihit ko ung doorknob bumukas kaso wala na siya sa loob ng CR. Ung damit na binigay ko nakatupi ng maayos at nasa sahig lang. At sa ibabaw nun nakapatong ung kwintas niya na binigay ko nung anniversary namin. Hinanap ko siya sa loob ng condo pero hindi ko siya nakita. Nung sinabi ko un sa mga kaibigan ko nagtakbuhan sila. Hanggang sa tinawagan ako ng mommy nya para sabihing bumisita ako sa Zamboanga. Ibinigay nito ung complete address nila. Nung pinuntahan namin, dun ko nakita na nakaburol na ung girlfriend ko. 3 days na daw patay si Riya. Dahil sa car accident daw. Sobrang lungkot ko nun kasi mahal na mahal ko siya at nahirapan din ako mag move on. Hindi naman kasi lahat ng love story nagtatapos sa happy ending.
Pero ilang months lang ung lumipas. Isang gabi na may nakita ulit akong babae sa may school namin. Kung nabasa niyo ung first part ng Sanguine Vampire ni Cyrus, aakalain niyo na siya ung unang nakakita kay Jia. Pero ang totoo ako un, hindi niya lang alam. Hindi kami naging close ni Jia kasi nasa puso ko pa rin ung girlfriend kong si Riya. Pero aaminin ko nakuha nya din ang atensyon ko nung unang beses ko siyang nakita. At kung mapapansin niyo magkatunog sila ng pangalan. Nafall? Oo nafall din ako sa kanya nung tumagal pero dahil sa magkaibigan kami ni Cyrus at alam kong mahal na mahal siya nito, hinding hindi ako papagitna sa relationship nila.
Super Gab
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HororThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree