Undercover ako sa isang institution for those who are mentally ill and emotionally distressed, pretending to be one of the patients. Ginagawa ko 'to because I need to solve a case para kay Mr. Romero, ang daughter niyang si Anna ay dating pasyente sa institution na ito.
Six months ago, na-admit dito si Anna, and after three months, namatay siya. And based sa report, the victim was sexually abused, pero hindi siya pinatay. She committed suicide.
The weird part is, after that case, isa-isang nawala ang mga staff ng mental institution. Ang ilan sa kanila, nagresign. Others, natalaga sa ibang hospital. So wala akong matatanong sa staff kasi puro bago lang sila. I had no choice but to ask the patients.
Tinanong ko 'yong isang dalagang pasyente, ""May mga bumibisita ba noon kay Anna?""
Sabi niya ""Wala, halos wala. Pero lagi naman siyang pinupuntahan ng daddy niya.""
Daddy niya, ibig sabihin, si Mr. Romero? Malamang pupuntahan niya ang anak niya. Wala namang mali doon.
I also tried asking the old man na lagi akong sinusundan ng tingin. Nakakakilabot ang titig niya lagi sa'kin, parang alam niyang iba ako, di ako tulad nila at may iba akong motibo. Pero there's this side of me na nagsasabing awa ang nasa mata niya pag tinitignan niya ako.
""Mayroon po ba kayong kakaibang napansin noon? Noong nandito pa si Anna?""
""Kilala mo si Anna? Ikaw ba 'yong kapatid niya? Lagi ka niyang kinikwento sa akin noon.""
""Hindi ko siya kapatid"" I replied. I am just here to investigate.
""Anong pangalan ng nanay mo?""
""Divina.""
""Iyan din ang pangalan ng nanay niya.""
Inisip ko, hindi. Niloloko lang ako nito. Hindi ko siya dapat paniwalaan. Wala siya sa katinuan.
""Hindi mo maalala kasi pinilit ka nilang makalimutan o pinilit mong makalimutan. Nakatago ang lahat sa isip mo.""
Tapos hinawakan niya ang kamay ko. Naisip ko, maybe he's the perv who molested Anna. Noong hinawakan niya ko, I felt dizzy. I pulled away. Baka may hypnotic na powers ang matandang 'to.
At hindi nga ako nagkamali ng akala.
That night, sobrang lalim ng tulog ko. My dream felt so real. Nakita ko sina mama at papa, at isang mas batang version ng sarili ko, pero may isa pa kaming bata na kasama, isang batang babae.
After that scene, may mga sumunod pa. Dumaan 'yong naghiwalay sila mama at papa, sumama ako kay papa, at sumama ang batang babae kay mama. Then the next scene was when mama died and the young girl had to live with mama's new husband.
And then I saw myself reading a letter, it was years later, humihingi siya ng tulong dahil pinagsasamantalahan daw siya ng stepfather niya. The letter was addressed to me and the one who wrote this called me ""Ate."" Sa bottom noong page, ang signature ay Anna. But I didn't do anything to help her. Dahil inisip ko na kasalanan niya, pinili niyang sumama sa nanay namin who cheated on our father.
Another letter came. It was saying na nakatakas siya, nakalayo sa nangmamaltrato sa kanya. Nagkunwari siyang baliw dahil mas ginusto niyang manatili sa isang institution para sa mga baliw kaysa paulit-ulit na malapastangan. Pero makalipas ang ilang buwan, natagpuan siya ng stepfather niya. At muli siyang nirape nito. Gustuhin man niyang magsumbong, natakot siya dahil baka walang maniwala sa kanya, lalo pa't ngayon ay nasa isang institusyon siya na para sa mga may problema sa pag-iisip. Isa na lang daw ang nakikita niyang paraan para tuluyang makatakas: kamatayan.
At nang mabasa ko ang pangalan ng tatay na tinutukoy niya: Gabriel.
Gabriel Romero.
I woke up na pinagpapawisan at naghahabol ng hininga. Ang una kong ginawa ay pumunta sa nurses' station. Oo, doon ko nga nakita ang buong pangalan niya. Isa siya sa mga nakaraang administrator ng institution na ito.
Binalikan ko 'yong matanda. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa panaginip ko.
""Hindi iyon basta panaginip, kundi bahagi ng alaala. Pinakawalan ko lang dahil nakapiit ito sa malalim na sulok na iyong isipan"" sabi niya.
Kung si Mr. Romero mismo ang may kasalanan, bakit siya magpapadala ng tao para paimbistigahan ang nangyari? At bakit ako?
Kung alam niyang ako ang tanging tao na nakakaalam ng katotohanan, bakit ako pa ang ipapadala niya dito?
Kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang magpaliwanag. Bakit niya 'yon ginawa sa kapatid ko?
Nakita ko ang isa sa mga nurses na sabi ni Mr. Romero na nakakaalam ng sitwasyon ko, na hindi ako baliw at nandito ako dahil sa inutos niya, pero wag ko daw basta ipahalata sa iba. Sinabihan ko siyang kailangan kong tumawag dahil may itatanong ako kay Mr. Romero.
She brushed me off. As if dealing with a usual patient.
""HINDI! KAILANGAN KONG MAKAUSAP SI ROMERO! SIYA ANG MAY KASALANAN KAYA NAMATAY SI ANNA.""
Hindi ko napigilan.
Rage.
Guilt.
Torment.
May dumating na ibang nurses at ni-restrain ako.
At napansin ko 'yong maliit na measuring cup na nilalagyan ng gamot para sa bawat pasyente. Normal medicines para sa may mental disorder ang ibinibigay nila sa Patient No. 3415.
3415 ang patient number ko.
Hindi ako ipinasok ni Mr. Romero dito para mag imbestiga.
No. All this time hindi ako undercover, I was nothing more than a usual patient.
● ○ • ° • ○ ● ○ • ° • ○ ● ○ • ° • ○ ●
Fiction. If ever may mga totoong tao na may kaparehong pangalan at sitwasyon ng mga characters sa istoryang ito, nagkataon lamang. Muli, hindi real life na istorya, bunga lamang ng imahinasyon.
Little Ms. Crazy
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree